Chapter 40 (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Nilapitan niya si Caius at agad na pinulsuhan. "He's still breathing. Pero ang bagal ng tibok ng puso niya." He looked at me. "My first aid sa yate. I'll bring him there." 

Tumango ako at mabilis niyang binuhat si Caius. Lumabas kami ng kubo at halos patakbo naming tinungo ang yate. Mabuti na lang at mabilis kumilos ang mga tao sa yate at agad na dinaluhan si Caius. Walang malapit na ospital dito at parang siya lang ang nandito.

Huminga ako ng malalim at hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang abala ang mga tao sa kanya. One of them putted an oxygen mask to him who I think is a nurse. I was pleading at them to take good care of him. Hindi ako mapakali at halos mawalan ako ng hininga. 

Naramdaman ko na lang na pinaandar nila muli ang yate. 

"W-Where are we going?" I asked Zios. 

"They decided to take him to hospital. Malala ang kundisyon niya, they also found out that there were still two bullets—"

Umiling ako at nangungusap na 'wag na ipagpatuloy ang sasabihin. Baka hindi ko kayanin. I shouldn't be stressing myself too much. Dalawa na kami ngayon at gusto kong maging malakas ang panganay namin ni Caius. 

But this? 

How can I handle this? 

You are witnessing the love of your life being close to death at this very moment! How will my heart and mind accept these all?! 

We rushed him to the nearest hospital. Kinakabahan ako. Ang sabi ng mga doktor ay kailangan na daw siyang operahan kaagad dahil patuloy siyang nawawalan ng dugo. He was also infected, dahil matagal na nasa katawan ang mga bala sa kanya. 

Mawawalan ako ng lakas ng loob. I called Arthur's number and I thank God for answering it. 

"Arthur..." I sobbed. 

"What happened, Lau?" Nag-aalala niyang tanong. "Did you got hurt?" 

Umiling ako. "No... Caius is rushed to hospital, Arthur. May d-dalawa pang bala na hindi pa natatanggal. Arthur, I found him lying on the bed—lifeless... ang daming dugo sa paligid... Arthur, it's a nightmare for me!" 

"Hey, calm down, okay? Buntis ka, Lau. Don't stress yourself too much. Pupunta ako diyan, hintayin mo ako." 

I nodded like he is seeing me. I kindly ended the call. All I could do was pray and hope that Caius' operation will go well. 

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako sa kakahintay. Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. I was leaning on somebody's shoulders. I got alerted... 

"Lauren, it's just me..." 

I leaned on him. "Arthur..." Tinignan ko ang paligid. "Where's Zios? Ilang oras akong nakatulog?" 

"Sinabi ko sa kanya na ako na lang ang magbabantay sa 'yo. He has some errands to do back in Manila." Hinaplos niya ang buhok ko. "The doctors confirmed it to me that Caius is going to be okay. Nasa private room na siya." 

Napatayo ako. "I wanna see him." 

Tumayo din siya at mapait na ngumiti. "Okay. Let's go." 

Naglakad na kami ni Arthur papunta sa silid ni Caius. Kailangan kong patatagin ang sarili ko sa pwedeng makita sa estado ni Caius. I breathed hard when Arthur held the doorknob and opened the door. 

Unti-unti akong lumapit sa kanya. Mas malinis na ang hitsura niya ngayon pero sobrang hina naman ng buong pangangatawan niya. Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang mukha niya. His lips were dry and his face is pale... 

"Caius..." I whispered his name and kissed his dried lips. Tears started flowing in my eyes again as I touched every part of his face. I can't stand the sight of him being in a state like this! He's too weak... not a mighty king at this very moment... 

"Caius, wake up... I need you to wake up..." 

Suminghot-singhot pa ako habang si Arthur naman ay patuloy lang sa paghaplos ng likod ko. Kinuha ko ang kamay ni Caius at itinapat sa tiyan ko. 

"You feel that, my king, hmm?" I tried to smile. "It might be a prince or princess, my king. Hindi ko ito ilalabas kapag tulog ka pa rin! Please wake up immediately, my king... I love you..." 

I felt his fingers moved and I gasped.

Nilingon ko si Arthur. "He... he moved his fingers, Arthur! Oh god, he can hear me!" 

Dinala ko naman ang kamay niya sa pisngi ko. I kissed his fingertips and brought down his hand to my heart. 

"I'll be patient enough to wait for you to wake up, Caius. Pero, 'wag masyadong matagal, ha? Dalawa na kaming kailangan ka." 

I gave him a sweet kiss on his forehead. Inayos ko ang pinaghigaan niya at kumuha ng isang upuan para itabi sa hospital bed niya. Arthur went out for a while to buy some foods for me. 

Nakangiti ako habang hinahaplos ang braso niya. 

"Caius," I started. "I missed you. Sinasabi ko na sa 'yo ngayon na hindi ko kayang mag-buntis ng mag-isa. Kailangan kita, kahit sana hindi pa masyadong malaki ang tiyan ko ay gising ka na para hindi masyadong mahirap para sa akin ang pagbubuntis." I pouted. "Caius... we will return to the kingdom you built for us and we will be having our happy ending. We will have our princes or princesses be with us, Caius. Magiging masaya tayong dalawa... kasama ang mga anak natin..." 

Nakita kong ginalaw niya muli ang mga daliri niya. Napangiti ako doon, he's very responsive. Alam kong naririnig niya ako, kahit ang paggalaw lang ng mga daliri niya ay sapat na sa akin para sabihin niya na naririnig niya ako. 

"Caius... I can't wait to be with you fully again. Your queen loves you." 

●♥●

●♥●

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now