God Lory! Kulang pa yata ang yogurt as breakfast. Is this the effect of indulging a dairy product for the first time?

"Punta ako sa DC mamaya. Sabay ka?" tanong ni Lauris.

I checked my phone sabay subo ng yogurt. "Gagabihin ako, defense namin ngayon."

"Okay. I'll tell dad na ipapasundo ka kay Leo."

I overheard a conversation between dad and Antonia sa dining kagabi.

"Dad will be visiting the construction site in Batangas. I guess they can't make it home until nine. Magtataxi nalang ako." sabi ko.

"Or call that friend of yours." pang-aasar ni Lauris.

"Shut up."

Humalakhak siya. Ngayon ako nakahanap ng pagkakataong tanungin siya tungkol sa kausap niyang babae sa Regal Cruise launching. Isa nga siyang ramp and commercial model kaya pamilyar. Our conversation went on hanggang sa nakarating kami sa school.

Hindi ko sinadyang madaanan ang classroom kung saan nagkaklase si Antonia. Ang alam ko maaga rin siya ngayon pero wala akong ideya sa kanyang schedule.

Napabaling siya sa direksyon ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at binilisan ang paglalakad. Apat na classrooms bago ko pinasok ang room na pinagtambayan ni Shane.

Hindi siya nag-angat ng tingin sa pagbukas at sara ng pinto. Kunot-noo siyang nagbabasa habang kinakagat ang kuko sa kamay. Nag-angat lang siya nang umupo ako sa harap niya sabay kuha ng isang draft upang basahin.

Maraming mga nakasulat sa paligid ng draft. Puro tanong na may mga sagot at arrow na nakaturo sa isang pangungusap. Sa pagkakatanda ko wala pa ang mga ito last week.

"Ano 'to, Shane?" hinarap ko sa kanya ang papel.

Binaba niya ang mga paa niyang pinatong sa kanyang inuupuan at nilapit ang mukha sa papel na hindi tinatantanan ang pagkagat sa kanyang kuko.

Lumuwang ang ekspresyon niya. "Ah, mga possible questions at answers. Nagpatulong kasi ako kay kuya kagabi."

Binasa ko ulit ang mga nakasulat. Masyadong maganda ang sulat kamay nito para sa isang lalake. Alam kong hindi si Shane ang nagsulat dahil iba ang sulat kamay niya.

Sa likod ng draft ay ginawang scratch paper. Enumerated ang mga apelido namin sa group. Sa pagbasa ko sa isang apelido doon ay parang may bombilyang umilaw sa utak ko.

Binaba ko ang papel at binalingan si Shane."Anong name ng kuya mo?"

"Zave. Zavid." tugon niya habang nagbabasa.

Tinitigan ko siyang mabuti, nasupresa sa nalaman. Ngayong fourth year ko lang naging kaklase si Shane dahil bagong lipat siya sa section namin. Mahirap mapagtanto na kapatid siya ni Zavid dahil hindi sila magkamukha. May pagkachinita si Shane. Zavid looks Spanish like his father so maybe sa ina nila siya nagmana. I heard Mrs. Arevalo is half-Japanese although hindi ko pa siya nakita.

"Nakita ko kuya mo sa isang grand launch party." pahayag ko.

"Hm!" maigi siyang tumango na hindi tinatanggal ang mga mata sa binabasa. "Pumunta ka pala." ngumiwi siya. "hindi ako mahilig sa parties kaya hindi ako pumunta. Pinilit nga nila ako eh."

Tumango lamang ako at hindi na nagsalita pa. Shane is somewhat studious so sa tingin ko ayaw niyang paistorbo. Nahawa na rin ako kaya tuloy tuloy ang pag-aaral ko sa manuscript namin.

Sabay kaming nag lunch at nagkaroon ng kaunting kwentuhan. Isang oras bago ang defense ay unti unti nang nagsidatingan ang mga kagrupo ko. Hindi na ako mapakali at gusto ko nang magsimula ngayon ang defense para matapos na. but the more I wait and take note of time, the more dragging the time is.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now