"Uh-eh okay lang po ba?" Si Kiel baling niya kay papa.

"Hmf. Ok." Haha selos lang si papa. Ankyot kyot niya.

Lumapit si Kiel sa akin at hindi naman ako makatingin sa kanya. Nasisilaw kasi ako sa kapogian niya! Haha.

"Compress naman diyan!" Si mama.

At mas lalong dumikit si Kiel sa akin. Namumula na ata pagmumukha ko. Tsk tsk.

"Yieeeee blush pa baby girl! Kiel, akbay ka!"

*ehem ehem* si papa. Haha.

"Ikaw naman love, akbay lang! Sige na akbay na Kiel."

At nahihiyang umakbay si Kiel sa akin. Nangilabot tuloy ako dahil naramdaman ko ang kamay niya sa mismong balat ko. Tube ball gown kasi ito at nakapony tail ako ng mataas.

"One two three teka ano ba kasunod? Haha....cheese!"

*click*

Natawa ako sa biro ni mama ganun din si Kiel kaya kinalabasan panigurado noon ay candid shot namin. Hala hala! kumusta kaya mukha ko. Tsk tsk.

"Osha, tumuloy na kayo dahil its quarter to seven na." Si mama.

"Sige po tita. Tito, kuya, alis na po kami." Pamamaalam ni Kiel.

"Sige." Si papa.

"Okay ingat kayo. Ingatan mo baby namin!" Si kuya. Haha.

"Opo." At bumaling siya sa akin at nilahad at braso niya. "Let's go?" Sabay ngiti.

At nahiya akong tinanggap iyon.

-------

"Okay guys! Last song na kaya yayain na ang pinakagusto niyong yayain!" Announce ng emcee sa amin.

Wala akong paki sa ganyan. Paano naman kaya, kanina pang wala si Kiel sa tabi ko simula nong inuupo niya ako rito. Mag-si cr lang daw siya. Tss.

Pero hanggang ngayon, wala pa rin. Nakailang litrong ihi na ba ang kumag na iyon? Tsk.

'Bahala ka sa buhay mo! Leche ka!' kain nalang ako ng kain mag isa rito sa table namin. Wala eh, lahat sila nag sasayawan na.

Naiiyak na ako.

Maya maya, huminto ang music doon kaya nagreact ang madla. Tss.

"Hi to everyone specially to my favorite person in the world. Wearing aqua marine tube ball gown....."

Natigil ako. Pamilyar kasi ang boses. Natilian ang crowd. Ang pogi ng boses kasi.

"Her hair tighted up."

Uh.. eh. Si Kiel yata iyon?

"And I think she's already mad at me for leaving her all alone a while back. Haha."

Sht. Napatingin na ako sa stage at ayon siya, hawak hawak ang microphone.

Asdfghjkl!

"Okay just to cut this, I just wanna dedicate this song to my date slash future girl, haha..."

Ewan ko ba, nawala ang kilig ko dahil sa kahanginan nito. Tss.

"....to you, Cassidy Lorenzo."

At ayon, nagtinginan ang mga kakilala ko sa akin saka tumili.

'Sht ka Kiel. Sht sht sht sht.'

Feeling ko kasi pulang pula na pagmumukha ko. Tsk.

At bumuhay ulit ang music at pinatugtog ang "Never seen anything quite like you" ng The Script.

'Shiiiiiiiiiiit.'

"Can I have a dance, miss beautiful?"

Anak ng asfhdhdkcodmalalsodkcjcvif!!!!

"BAT BA NANGGUGULAT KA?!!!!"

"Haha. Tara."

At nanginginig kong tinanggap ang kamay niya.

Syempre pinagtitinginan kami. Tsk I hate this exposure!

"Cassidy? Uhm."

"What?!" Iritado ko sa kanya. Nahihiya kasi ako saka naiinis ng konti dahil sa pang iiwan niya kanina.

"Uh..please take a look at the stage." Saka siya nagbaba ng tingin. Nang bumaling ako sa stage...

"......"

Inalis ang curtain na andoon at isang malaking placard ang bumungad.

CASSIDY LORENZO OF CLASS 4B, WILL YOU BE KIEL VIN GOMEZ'S GIRL?

JUSCOLORED! HIYAWAN ANG CROWD! PATI MGA TEACHERS NAMIN! JUSCOLORED... JUSCOLOOOOOOORED!

"YES NA YAN GIRL!"

"Wag nang choosy!"

"YES NA!!!!!! WOOH."

Sipulan, sigawan at kantyawan sa paligid. >///////<

Nahiya akong tumingin kay Kiel..

O_o

Muka siyang kamatis sa pula! hahaha!

"Kiel?"

"Uh huh? Sorry sa pang iiwan ko sa iyo kanin------"

"YES."

"Ah...sorry talaga---"

"Tayo na."

"Uuwi na tayo?" Jusko, ang turtle naman nito!

"Hindi, BOYFRIEND."

At doon, napatigil siya sa pagsayaw sa akin. Nagets na yata niya.

"....."

"Haha. Hi boyfriend?."

Bumitaw siya sakin at tumalikod at.....

"CASSIDY LORENZO IS MY GIRL! MY GIRL YES! YEEEEEES! HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sigaw niya sa lahat habang tumatalong parang tanga.

Napangiti ako.

Ang saya. Ang saya pala ang mainlove.

*end*

Pero bakit ngayon, ang sakit sakit? Napakasakit. At dahil sa pag aalalang iyon, mas lalo ako naiyak.

Ang sakit talaga, nyemas.

Hanggang sa makatulog ako dahil sa paghagulgol.

Music. Art. LoveWhere stories live. Discover now