"May tumawag sa'kin kagabi. He said you stayed at his condo. Who is he Lory?" halos pagalit niyang anas.

"I thought tinawagan ka niya? Why didn't you ask him?" I quipped.

Pinaningkitan niya ako ng mata. "He said he's your friend. Is he really your friend?"

"Yeah."

Nanatili ang pinta ng kanyang mukha, sinusukat ang katotohanan sa sinabi ko.

Mas lumapit siya at nilapat ang likod ng kanyang kamay sa'king leeg. "Are you okay? Nilagnat ka raw."

"Sabi niya?" tanong ko.

"Yeah."

Kumunot ang noo ko. "Wala na siyang ibang sinabi?"

Napaisip siya sandali saka umiling. "Wala naman. Bakit? May iba pa ba siyang kailangan sabihin sa'kin?"

He didn't tell my brother that I was mugged. Why did he skip that part?

"Wala naman." sabi ko nalang.

Paninindigan ko nalang ang sinabi niya kay Lauris. Maybe he doesn't want my family to worry. Nilagnat na nga ako, malalaman pa niyang nanakawan ako at muntik nang makawala ng tseke.

Or maybe hindi na sinabi ni Rouge dahil nakuha na rin naman ang aking bag.

Taas kilay akong pinasidahan ni Lauris. Mas umakyat pa ang kilay niya pagkabalik ng kanyang tingin sa'kin.

"You brought clothes with you? Iba kasi ang suot mo kahapon." puna niya.

Hindi muna ako nagsalita sa pagdaan ng maingay na grupo ng mga kalalakihan. Umirap ako sa kanilang direksyon bago sinagot ang tanong ng kapatid ko.

"He bought clothes for me."

Nanunudyo ang kanyang ngiti. "Or...you have already stuffed your clothes at his condo. You're shacking up with him?"

"Give it a damn rest Lauris! We're friends!"

He looked at me incredulously. "What? I was worried! Hindi ka umuwi kagabi."

"Nilagnat nga ako di ba? At malakas ang ulan. Baha pa. Kung gusto mo pala akong umuwi kagabi then you could've sent your chopper or your flying Impala to pick me up."

Humalakhak siya. Mas lalo ko siyang kinunutan ng noo. Hindi siya tumigil hanggang sa nahawa ako't napangiti at napailing. My brother doesn't know how to get angry. Hanggang inis lang siya na mabilis din namang nawawala.

"My sister's back!"

Dumukot siya sa bulsa ng kanyang jeans. Kumalansing ang susi niya na kanyang pinaglalaruan. Tinapik niya ako sa balikat.

"Uwi ka na?" tanong ko.

"Punta akong DC. Sisimulan ko na training ko doon. We're a few months away before graduation."

Nilahad ko sa kanya ang paperbag laman ng basa kong damit. Sinilip niya ang loob saka nagkibit balikat. Tinanaw ko siyang pumunta sa parking lot bago ko tinahak ang direksyon pa-library.

Pagkarating ko ay tapos na nila itong iprint. Maaga sila kaninang umaga kaya natapos kaagad. Tatlo nalang silang naiwan isa na ang leader naming si Shane.

"Ako nalang ang magpapasa ng manuscript kay Mrs. Fuente. Kung aaprubahan, ako nalang din ang magpapa-hardbound." prisinta ko.

"Ok sige. May palagi tayong absent na member so siya ang pagre-reportin natin." sinilid na ni Shane ang manuscript sa plastic folder saka nilagyan ng slider.

"Mahiyain 'yon, mahina pa boses." ani ng isa naming kagrupo.

"Siya nalang ang bibili ng tokens para sa mga juries." singit ng isa na pinagmamasdan ang pag-ayos ni Shane sa manuscript.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)Where stories live. Discover now