20th: Confused 2.0

Start from the beginning
                                    

'Hayyys.. Hindi ko alam..'


Wala sa sariling napapikit ako nang maalala ko yung "show" na naganap kanina sa office..


And hell yeah, ang sexy talaga nito..


Hindi ko tuloy mapigilang mapalunok.


Noon pa nga na hindi ito nanliligaw, matanaw lang ito ay naglalaway na ang 'ano' ko sakanya, ngayon pa kayang panay ang lapit at panunuyo nito sa akin? Baka naman 'labasan' na ako ng tuluyan sa kilig! Haha!


Gosh.. Why am I being like this? Its a fact that I am still a VIRGIN pero daig ko pa ang maniac pagdating sa kanya.. Sa totoo lang ay nasasagwaan ako sa sarili ko dahil kung ano-anong kalokohan ang naiisip ko pag nakikita ko siya pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Kusa ko itong nararamdaman at naiisip.


Ano bang dapat kong gawin?


Am I sick?


Should I visit a psychiatrist or take some medications?


'Waaahh!! No,no,no way!! Nakakahiya!!' sigaw ng isip ko.


Bigla tuloy akong napabuga ng hangin. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin at hanggang makatulog ako ay wala parin akong maisip na sagot.


*******************

5am palang ay binulabog na ako ng katok ni James. Wala sana akong balak pansinin ito dahil antok na antok pa ako pero mukhang wala rin yata itong balak na tumigil kaya kahit pupungas-pungas pa ay pinagbuksan ko na ito ng pinto.


"Bakit? Anong problema mo?" nakasimangot na bungad ko dito.


Tila balewala naman dito ang pagsusungit ko. Nginitian lang niya ako.


"Magandang umaga sa pinaka magandang bagong gising na reyna kahit na puro laway at muta ang mukha."nakangising sagot nito.


Tila doon naman nagising ang diwa ko kaya agad kong pinunasan ang mukha ko. "Wala naman ah!"


"I'm just kidding. Pero seryoso, ang ganda mo talaga pag bagong gising ka Queen." nakangiti paring sagot nito.


"Whatever. Oh anong problema mo at ang aga-aga nambubulabog ka?"nakapameywang na tanong ko dito. Hindi ako nahihiya dito kahit na humarap akong hindi pa nagtu-tooth brush o naghihilamos at nakapantulog pa. Sanay narin kasi ito sa akin.


Hindi ako sinagot ng binata. Sa halip ay dirediretso itong pumasok sa loob at lumapit sa may drawer ko at kumuha ng damit saka inabot sa akin ang pares ng short at sando na ginagamit ko pag nagja-jogging ako.


"Magja-jogging tayo?"takang tanong ko dito saka pinasadahan ng tingin ang itsura nito. At mukhang hindi na nito kailangang sumagot pa dahil base narin sa suot nito, mukhang magjajogging nga kami.

I'm inLUST with my BOSSWhere stories live. Discover now