Datum 1 : Confusion

Start from the beginning
                                        

The hard impact had greatly damaged his mechanical Knight unit causing the communication lines to go offline. I have no other choice but to get him out of here.

But the question is.. How?

Napakamot ulo ako nang matanto ko ang aking pagkalaking laking problema. Agad kong pinilit siyang patayuin at buhatin nang biglang ...

"Crack!"

Dinig na dinig ko ang malutong na pagtunog ng aking likuran. Sh*t. mukhang hindi ko kakayanin ang bigat ng lalakeng to.

"Ano ba kasing kinakain mo at bumigat ka ng ganyan!?" Natatawa kong sambit sa walang malay na lalakeng akay akay ko saaking balikat.

Hindi ko maintindihan, ngunit kakaibang saya ang aking nararamdaman  ngayon sa kabila ng pag aalala at pagkalito.

Ang mahalaga, bumalik siya.. bumalik siya saakin!! Gumuhit ang ngiti ng pananabik saaking mga labi habang dahan dahan kong inalalayan paibaba ng cockpit ang kanyang walang malay na katawan.

Obviously, hindi makaklakad ang isang to. Napabuntong hininga nalang ako sakanyang harapan at mahigpit na hinawakan ang likurang bahagi ng kanyang suot na grey jacket.

"I'm sorry, Vaughn.."  sabay kaladkad ng kanyang mabigat at walang malay na katawan sa mainit na buhangin patungo sa hatch ng aking unit.

I was meters away from my unit nang bigla kong maramdaman ang isang mahigpit at  mabilis na pag gapos saaking paa.

"What the actual-!!" sigaw ko at tila bay bumagal ang oras at agad na tumagilid ang aking paningin, and just to realize that nakasalampak na ako may dalamapasigan.

Agad na binasa ng tubig dagat ang aking mukha at buong katawan habang parang palaka akong nakasalampak sa basang buhangin.

"Nice try lady.." isang makapal na boses ng lalake ang narinig mula saaking likuran.

Agad akong napalingon at halos hindi makapaniwala nang makita kong nakatayo saaking likuran ang lalakeng kani kanina lang ay walang malay kong hinahatak.

"Vaughn!" natatarantang sambit ko.

"Te..Teka!! ikaw yung patpating babaeng ninakawan ng bag kanina!" sigaw niya na nakapag poker face saakin. Damn it Vaughn hindi ka parin nagbabago!!

Saaking tangkang pagtayo ay agad niyang ginapos ang aking mga kamay at mabilis na tinangay ang baril mula side strap na nakakapit saaking binti. 

Damang dama ko ang along pumapalo saaking mukha habang idiniin niya ako sa buhangin at mahigpit na ginagapos ang aking kamay mula sa likod.

"Ano bang ginagawa mo! Vaughn!" sigaw ko na nagpatigil sakanya.

"What on earth! Kilala mo ako?!" malakas at gulat niyang tanong na nagpalito saaking isipan.

Pilit  akong kumalawa sakanyang pagkakagapos ngunit agad din akong tumigil nang maramdaman ko ang pagtutok niya ng baril sa likod ng aking ulo.

"Sino ka at paano mo nalaman ang aking pangalan?" seryoso niyang tanong sakin.

Naghalo ang matinding  pagkalito at takot saking dibdib. Bakit hindi niya ako maalala? Bakit hindi niya ako kilala? Bakit niya ito ginagawa saakin?!

Hindi ako nagpatalo at mabilis na iniangat ang aking katawan, hitting his chin and causing him to stumble down on the shore. Agad din naman siyang binulabog ng mga alon sa dalampasigan na nagbigay saakin ng pagkakataong makuha muli ang baril na nagawa niyang tangayin saakin.

Code 365 Project MemoryWhere stories live. Discover now