Art of Acceptance

Start from the beginning
                                    

"M-may lagnat siya kuya. Ihatid na natin." Yuko kong sagot.

Hindi na ako nakatanggap ng sagot at pinaharurot na kaagad ng kuya ko ang sasakyan. Alam naman niya ang village nila Kiel kaya agad kami nakarating doon.

Ako na ang nag door bell ng ilang beses at lumabas ang mama niya.

"Hello po. S-si Kiel po. M-may lagnat."

Bakas sa mukha niya na nagulat siya kaya nilampasan ako para daluhan si Kiel na inaakay ni Kuya. Dali dali nila itong ipinasok.

"Thanks hija." Ngiti ng mama ni Kiel pero halatang malungkot siya.

Tumango na lang ako at umalis na.

Sa bahay, hindi ko maalis ang mukha ng mama ni Kiel. Kung paano siya mag alala sa anak niya. Only child lang kasi ang kupal.

Naguilty tuloy ako. Basang basa ulo niya kaya nilagnat. Tsk.

Kaya naman bago pumasok kinabukasan sa school, dumaan muna ako sa mall sa hindi kalayuan.

"Hayy. Sana magustuhan mo 'to mokong!" Tingin ko pa sa binili ko.

Pumasok na ako pero laking gulat ko na may isang Kiel na naghihintay sa akin sa gate. Mukhang magaling na siya. Nakangiti na naman kasi siyang nakakaloko.

Umayos siya ng tayo nang makita ako.

"Huy! Nagbreakfast ka na ba? Bakit ang tagal mong pumasok?" Punung puno na pag aalala niyang tanong.

"Tss. Oh." Halos isampal ko na sa mukha niya at natigilan siya ng sobra.

O.A talaga.

"SHET! HAHAHAHAHAHA! WOOOH!" Sigaw niyang parang bata na ngayon lang nakatanggap ng regalo.

Dire diretso na akong naglakad papuntang room namin pero natigilan ako sa pagtawag niya.

"HAHAHAHAHAHA CASSIDY!" Jusko, muntangang humalakhak pa siya. Kaya humarap ako sa kanya.

O______o

Suot na niya agad?

"Salamat! Ito ang pinakamagandang sumbrero sa buong mundo!"

*tsup*

O///////o

"Hehehe sorry. Hahahahahaha tara hatid na kita! Hahahahahahahaha." Nauna siyang naglakad habang ako, nakatulala at nakahawak sa pisngi ko.

Huminto siya at bumaling sa akin na nakangiting hanggang tenga.

"Tara! Hahahahahaha!" Sabay ayos niya ng cap na ibinigay ko.

*dugdugdugdugdugdugdugdugdugdugdug*

"Five minutes left!" Sigaw sa akin ng assistant kong si Claire. Yes, muli kaming pinagtagpo ng tadhana. Pero ngayon, assistant ko na lang siya.

*evil laugh*

"Hoy Lorenzo, labas na diyan!" Sungit niyang utos sa akin. Aba, maka asta 'to akala mo ako ang assistant.

Nilapitan ko siya nang super lapit.

"Uh he-he-hehehe. Miss Lorenzo po pala. Labas na ho kayo hehehehe." Biglang naging maamong kambing ang bruha. Pasalamat nga siya ayoko ng ibang assistant at dahil nakasalubong ko siya last year na pakalat kalat ay inoffer ko ang trabahong 'to sa kanya.

Pagkatapos ganito iaasal nito?

"MISS LORENZO SORRY NA! HUHUHUHU WALANG PANGGATAS ANG MGA ANAK KO! HUHU." Halos napayakap na siya sa mga binti ko. Napangiwi tuloy ako.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now