If it's for the customers's benefit to have a more comfortable cruising, magiging komportable din naman ang mga pasahero sa simpleng cruise lang, no need to jump for the gold. I even prefer simple living than engorge myself in luxury.

Kung ako lang ang sasakay sa ganitong barko, mai-intimidate ako. Pero hindi ko itatanggi na namangha ako sa ganda. Hindi 'yon maiiwasan.

"May kaibahan ang pagyayabang sa kung ano ang gusto mong gawin. And this is how I like to spend my wherewithal. I don't brag. I do what I do and what I want to do." pahayag ni Rouge.

"Why didn't you invite street children?" tanong ko.

If he's concern with the customers, na siyang nakapaloob sa talumpati niya kanina, then I think hindi lang ang mga maperang tao ang dapat naging concern niya. He should worry about the less-fortunate, too. I mean, it could be a unique advocacy to not just entertain wealthy people to get to enjoy the ship.

Muli siyang humalakhak.

"And those expensive food!" napailing ako. "Maraming nagugutom ngayon Rouge."

Di siya tumila sa pagtawa. What's funny with my statement?

Sa muli niyang pagdungaw sa'kin ay maluha luha na kanyang mga mata galing sa kakatawa animo'y isang biro sa kanya ang pinoproblema ko.

Matagal bago siya huminahon.

"Is this really how you prefer to spend your night, Lorelei? To bitch about my negligence towards the oppressed society? Is this how you like to enjoy being with me? Is this how you congratulate me?"

Nandoon pa rin ang aliw sa kanyang mga mata. Mas nahalata sa istilo ng kanyang buhok ang balangkas ng kanyang mukha. Pompadour suits him very well.

Hinawi niya ang takas na hibla sa mukha ko't nilagay sa likod ng aking tenga. His fingers made a whisper trace from the outline of my ears to my jaw. Nanginig ako sa ginawa niya.

Inayos niya ang pagkakakumpol ng buhok ko sa kaliwang balikat. Jezreel styled my hair in vintage waves at sinadyang sa isang balikat ilagay ang lahat ng hibla.

"It'll just stress you out. How about we talk about...us?" his thick brows rose as he said the last word like it was a suggestion.

"Our friendship you mean?" I clarified.

Nanunuya siyang nagtaas ng isang kilay. "So disappointed ka nga?"

"No. Why should I? Ano naman ang tungkol sa friendship natin?"

Nag angat siya ng tingin dahilan upang malapat ang ilong ko sa kanyang leeg. Nakapatong ang baba niya sa'king ulo habang mabagal kaming sumasayaw. Natapos ang kanta na agad namang sinimulan ng panibagong tugtugin.

"Friends hang out. Why don't we do that?" suhestiyon niya.

"Hang outs are for youngsters. Sa edad natin ngayon, we term that as night out." sabi ko.

I don't really see the difference. Ayaw ko lang sagutin ang tanong niya. I'm attracted to him, yes. But we can't fully trust something or someone who we are attracted to, right?

And another thing, I don't just wanna be friends with him. Alam ng sarili ko 'yan. If papayag akong maging kaibigan ang taong gusto ko, lalalim pa ang pakiramdam na 'yon hanggang sa malunod na ako sa kanya.

I don't want to drown just yet. Mahirap ang malunod sa pagkakagusto sa isang taong walang balak magustuhan ka.

"So you and the Arevalo guy...you like him?" pag-iiba ni Rouge sa usapan.

See? He's not even interested in hanging out, much less spend time with me. I think he only asked for the sake of our so-called friendship.

"Yeah." sagot ko. I like Zavid. As a friend. He's a barkada material.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon