Ang sarap mong magmahal

Napakalambing mo

Yan ang hinahanap ko.

Ang sarap mong magmahal

Napapawi ang problema ko ohh...

Napasulyap ako kay Kiel. Ang cool lang niyang magdrums. Parang walang mali na nangyayari.

'Pag nagkatampuhan tayo

Alam mo agad ang gagawin

Alam kong mahina ang loob ko

Pinalalakas ng -----

"Hey stop. Stop." Si Jonas saka tumingin sa akin.

"Sorry. Sorry." Saka ako yumuko. Namali ako ng chord. Tsk tsk lutang kasi.

"You need more time to practice Cass?" Si Rommel na agad lumapit sa akin at inaalo ako sa likod.

"Uh yea----"

"Hey hands off." Si Kiel. Nakatayo na siya at palakad papunta sa akin. Ang seryoso niya. Tsk tsk.

"Woah, okay okay. If you two have a problem------"

"That's none of your damn business." Sabay hila ni Kiel sa akin palabas ng music room.

Nang makalabas kami, agad niya tinanggal ang hawak niya at hinarap niya ako sa kanya.

"Ano nangyayari sa iyo Cass? Tss."

Yumuko na lang ako. Ayoko ng ganitong treatment ni Kiel. Huhuhuhu T_______T

"Wala naman eh."

"Tss. Sabihin mo."

"Kasi....."

"Kasi????"

*huk*

"Hindi ako sanay sa treatment mong ganito sa akin. Miss ko na yung dati. Yung masaya tayo. Yung mga genuine happy momen------"

"Hahaha. Hanggang dito, OA lang ang peg mo? Hahaha" Then he hugged me back. I feel relieved.

"Eh sa hindi nga ako sanay eh. Huhuhuhu baka ayaw mo na sa akin."

"Hahahahahaha. Ikaw pa rin naman. Ikaw lagi at ikaw lang lagi." Humigpit lang ang yakap niya.

Yieeeeeeeeee. Balik ang kilegz mga repa! Wooooooooh!

Kumalas siya sa yakapan namin. At tumitig sa akin.

"Huwag ka mag alala, level 1 lang naman itong selos na ito. Hahahahaha!"

"Talaga?"

"Oo. Tsk tsk. Hindi talaga kita matiis! Hmfffffft!" Pinisil niya ilong ko na feeling ko, lumabas lahat ng white heads ko. Tsk tsk.

"Aray naman! *gulp* alisin mo na please? *gulp*" Eh nakapisil pa rin siya eh! Tsk tsk.

"Sorry sorry. Hahaha tara na beybe."

Maglalakad na sana kami nang magsalita siya...

"Uh.. but one more thing, huwag mo sana hayaan na lumevel up pa itong selos ko. Hirap kasi. Tsk."

Natitig ako sa kanya then I smiled.

"Opo!" At pumasok na ulit kami sa music room.

------

"Sunduin na lang kita ng mga 10:30. Wala eh, tulog mantika ka. Tsk."

Nasa harapan na kami ng apartment ko. Alas sais na namin naperfect ang second song kaya napagpasyahan na namin umuwi.

"Okay sige. Ingat ka diyan. Text ka nalang. Byeeeeeee!"

"Sige. I love you." Sabay ngiti ni Kiel sa akin.

"I love you too." At tumalikod na siya saka tuluyang umalis.

Nang hindi ko na siya matanaw ay doon pa lang ako pumasok ng apartment ko.

Deretso sa kusina saka nagtimpla ng kape. Itutuloy ko kasi iyong isang artwork namin kaya puyatan na naman.

Hayy.

Nang makatimpla ako ng kape saka ako nagtungo sa kwarto at nagvibrate ang phone ko.

From: kIeL_07labs♡

Beybe, dito nako. Kain ka jan. Reply ka.

Ajujuju.

To: kIeL_07labs♡

Ok po. Ikaw rin. Tapucn q lng assign ke Mam Jena. Juju.

Nang masent na iyon ay binaba na iyon at kinuha ang plate ko sa study table. Nang makuha ko ay nahugot at nahulog ang sketch pad ko nang nakabukas.

O_o

At mukha niya ang tumambad.

Music. Art. LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon