"Bakit ganun? Ikaw ng dali-dali mo siyang nahuli... ba't ako hindi?" Nilingon ko siya na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Diretso lang ang tingin niya sa daan.

"In order to get them, you should be patient. How could you get the things you like if you just stomp your feet? You shouldn't give up easily too."

Umirap ako. "I didn't give up. I just really don't know how to capture them."

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kinunotan niya ako ng noo at bumuntong-hininga. "You know the idiom, slowly but surely?"

Muli kong tinignan ang tutubi at umuna paglalakad. "Anong akala mo sa akin, bobo?"

"I never said that." Tumawa siya at sinabayan ako. "Sinasabi ko lang na ganun ang dapat na isipin mo kapag may gusto kang isang bagay."

Hindi ko siya pinansin. Nakarating kami sa kanilang bahay at agad akong umupo sa sala na hawak pa rin ang tutubi.

"Dela Vega, let that free. Mamatay 'yan kapag hindi mo pinakawalan."

"She'll die?" Kunot-noo kong tanong. Dali-dali akong tumayo at lumapit sa bintana. "Mamatay pala siya, pero bakit hinayaan mo pa silang mahuli natin?"

Sinundan niya ako at agad kong pinakawalan ang tutubi sa aking kamay.

"Pagkatapos naming manghuli ng mga tutubi noon ay pinapakawalan lang din namin. Pampalipas oras."

"Dapat sinabi mo agad." Nang lingunin ko siya ay nakangiti na naman siya. "You keep on smiling. You look like a fool." Tinalikuran ko siya at pinagpag ang kamay.

Dumiretso ako sa hagdan para magbanlaw at magbihis nang mapatigil ako dahil sa kanyang tikhim. Nilingon ko siya.

"Your smile is really captivating."

Napigil ko ang hininga.

"Y-you like to see me smile?" Tanong ko.

Tumango siya. Napailing ako kasabay ng pag-iinit ng aking pisngi. Nagmamadali akong umakyat at pumasok sa kwartong inilaan niya para sa akin. Pagkasara ko ng pinto ay dinala ko ang kamay sa aking dibdib. Naramdaman ko ang malakas na pagkabog nito.

Anong ginagawa mo, Altamirano? Bakit ganito na akong kabahan kapag nakikita ko ang ngiti mo?

Matapos maligo ay bumaba na rin ako. Tinawag ako ng isa sa mga katulong at sinabing hinihintay ako ni Altamirano sa kusina.

Pagpasok ko dito ay inayos ko ang sarili. Naglakad ako patungo sa table at tumabi sa kanya.

"The smell is good. Mukhang masarap ang mga pagkain." Tumingin ako sa babaeng naghahanda ng mga pagkain. "You are the cook?"

Tumango ang babaeng sa tingin ko ay may trenta anyos. Umasim ang kanyang mukha na para bang may mali sa sinabi ko.

Tumikhim si Altamirano kaya napatingin ako sa kanya. Pinanood ko siya na sinandukan ng kanin ang aking plato.

"Let's eat..."

Pinigil ko ang sarili na titigan siya. Itinutok ko ang paningin sa plato habang nilalagyan niya ito ng ulam.

"Bicol express?" Tanong ko.

"Yep... you want fried chicken?"

Tumango ako at naglagay siya ng isa sa aking plato. Nagsimula kaming kumain at umalis na rin iyong cook.

"Mamayang hapon, gusto mo bang turuan kitang manghuli ng tutubi?"

Napatigil ako sa pagsubo ng kanin dahil sa kanyang tanong. Nilingon ko siya at ngumiti.

Don't Play With Fire (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon