"Alamin mo. Ikaw in-charge di ba?"

I have met him before pero wala akong ideya na ganito pala niya pagalitan ang anak niya. Nag-iisang anak niya.

"Is it mine? Ipapamana mo sa'kin 'yon?" Rouge's tone is perfunctory.

"If it'd turn out to be a success, then yes. But you'd be the one who has to work for that. So for all intents and purposes, son, the success of the launching all hinges on you."

Launching of another business? Ilang negosyo ba meron sila? Shame on me, hindi ko ni-research. I'm liking a guy that I know less about.

"You're not getting any younger. Be serious this time. You're done being a teenager. Be a man now." may bahid ng utos na wika ni Sir Herman.

Malalim ang paghugot ng hininga ni Rouge. "Yes dad."

Metikuloso ang hakbang ni Sir Herman paalis. Sinilip ko ang kanyang pagtungo sa isang maitim at makintab na Tesla. Pinagbuksan siya ng unipormadong driver. Bumalik ako sa pagsandal sa haligi nang papalabas na sila ng basement parking.

Nagbukas at sara ang pinto ng kotse. Sinilip ko si Rouge at nakitang wala na siya sa labas. He went in? Hihintayin pa ba niya ako?

Pinaandar niya ang Maybach. Ilang sandali ang nagdaan bago niya 'yon pinasibad. So he's not going to wait for me? Mabuti nalang hindi ako nag-expect. Slight lang.

Tumunog ang cellphone ko at rumehistro sa screen ang isang unknown number.

Sorry. Sudden meeting. See you tomorrow.—Rouge

Tomorrow? At bakit kami magkikita bukas? Hindi pwedeng araw araw nalang kaming nagkikita. I wanted to confront him at itanong sa kanya kung anong kailangan niya. Kung bakit niya ginagawa ang mga ginagawa niya. I have theories but then again, I don't want to assume.

Me:

How did you have my number?

Isa pa'to. As far as I could remember, hindi ko binigay ang number ko sa kanya.

:)

Napairap ako sa kanyang reply. I have to understand. He's driving.

Sinave ko nalang ang kanyang number saka ako umakyat ulit sa office kung saan naghihintay na sa'kin si Lila.

Ang tomorrow na sinabi ni Rouge sa kanyang text ay hindi nangyari. Tumagal pa 'yon ng dalawang linggo at hindi na ako umasa na magpakita siya ulit.

Wala na rin namang rason na magpupunta siya rito sa Vedra Corp, ang huli ay 'yong meeting presentation ni Lila.

I get it that he's busy. Base na rin sa sinabi ng kanyang ama na siya ang in-charge sa launching ng panibago nilang business. 'Yon marahil ang pinagkakaabalahan niya. So I've been drowning my hopeless expectations with school and work.

Naintindihan ko pa noong una ang kabusy-han niya. In fact, I shouldn't really have to mind everything about him. Taga hatid ko lang naman siya pauwi, so there shouldn't have been an attachment of any kinds of emotion at all! Sino ba naman ako upang magdemand ng oras galing sa kanya?

We don't even date. We just meet and he drives me home.

It's not wrong to assume. What's inappropriate is to claim a right to assume something when you don't even have the right to. Ito ang mahirap kapag masyado mong nilulunod ang sarili mo sa isang sitwasyon na wala namang kasiguraduhan.

We take the risk for all we thought it's fun. Nakakalimutan natin minsan na sa gitna ng 'fun' na 'yan, a certain thing would come in between. Unexpectedly. Then it ruins all the fun that you were being guaranteed to.

RGS#1: TO BREAK AN AFFAIR (PUBLISHED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें