23rd: the Boss' POV

Start from the beginning
                                    


Tila nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya kahit nagdadalawang isip ay tumango nalang ito.


Pagsara ko ng pinto ay agad kong nilapitan si Sonny. She looked so pale. Tila nangayayat din ito. 


Nang naramdaman nito ang paglapit ko ay dahan-dahan itong nagmulat ng mata. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko agad ang guilt sa mata nito.


I sigh. Kahit kasi pasaway ito, hindi ko parin ito matiis. She is like a sister to me. Hinawakan ko ang kamay nito nang makita ko ang nag-uunahang luha nito na nagsimula nang tumulo sa mata nito.


"You can tell everyting to me." I said.


"S-sorry. I know I've been so s-selfish kasi dinamay pa kita sa g-gulong pinasok ko. P-pero hindi ko na kasi a-alam ang gagawin ko. I-ikaw nalang kasi ang alam ko na m-makakatulong sa akin kung.. kung.. p-papayag ka na pakasalan ako.. K-kasi naman ehh! Dapat kasi namatay nalang ako!" hagulgol nito.


I pity her. Mula't-mula ay napakahina talaga nito. Tinapik ko ito sa balikat. Tila lalo naman itong naiyak sa ginawa ko kaya niyakap ko na ito.


Nang tila mahimasmasan ito ay saka palang ito nagsimulang magkwento.


"A-actually, it wasn't really an accident. W-we really planned to have this baby.."simula nito.


Nagtatakang tiningnan ko ito. Tila naintindihan naman nito ang ibig kong sabihin kaya nagpatuloy ito sa pagsasalita.


"A-ang sabi kasi niya noon, papakasalan niya ako kapag nabigyan ko na siya ng baby. Kahit saglit palang kaming magkakilala, m-minahal ko siya agad. Higit pa sa pagmamahal ko kay Rodney noon.." bahagya itong huminto dahil nagsimula na namang tumulo ang luha nito. Pero agad naman nitong pinunasan ito bago muling nagpatuloy.


"K-kaso, nung nabuo na, bigla niyang sinabi na m-may asawa na pala siya. He just wanted to have a baby because his wife is impotent. Ang sabi pa niya, he's willing to give everything to me basta daw sa kanya mapupunta ang bata pagka panganak ko. Parang may bombang sumabog sa mukha ko dahil sa nalaman ko. Hindi iyon ang unang beses na masaktan ako nang dahil sa pag-ibig pero Igo... pinakamasakit ito.. Right there and then, I wanted to die already after I heard that from him.  Perowala akong magawa.. Pinalipas ko ang ilang linggo, hoping that he would suddenly changed his mind pero nabigo ako.. Hindi daw nito kayang iwan ang asawa nito. Pakiramdam ko nun, ako na ang pinakatangang babae sa mundo dahil laging sa maling lalake ako nagkakagusto. At ang pinaka malala pa nito, may remembrance pa ako sa gagong Mark na yun. Wala na akong mukhang maihaharap sa iba kaya.. kaya doon na ako nagdesisyon.. Sayang nga lang kasi nakita ako ni Mommy bago pa umepekto nang tuluyan yung lason na ininom ko.."sabi nito saka pagak na tumawa.


Lalo itong nagmukhang kaawa-awa sa paningin ko dahil sa ginawa nito. Hindi ko akalain na ganito na pala kabigat ang pinagdadaanan nito.


"Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa akin?"naaawang tanong ko dito.


"Bakit, pag ba sinabi ko sayo yun noon may magbabago ba?"balik tanong nito.


Hindi agad ako nakasagot dito.


"Igo, you will help me naman diba? Just.. Just this once.. Kahit na alam kong masyado nang mabigat yung hinihiling ko.. Though it sounded so selfish, kakapalan ko na yung mukha ko.. P-please.. Marry me.."pagmamakaawa nito.


Tiningnan ko lang ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin dito na hindi ko mamaaring gawin ang gusto nito.


"Sonny, I wanted to help you. I really do.. But... Not the way you want me to." sagot ko.


"Y-You can't because of Lianne?" malungkot na tanong nito.


Tumango naman ako.


Nanlulumong napapikit nalang ito ulit. Tila sumuko narin itong kumbinsihin ako.


Hinawakan ko nalang ang kamay nito upang aluin ito.


Yes.. It was all because of her.


Lianne was everyting to me now. Actually hindi ko rin inaasahan na mararamdaman ko ito sa kanya dahil noong una ay wala naman akong balak na ligawan ito dahil nga taliwas ito sa mga tipo kong babae. Pero sa paglipas ng panahon ay lalo ko itong nakikilala at napapatunayan na karapat-dapat itong mahalin.


Sa totoo lang ay nagseselos ako kay James lalo na't madalas na magkasama ang dalawa pero pilit ko iyong tinatago sa dalaga dahil ayaw kong isipin nito na hinihigpitan ko na ito kahit na wala pa naman kaming relasyon. At alam ko rin na mahalaga ang binata sa dalaga dahil mula't-mula ay magkaibigan na sila kaya pilit ko nalang din iniintindi ang sitwasyon nila ngayon.


Alam ko sa sarili ko na seryoso ako sa dalaga pero hindi ko alam kung paano ang tama at dapat kong gawin upang maipakita iyon sa kanya. I wanted to be bolder and show her how much I like her but I'm afraid that I might lose her if I did something outrageous.Masyado kasi itong inosente sa paningin ko. 


Her innocence made her even lovelier.


Kaya paano kong tutulungan si Sonny kung alam ko naman na baka sa gagawin ko ay mawala naman ang babaeng importante sa buhay ko?


Ilang oras din ang lumipas bago ito lubusang makatulog. Kahit nakapikit ito ay bakas parin sa mukha nito ang bigat ng dinadala nito.


'Sorry Sonny, but I really can't do it..' piping bulong ko habang pinagmamasdan ito.


__________________________________________________________________________________

A.N.:

Guys, sorry for this chapter.. Sinasabaw po ulit ang utak ko ehh kaya maikli lang.. haha..

By the way, pakiusap ko lang po pala.. SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS, WAG PO SANA NINYO AKONG AWAYIN KUNG HINDI MAKIAYON SA GUSTO NINYO ANG MGA SCENES.. Sadyang iyon lang po kasi talaga ang kailangan sa istorya.. hahaha..

Ilang chapters nalang po pala, matatapos na ang IILWMB.. mga 5-10 chapters nalang.. (pero depende sa mood ko kung hahaba pa yan hanggang 15 - 20 chapters.. hihi..) Kaya konting pag-aantay nalang po.. :)

I love you all!! Mwaah! :)


♥ sweety jasmine ♥

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now