2nd

82.6K 1K 12
                                    

#2
The Deal

Mr. De Guzman's POV

Naranasan nyo na bang matalo sa isang sugal? Sa sugal ng buhay? Sa sugal ng pag-ibig? Ako kasi, oo, pero hindi sa mga nabanggit ko. Natalo ako sa larong sugal. Halos lahat ng kayamanan ko naitaya ko na, including my only daughter.

"Dad, are out of your mind?! Bakit ako?! Ganon lang ba ang halaga ko sa inyo? I'm your daughter! Your only daughter! For Pete's sake!!"

Gusto ko syang yakapin para iparamdam sa kanya na mahal ko sya at para na din sa kanya ang ginawa ko pero lumalayo sya tuwing lalapit ako. I wanted to tell her how much I love her and how sorry I am for doing this.

Itinaya ko sa sugal ang anak ko na si Nyxaviera. Hindi ko din akalain na aabot ako sa ganito hanggang sa matauhan ako na may pinipirmahan na akong dokumento. Kasunduan namin ng napagbentahan ko kay Nyxi.

"Anak, patawarin mo ako. Hindi ko alam ang ginagawa ko nong mga panahon na yun. Huli na para umatras ako."

Puno ng galit at poot nya akong tiningnan.

"At huli na din para sa kapatawaran ko, Dad." Aniya saka ako tinalikuran at umalis.

Nanghihina akong napaupo sa sofa pagkaalis ng kotse ni Nyxi.

"What have I done to our daughter, Nina? I ruined her life!" Umiiyak kong kinuha ang larawan ng pumanaw kong asawa. "Patawarin mo sana ako sa nagawa ko sa anak natin. Habang buhay kong pagsisisihan ang ginawa kong ito. Pero pinapangako ko na magiging mabuti ang buhay ng anak natin. She'll live the life that she deserves."

Napahinto ako sa pag-aalala sa asawa ko nang tumunog ang telepono malapit sa kinauupuan ko.

"Hello.." Namamaos kong bungad.

"May I speak with Xavier De Guzman?" Tanong ng babae sa kabilang linya.

"Speaking. Who is this?"

"This is Thea from Valdez Group of Companies. I called to inform you about the contract you've signed yesterday. The President wants to talk to you about that." Napatayo ako sa sinabi nong babae. Bigla akong kinabahan hindi para sa akin kundi para sa anak ko.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa anak ko. All I know is pag-aari na sya ng mga Valdez. I need to talk to Alfred Valdez. I need to make sure na magiging maayos ang anak ko.

"Mr. De Guzman are you still there?" Natauhan ako sa tanong ng nasa kabilang linya.

"Yeah. I'll meet the President. Please tell him I'll be in his office in an hour." Sabi ko sabay sulyap sa suot kong relo.

"Okay, sir." She ended the call.

Napatingin ako sa larawan ng asawa ko saka humugot ng isang malalim na buntong hininga. I called Nyxi pero nakapatay ang phone nito. Nasa mga kaibigan nya siguro ito.

Kumuha ang ng malinis na papel at nagsulat.

Hindi ko alam kung mapapatawad nya pa ako sa gagawin ko pero alam ng Diyos na kabutihan nya lang ang gusto ko. Alam kong hindi nya kaya na mabuhay katulad ng mga karaniwang kabataan kaya gagawin ko ang lahat para hindi nya maranasan ang hirap ng buhay.

Iniwan ko ang sulat sa isa sa mga paboritong libro ni Nyxi.

"I'm sorry, baby." Tanging nasabi ko saka tiningnan ang kabuuan ng buhay.

Kahit ang bahay na naipundar namin ng asawa ko ay naisugal ko. Ang tanga ko!

Napakuyom na lang ako ng kamao sa sobrang inis sa sarili ko.

Nagmadali akong lumabas ng bahay at dumiretso sa kotse saka ito pinasibad papunta sa kompanya ng mga Valdez.

Ilang sandali lang ay nasa harap na ako ng kompanya. Sumalubong sa akin ang dalawang lalaki na naka-three piece suit na itim.

"Good afternoon, sir. We'll guide you to the President." Sabi nong isang lalaki pagkalabas ko ng sasakyan.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanila. Pumasok kami sa loob ng building at sumakay sa isang elevator. Private elevator yata ito.

Huminto ang elevator sa 37th floor. Pagbukas ng elevator door ay sumalubong sa amin ang apat na lalaki. Bodyguard din siguro sila. Ang dami namang bodyguard ng president na yun.

Narating namin ang isang kwartp na may double door. Kumatok doon ang isang bodyguard.

"Sir, nandito na po si Mr. De Guzman."

May beep sound lang akong narinig at bumukas na ang double door. Pinapasok ako ng bodyguard at sumalubong sa akin ang malawak na opisina. Nilibot ko ang buong silid. Nahagip naman ng mata ko ang lalaking nakatayo at nakaharap sa floor to ceiling na glass window. May hawak itong baso ng alak.

Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang mukha nya. Ang totoo nyan hindi ko pa namemeet ang President ng Valdez Group of Companies. Personal secretary nya yung nakalaban ko sa casino na tumalo sa akin kaya pati di Nyxi naitaya ko.

Ngayon ko pa lang makakaharap ang president.

"Have a seat, Mr. De Guzman." Sabi nito.

Naupo naman ako sa couch na naroon.

"I believe you came here about your daughter." Kahit nakatalikod sya ay ramdam ko authoritative aura sa tinig nya.

"I came here to talk about my daughter. Anong plano nyo sa anak ko?" Kinakabahan ako sa magiging sagot nya pero para sa anak ko gaawin ko lahat.

Pumihit paharap sa akin ang president. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko ng masilayan ang kanyang mukha. Parang nanikip ang dibdib ko nang makita sya. It's been 18 years since I last saw him. Paanong nangyari na buhay sya?

"Zander.." Bulaslas ko sabay tayo.

Lumapit ito sa akin kaya mas nakita ko ang mukha nya.

"Mabuti naman kilala mo pa ako, Xavier."

Ngumisi ito at ngayon pa lang alam ko nang hindi maganda ang lagay ng anak ko.

I'm sorry, Nyxi.

"So what about your daughter, Xavier? Natatakot ka ba na sa kanya ko gawin ang hindi ko nagawa sa inyo ni Nina? Naisip ko na din yun but on a second thought hindi ako ganong klaseng tao. So, I have this deal for you."

Inabot nya sa akin ang isang folder. Nanginginig ang kamay ko na kinuha yun at binuksan. Nanlaki ang mata ko sa nilalaman ng folder.

"No! Hindi ito pwede. She's my daughter!" Naluluha kong saad.

"Noon yun, Xavier. Ngayon isa na syang Valdez. She's now my daughter.." Pinutol nya ang sasabihin nya saka umupo sa couch na katapat ko. "Daughter -in-law." Aniya na may lungkot sa mga mata.

Napaluhod ako sa sahig at hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Ang nilalaman ng folder ay ang parent consent at kontrata na pinirmahan ko sa casino. Hindi ko na ito matandaan dahil na din siguro sa alak na nainom ko ng gabing yun.

"I have something to tell you, Xavier and I know you already knew this." Napatingin ako kay Zander na si Alfred na ngayon.

By any chance, alam na kaya nya?

* * * * * * * * * * * * * * *

Perks Of Being Mrs. ValdezWhere stories live. Discover now