Maglalakad na sana ako papunta sa direksyon ng karamihan ngunit pinigilan ako ni Sam.

"Irine! Isuot mo muna 'to please." Pagmamakaawa niya. Pinilit niyang isuot sa 'kin ang shades na binigay ni Sister.

Wala na akong nagawa kundi sundin siya at sinuot ito.

Unti-unti akong naglakad patungo sa puting kabaong. At patuloy ding kumakabog ang dibdib ko sa bawat hakbang patungo roon.

Nang makarating ako sa harap, pinagtinginan nila ako na para bang naaawa para sa'kin. Pero hindi ko na pinansin ang mga tingin nila dahil unti-unti na namang lumabo ang paningin ko.

Bumuhos na naman ang luha sa mga mata kong palaging hinahaplos ni Sister Martha.

Na dati'y nakangiti sa akin habang kaharap ako na ngayo'y nakahiga na sa isang lugar kung saan ayaw ko siyang makita.

Nakapikit, maputla, at walang buhay.

"Sister Martha...bakit nandiyan ka? Tumayo ka d'yan. Doon ka nalang matulog sa kwarto mo, sasamahan pa kita, Sister. Ako naman ang magsasabi ng kwento para makatulog ka na katulad ng ginagawa mo sa 'kin. Ako nalang ang mag-aalaga sayo..."

Patuloy lamang dumadaloy sa aking mukha ang mga luha na ayaw makita ni Sister. Pero wala na siya.

Wala na.

"Sister, bakit? "

Niyakap ko ang kabaong niya. Hanggang dito ba naman, hindi ko mahawakan si Sister.

"Irine, tahan na." Rinig kong sabi ni Sam habang hinahagod ang likod ko.

Ilang minuto rin akong nanatili sa ganoong pwesto hanggang sa naisipan kong kausapin muli siya. Pagkatayo ko, hindi ko inaasahang makita kung ano na ang naging itsura ni Sister.

Napatakip ako ng bibig. Pati si Sam at napaatras na dahil sa pagkagulat.

At sa takot.

May pulang likidong dumaloy mula sa kanang mata ni Sister Martha.

Dugo. Walang tigil ang pagdaloy ng dugo sa kanyang mga mata.

Nanginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan kung paano balutin ng pulang likido ang kanang parte ng mukha niya at ang kabaong na hinihigaan niya.

"Sister..."

Hindi ko na namalayan na hinihila na ako ni Sam palayo sa kabaong habang ang iba ay nagkakagulo na papunta roon.

Ngunit ako ay tulala parin at hindi malimutan kung papaano dumaloy ang nakakatakot na pulang likido sa mukha ni Sister Martha.

"Dugo. Bakit may dugo?" Nanginginig na tanong ko kay Sam.

Wala siyang anumang sagot kundi yakap para pakalmahin ako.

"Ano pang hinihintay mo?" Nagising ako sa katotohanan nang nagsalita si Red.

"Hindi ko alam ang gagawin ko, Red. Hindi ko alam." Halos manginig na ang boses ko.

Naaalala ko palang kung paano tumulo ang dugo sa mga mata ni Sister, halos mahimatay na ako. Trauma. Trauma ang inabot ko dahil doon.

Ang repressed memories ko nang dahil sa trauma ay bumabalik dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi makagalaw.

At hindi makapag-isip nang maayos.

Paano pa kaya ang makakita ng ganito karaming dugo sa harap ko. Napapikit ako ng mariin at hinawakan ang nanginginig kong kaliwang kamay.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now