"Taga Manila po ako." Ulit ko. "Kaklase ko po si Altamirano pati si Forrah."

"Mabait naman palang bata."

Ngumiti ako at ginawa rin sa matandang lalaki ang pagmamano. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa ikinikilos ko.

"Hindi po ako mabait." Tugon ko sa sinabi ng matanda.

Napuno ng tawa ang aking pandinig. Tinignan ko sila isa-isa at pati si Altamirano na tumatawa rin.

"Nakatutuwa naman ang batang ito, Fire." Sabi ng matandang lalaki. "Paano mo nasabing hindi ka mabuting bata, hija?"

"Hindi ko po alam kung gugustuhin niyo pang malaman." Kibit-balikat ko.

Muli silang nagtawanan. Kahit nawi-weirduhan ako ay pinilit ko na ring tumawa.

"O sige, hindi na. Tara at pumasok sa loob. Ipaghahanda ko kayo ng meryenda. Alam kong pagod kayo mula sa pangangabayo." Hinawakan ng matandang babae ang aking balikat at inakay ako papasok.

Iginala ko ang paningin at umupo sa kahoy na settee. Umupo sa tabi ko si Altamirano at ang matandang lalaki ay sa katapat naming upuan.

"Dalhin mo si Tamiya sa tree house... tiyak na mag-eenjoy siya."

"Opo. Balak ko nga po iyon."

Hindi ko pinansin ang paglapat ng kamay niya sa aking balikat.

"Are you hungry?"

Umiling ako. "Nope."

"But you'll eat okay? May pupuntahan pa tayo."

Tumango ako at tumingin sa matanda. Mabilis ko ring naiiwas ang tingin dahil sa kanyang ngiti habang nakatingin sa kamay ni Altamirano na nakalapat sa aking balikat.

Tumayo ako para maialis niya ang kamay sa akin. Pumasok ako sa gawi kung saan dumiretso ang matandang babae.

Nasa kusina ito at may niluluto. May mga kahoy sa kanyang lutuan at nakapatong dito ang kawali.

"Ano pong niluluto ninyo?" Tanong ko.

Nilingon niya ako at matamis na ngumiti. "Banana cue."

"Do you want me to help you, i-inang?" Tanong ko.

"Ayos lang ba sa'yo?"

Ngumiti ako at tumingin sa kanilang lamesa. Nakita ko ang mga sticks dito.

"Marunong ka ba hija?"

"Hindi nga po eh. Can you teach me?"

Iniaahon na niya ang mga niluluto.

"Oo naman. Kanina ko pa ito niluluto. Muntik ko nang makalimutan nang marinig ko ang boses ni Fire." Inilapag niya ang plato sa harap ko. "Maupo ka, hija."

Sinunod ko ang kanyang sinabi.

"Gagamitin mo ang pang-ipit na ito para itusok sa mga tindagan iyang mga saging."

Tumango ako.

"Dadalhan din kasi namin ng tatang ang mga trabahador. Para may meryenda sila."

"Ang bait niyo naman po." Pagpansin ko.

Mahina siyang tumawa. Nagkatinginan kami, bigla niyang hinawakan ang aking balikat.

"Bakit po kayo tumatawa?"

"Naalala ko lang ang sinabi mo kanina."

"Na hindi po ako mabait? Totoo po iyon. Madami na akong nasaktan. Madami na akong napahiyang tao. Madami na akong nasagot na matatanda. Actually, hindi ko nga po alam kung bakit parang normal na lang na gumamit ako ng 'po' sa inyo. It's kinda weird on my part but it slips out my mouth automatically." Nagkibit-balikat ako.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now