With one swift move ay agad akong umupo sakanyang dibdib at maiging itinutok ang baril saakanyang noo na halos ikagulat niya.
Hindi namin alintana ang malakas na pagpagaspas ng alon saaming mga katawan.
Kunot noo ko siyang pinagmasdan as he laid his furious blue eyes on me. Nanginginig kong itinutok ang baril sakanya habang pilit siyang pumipiglas.
"Dont you dare take your move!" nalilito kong sigaw sakanya habang patuloy niya akong seryosong tinititigan.
"Then you dare shoot my head right?" sarkastiko niyang banat na sinabayan ng kanyang sarkastikong ngiti.
"Ano bang nangyayari sayo Vaughn?! Hindi mo ba ako nakikilala?!" nanginginig kong sigaw sakanya.
He just stared at me seriously as Xavierheld Reinforcements came along the island.
End of Stella's Flashback
Maigi kong iniyugyog ang aking ulo nang muling mag balik ang aking diwa sa katotohanan. Maybe may effect lang ang kanyang pagkakahulog sa unit. Tama. Baka yun ang dahilan.
Basag akong ngumiti at pilit na itinago ang takot saaking mukha habang hinawakan ko ng maigi ang pass code card saaking nanginginig na braso.
Sa pagtapat ko ng aking hawak na pass code card sa laser sensor ay isang malakas na beep ang umugong. Nairnig ang automatic na pag unlock ng nasabing pintuan.
Agad kong inabot ang aking kamay sa door knob, ngunit may kung anong pakiramdam ang pumigil saakin.
Tinitigan ko lamang ito. Dapat ko ba itong buksan? Handa naba akong muling harapin ang aking nakaraan?
Handa ko na bang tanggapin ang magiging sagot saaking mga katanungan?
Napapikit ako at sa isang malalim na paghinga ay agad kong binuksan ang nasabing pinto..
Sumalubong saakin ang maaliwalas na hospital room.
Dahan dahan at maingat kong ihinakbang ang aking mabuhanging paa as I saw someone na nakahiga at nakatalukbong sa kumot ng hospital bed. Mukhang nilalamig at balot na balot ng kumot.
Matapos na nagsara ang pinto ay napatayo ako mula sakanyang likuran. Napalingon ako at napansin ang iilang mga kadena ng posas na nakatali sa may head board. Mahigpit ang pagbabantay sakanya.
"H..Hey.. gising kaba, Vaughn?" Taimtim kong tanong habang pinagmamasdan siyang nakatalukbong sa puting kumot. Walang kahit anong sagot na nagmula sakanya.
"Vaughn. Naririnig mo ba ako? Its me.." Muling pagtawag ko sakanya as I reach my hand towards his back. Laking gulat ko nang mapansin kong malamig ang aking nahawakan.
Tumakbo ang pagtataka saaking isipan at muling hinaplos ang nasabing likuran. Kinutuban ako ng masama nang tila bay naging masyadong malambot ang aking ikinakapa.
Hindi ako nagsayang pa ng oras at agad na hinila ang kumot. Tumambad saakin ang isang pile ng pillows. Nanlaki ang aking mga mata nang tumama ang aking hinala.
"Sh*t! Isang trap!" Malakas kong bulalas at laking gulat nang maramdaman ko ang biglang pagtulak saakin mula sa likuran.
Agad akong napahandusay sa hospital bed at mabilis na napalingon, but it was too late. Buong lakas na hinawakan ni Vaughn ang magkabila kong kamay as he pushed me againts the bed.
His stunning and furious blue eyes stared at me na nagpangilabot saaking buong katawan. Nalilito ako! ano bang nangyayari sakanya!!?
"At hindi kapa nakukuntento? masyado naba akong gwapo para habol habulin mo ha?" He sarcastically said as he forcefully grabbed my hands and tied them snugly on a blanket.
YOU ARE READING
Code 365 Project Memory
Science Fiction2 years had passed since the infamous Battle Of Valfreya had came to an end, isang Peace Treaty between the Earth Alliance Forces and Xavierheld Government ang matagumpay na nagpalaganap muli ng kapayapaan at katahimikan sa bawat sulok ng Planet Ear...
Datum 1 : Confusion
Start from the beginning
