20th: Confused 2.0

Start from the beginning
                                    


"Pero tinatamad ako.."nakasimangot na sabi ko saka bumalik sa kama upang matulog ulit.


Agad naman niya akong hinila patayo, "We're not getting any younger Queen. You need to exercise!  Kaya bangon na. Maganda ang panahon ngayon. Masarap magjogging."pangungumbinsi nito.


Nakapikit na umiling-iling ako. "Bukas nalang.. Antok pa ko.."tinatamad na sagot ko.


Natawa naman ito sa itsura ko. "Araw-araw 'to Queen. Hulaan ko, mula nang umalis ako, never ka pang nag-jogging ulit no?"


"What?! Araw-araw na naman?"mulagat na tanong ko. Dati kasi, araw-araw kaming nagja-jogging. Nahinto lang iyon nung nagpagamot ito.


Masipag naman akong mag-jogging sa umaga kaso talagang inaantok pa ako kaya humiga ako ulit at pumikit. Pero hindi paman ako lubusang nakakahiga ay pinigilan na naman niya ako. "King.. Inaantok pa talaga ako.. Please.. Bukas nalang ako magstart.. Promise.."nakalabing sabi ko na lalong ikinatawa nito.


"I know you. Pag pinagbigyan kita ngayon, ganyan lang din ang sasabihin mo bukas. Kaya dalian mo na. Bihis na..."parang nanay na panenermon nito sa akin.


Nagpa-beautiful eyes na tiningnan ko ito, nagbabakasakaling umubra at patulugin nalang ulit ako pero umiling lang ito kaya alam ko na talo na ako.


Kaya kahit tinatamad ay bumangon na ako at pumasok na sa banyo para magbihis. Paglabas ko ay nakita ko itong prenteng nakahiga sa kama ko habang naglalaro sa cellphone ko.


"Hindi parin umaangat yung level ng COC mo. Hindi mo ba ito nilalaro?" tanong nito na hindi manlang ako tinitingnan dahil naka-focus ito sa nilalaro nito.


"Hindi."balewalang sagot ko at lumapit sa drawer upang kunin yung rubber shoes ko.


"Yung sapatos mo nga pala nilabas ko na. Andun sa may ibaba ng dresser mo."anito pero hindi parin ako tinitingnan.


Napangiti naman ako. Talagang memorize na memorize na nito ang laman ng apartment ko. Kaya pati ang mga gamit ko ay alam din nito kung saan ko nilalagay.


Nang matapos na ako ay niyaya ko na itong lumabas.


Pagtingala nito sa akin ay tila saglit itong natulala. "Wow. Akala ko artista ang kaharap ko. Ang ganda mo talaga lalo ngayon Queen." tila wala sa sariling puri nito.


Dati ay balewala lang sa akin kahit na anong papuri ang marinig ko mula dito pero ngayon ay hindi ko mawari dahil bigla akong namula sa sinabi nito. Weird.


"Matagal na akong maganda alam ko. Tara na nga! Bago pa magbago isip ko."nagpatiuna na akong lumabas upang itago dito ang pamumula ng pisngi ko.


"Napansin ko lang, mukhang ang dami mong bagong damit ah? Tapos yung mga luma mong 'costume' ay nakatago na." tanong ni James habang naglalakad na kami pabalik ng apartment. Isang oras mahigit din kaming nagjogging.

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now