"You'll teach me?"

"Yep. Then after that, pwede tayong mangabayo. May kabayo kaming kabibili lang ng papa. He has no name yet. Gusto mo, ikaw na ang magpangalan sa kanya?"

"Talaga?" Hindi ko maipaliwanag ang sayang kumalat sa dibdib.

Tumango siya at nginitian ako. Napatingin siya sa aking labi dahilan ng pagkunot ng aking noo.

"What-"

Pinunasan niya ang gilid nito. "May gravy."

Nagkatitigan kami at hindi ko na napigilan ang halikan siya sa pisngi.

"Thank you..." Usal ko.

Nagpatuloy ako sa pagkain at pinigil ang sarili na muli siyang tignan. Ipinagdasal ko na sana ay hindi niya mahalata ang reaksyon ng aking pisngi.

"Don't stomp your feet! Nabubulabog mo sila!" Malakas niyang sabi.

Hinarap ko siya at naghalukipkip. "Eh hindi ko nga sila mahuli! Buti ka pa magaling ka sa ganito-"

Pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang kanan kong braso. Napatingin ako sa mukha niya at hindi napigilan ang humanga.

I couldn't deny anymore how handsome and attractive he was. The aura of his face could make you see him as a bad boy or a boy that do the cheating.

Agad akong nag-iwas ng tingin nang lingunin niya ako.

"Hindi ka nakikinig..." Aniya. "Alam mo na ba kung paano sila huhulihin?"

Teka, may sinasabi ba siya kanina? Ibinaling ko ang ulo sa kaliwa at napakagat sa labi.

"Bend over..." Nagbend siya at naalarma ako sa kanyang ginagawa.

Tinignan ko ang tinitignan niya at napagtantong tinutulungan niya akong manghuli. Hawak niya ang kamay ko at inilapit ito sa tutubi.

"Now..." Bulong niya sa aking tenga. "Get it!"

Isinipit ko gamit ang dalawang daliri ang tutubi. Nanlaki ang mga mata ko nang mahuli namin ang kulay asul.

"Oh my God! Nakahuli tayo!" Tinignan ko ang tutubi sa aking kamay at pinakita ito sa kanya. "Ang galing!"

Inangat ko ang tingin sa kanya at napangiti nang magtama ang aming mga mata.

"But I don't know if I could still do it without you." Umatras ako at muling humarap sa mga halaman at damo kung saan nagliliparan ang mga ito.

Huminga ako nang malalim at sinubukang manghuli muli. Nang tumagal at wala pa rin akong nakukuha ay naramdaman ko ang kanyang katawan sa aking likod. Hinawakan niya ulit ang kanang braso ko.

"Kapag sinabi kong go... saka mo huhulihin."

Tumango ako at nagpokus sa mga tutubi. Ilang sandali pa ay madami na kaming nahuli. Hawak ko ang mga ito sa pakpak. Nang datnan kami ng pagod ay humiga siya sa damuhan. Gumaya ako at tumabi sa kanya.

"It's really tiring but fun. I never did this when I was a kid."

Nilingon ko siya at ganun din ang kanyang ginawa. Inilapit ko sa kanyang mukha ang mga tutubi.

"You think they're cute?" Tanong niya.

"Yes..." Sagot ko.

"Really?" Naiiling niyang pinagmasdan ang mga ito. "Ngayon lang ako nakakilala ng taong nacu-cute-an sa mga tutubi."

"Why? Cute naman talaga sila ah. Kaso ang hirap nilang hulihin." Kibit-balikat ko.

"There are things that are really hard to get. You need to sweat before you get them."

Tumango ako. "Like love... if you love someone, you need to do everything in order for that person to be yours. You need to sweat for him or her. You need to be patient. Right?"

Muling nagtama ang aming paningin.

"And you shouldn't stomp your feet." Pinisil niya ang aking ilong at agad ko namang hinampas ang kanyang kamay.

"Hey... stop doing that!" Lumayo ako ngunit muli niyang iniusod ang katawan palapit sa akin.

"See? Natuto kang manghuli." Hindi niya pinansin ang pag-angal ko. "And yes... you're right." Muli niyang pinisil ang aking ilong. "Ang ganda-ganda mo... nakakagigil ka."

Umawang ang aking bibig. Mabilis siyang tumayo at hinawakan ang aking kamay. Itinayo niya ako at pinagpagan ang suot kong damit bago ako hilahin paalis doon.

Tumigil kami sa kwadra kung saan narito ang mga kabayo.

"Kuya Celso, pakilabas po yung kabayo na kabibili lang ng papa." Utos niya sa tauhan na mukhang nakatalaga sa kwadra.

"Sige ho..." Sagot ng tinawag niyang Celso. "Noong isang araw eh, sasakyan dapat ito noong babaeng kasama ng kuya Zen mo."

"May dinala na namang babae dito ang kuya?" Kunot-noong tanong niya.

"Opo. Maganda at maputi. Pero hindi niya pinakilala sa amin eh. Baka isa lang sa mga babaeng pampalipas oras."

Inilabas ni Celso ang kabayo at agad akong lumapit dito. Hinaplos ko ang katawan nito at napaatras nang bigla itong mag-ingay.

Lumapat ang dalawang kamay sa aking baywang. Napatingin ako kay Celso at makahulugan itong ngumiti sa akin.

"Hmm... siya ang magpapangalan sa'yo. I don't know what name I would give you." Kausap niya sa kabayo. Nilingon niya ako. "Dela Vega?"

"Are you serious?" Kinunotan ko siya ng noo.

Hinaplos niya ang kabayo kaya mas lalong nagdikit ang aming katawan. Pinigil ko ang pagsinghap.

"I'm serious..."

Ngumiti ako at muling tinignan ang kabayo. Nag-isip ako ng pangalan at nang may maalala ay hinarap ko siya.

"Severo..."

Kumunot ang kanyang noo. "Severo?"

"Yes... tapos kapag nagkaanak siya, papangalanan natin ng Severa."

Mahina siyang tumawa. "Okay... sabi mo eh."

Nilagpasan niya ako at inihanda ang kabayo. Inilabas niya ito, sumunod ako.

"You know how to ride a horse?"

"Yep." Inilibot ko ang paningin sa magandang lugar. "Sa tagaytay, nangangabayo kami ng mga Dela Vega. But, I have a cousin who's really scared of riding horses."

"Good to hear that." Inalalayan niya akong makasampa. "Sinong pinsan pala?"

"Hera."

Nang maayos na ang pwesto ko ay saka siya sumampa.

Napapikit ako sa napagtanto. "I... thought, we would have a race."

"You don't like to ride with me?" Tanong niya sa akin at pinagapang ang mga kamay sa aking baywang. Niyakap niya ako at napigil ko ang aking paghinga. "But... I like to."

"Altamirano..." Sambit ko.

Humigpit ang hawak ko sa rein at kinalma ang sarili. Kaya mo 'yan, Tamiya!

Sinimulan ko nang patakbuhin ang kabayo at hindi nagtagal ay naging komportable ako habang siya ay nanatiling nakayakap sa aking baywang.

"Gawin natin ito madalas. I want you to come with me every time I go home."

Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Please?" Sabi niya sa malambing na boses.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now