XAVIERHELD MILITARY BASE APLHA 06, CITY OF LAURENE, XAVIERHELD COLONY
19:49H (07:49 pm )
Hagalaz' Point Of View
Isang matalim at mabangis na tingin ng isang lalakeng may ginintuang buhok ang sumalubong saamin ni Stella nang tuluyan kaming makarating sa investigation room ng isa sa mga pinakamalapit na military base ng Xavierheld.
Mula sa isang maliit at dim na silid ay naroon siya, nakaupo sa isang malamig na steel chair at mariing nakagapos. Mula sa kanyang braso ay nakapalibot ang isang mahabang laser string sensor na nagpapanatili sakanyang pagkakagapos.
"Mukhang hindi maganda ang mood mo ngayon, eh, Vaughn?" sarkastikong sambit sakanya as we walked inside the room. Nasinagan ng kakarampot na liwanag ang kanyang matalim na mga asul na mga mata.
Dahan dahan siyang ngumiti ng sarkastiko.
"Naku, hindi ko akalain na ang sikat ko na pala para malaman mo na ang aking pangalan." Sarkastiko niyang sambit na nagpakunot ng noo ko.
Kung ganoon tama ang mga sinasabi ni Stella. He basically knew his name, but doesn't even remember us nor a single thing about his identity.
Maingat kong hinawakan ang isang steel chair at iniurong ito, offering a seat to the depressed lady beside me.
"Hindi ko akalaing ang isang mukhang tusong tulad mo ay isa palang maginoo." Sarkastikong dagdag ni Vaughn habang mariing umupo si Stella.
"Don't judge a book by its cover. Diba yun ang itinuro saatin ni Vaugh, right, Stella?" I said at hinarap ang dalagang hindi makatingin kay Vaughn.
Umugong ang kakaibang katahimikan sa loob ng malamig na silid. Nang biglang..
"Man, I'm bored. Hoy, patpating babae, pwede mo ba ako abutan ng kape?" Mala senyorito niyang utos kay Stella na biglang napakunot noo at napa cross hands.
"Manigas ka diyan." inis niyang sagot.
Lumapad ang isang kakaibang mapanglarong ngiti sa labi ng lalake habang pinagmamasdan ang nayayamot na dalaga.
"Ohh.. anong maninigas, miss?" mapanglarong biro niya na nagpa kamatis ng mga pisngi ni Stella. Napataas ako ng kilay wala sa oras at hindi naiwasang matawa.
"Damn it Vaughn!! hindi ka parin nagbabago!" yamot na sigaw ni Stella.
"What the hell.. I still cant figure out why on earth na alam nyo ang pangalan ko! ni hindi ko kayo kilala!!" Vaughn with his confused tone.
Nang biglang..
"At sinong hinding hindi makakakilala sa isa sa mga miyembro ng tanyag na 3 man coterie na Expiatio."
Agad kaming napalingon nang marinig namin ang pagyapak ng kanyang itim na high heels habang papasok sa kinalalagyan naming silid.
Natanaw ang kanyang mahabang buhok na mapahanggang ngayon ay hindi parin niya magawang paikliin sa hindi malamang rason.
Sininagan ng kakarampot na liwanag ang mga nagsisikintabang mga badges sa kaliwang bahagi ng kanyang asul at puting uniporme.
"Tama ba ako, Mr. Von Devi?" Maris with her firm yet serious voice as she activated a glass hologram mula tabi ng kanyang kinatatayuan.
The hologram lights then illuminated the whole room as vital information regarding the identity of the said man in front of us were then displayed.
Nagsalubong ang mga nalilito naming tinigin ni Stella sa isat isa. At this point, wala kaming ka ide-ideya kung ano ba talaga ang nangyayari.
"Devi, Von. 32 years of age, one of the 3 legitimate member of the infamous group Expiatio." the Admiral added.
YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...
Datum 2 : Von Devi
Start from the beginning
