Chapter Twenty-Five

147 6 0
                                    

Ian

"So, uh, Damion. Doctor ka noh? anong klaseng doctor?" Tanong ko sa kanya.

"Oncologist. Cancer doctor." Maiksi niyang inexplain. Cancer?

"Cancer? Well, ano naman ang kinalaman nun kay Ligaya?" Hindi ko na napigilang magtanong ng direktang tanong. He chuckled a little.

"Alam mo, Ian, believe it or not pero kilala na kita base sa mga stories ni Gaea about you. Alam kong di ko dapat sayo sasabihin to dahil sabi ni Gaea na siya na daw magsasabi, pero I don't think sasabihin niya talaga......" Pasuspense niyang pinutol kaya napalingon ako sa kanya ng saglit.

"She had ovarian cancer." Tinuloy niya. Nang sabihin niya yun, muntik na akong makabangga ng motor! Buti umiwas agad ako.

"Ovarian cancer?! Eh pano na ngayon?!" Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Hindi biro ang cancer!

"Relax! She HAD ovarian cancer. Stage one pa lang kaya naagapan na namin. Pero to prevent it from coming back, pinatanggal na niya yung ovaries niya." Pag-eexplain niya. Whoooooooooooooooo!!!! Nakahinga rin ng maluwag! Kala ko naman hanggang ngayon, at risk pa rin siya eh.

"Pero ba't ayaw niyang sabihin sa akin yan? I mean ok naman na diba? Hindi na siya at risk?" Paninigurado ko.

"Hindi naman dahil sa at risk siya kaya ayaw niyang malaman mo. Ayaw kasi niyang malaman mo na di na siya pwedeng magka-anak. She told me na gusto mo daw magka-anak." Pagkukwento niya.

Totoo. Gusto kong magka-anak sa tamang panahon. Syempre! Sino ba naman hindi nangarap na magkaroon ng magandang pamilya diba? Lalo na ngayong age ko na toh na nalalapit na ang panahon para magstart na buuin ang magandang buhay na may pamilya. Pero di ko naman siya pwedeng sisihin dun eh. I'd rather not have kids than to lose her.

"Gusto niyang makakita ka ng babaeng makapagpupuna sa maaaring maging pagkukulang niya kung sakaling mahal mo siya. Kaya as much as possible, she wants to be just your friend." Tinuloy niya yung kwento.

"Wala akong ibang gusto. At wala siyang pagkukulang. She's perfect just the way she is. Wala akong pakielam kung di kami pwedeng magka-anak, kesa naman mawala siya sa buhay ko." I explained to him. He just nodded. His face brightened.

"Alam mo, Ian, you are lucky to have her." Comment niya. Tinanong ko siya kung bakit pero pinagkibitbalikat lang niya. What was that supposed to mean?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Nagsimula na akong kabahan ng itext ako ni Damion na nakarating na siya sa hospital at may kailangan daw akong ilook foward for. Ptngna! Don't tell me pinilit siya ni Ian ah! Or baka hindi napigilan ni Ian yung temper niya at nasapak na siya?!

"Alam mo, Gaea, sleep! You need to rest! I'm sure pupunta dito si Ian bukas to tell you what happened to them." Pag-aasure ni papa. Napasigh na lang ako at umakyat na nga para matulog. Wow! Napakanostalgic nung feeling dito. Ang tagal na nung huling nandito ako. Wala pa ring pinagbago.

From here, I can see Ian arrive. Binigay lang niya yung susi kay papa tapos bumalik na sa bahay nila. I hope he's at his room. Sana din, nasa kanya pa.

I knocked on the wall sa may study table ko. I waited for about a minute. He knocked back. Ayun! Kinuha ko agad yung walky-talky sa loob nung drawer.

"Hello?" I spoke.

"Yeah." He answered.

"Hindi mo pa rin tinatago yung walky?" Tanong ko. Ang tagal na niyang walang kausap sa walky-talky, imposibleng he kept it all these years, alive and running?!

"Ba't ko itatago? Edi di ko malalaman kung kelan nandyan ka na?" Tanong niya sa akin.

"Were you expecting me na babalik ako dito?" Sarcastic kong tanong.

"Syempre! Yan ang bahay mo. Diyan ka sa kwartong yan mabubuhay! Kahit wala ka nang ibang lugar na puntahan, diyan lang sa kwartong yan, mabubuhay ka na diba?" Sarcastic pero totoo. Alam niya na ganun akong tao.

"Eheh... Uhm... Kamusta nga pala si Damion?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm, ayun. Hinatid ko siya hanggang sa hospital." Tipid niyang sagot.

"Tapos?" Dagdag kong tanong. Di ako naniniwalang yun lang ang nangyari eh.

"Tapos, syempre, nag-usap-usap." Dagdag niya. Pero ang insufficient pa rin! Alam kong meron pa!

"Then?" Dagdag kong tanong ulit.

"Then what?" Nainis siya bigla. Wala na? Yun na ba yun?

"Wala nang ibang nangyari? Wala kayong pinag-usapang something?" Pang-uusisa ko.

"Wala. Well, kung gusto mong malaman, can I come there and tell you personnally?" Pilyo niyang tanong. Oh boy! Mangungulit na naman ang hayop!!

"Che! Bukas na lang!" Nainis kong sinabi at tinago na yung walky sa desk ko ulit. Narinig kong tumawag pa siya sa walky pero tinigil din niya. Siguro napansin niyang ayoko nang makipag-usap.

I was just resting on my bed and reading a book. May kumatok bigla sa room ko. Si papa kaya? O si mama?

Pagbukas ko ng pinto, di ko naiwasang mapadilat talaga nang napakalaki! Sino ba namang hindi?! Nandito ngayon si Ian sa harapan ng kwarto ko.

Sasarhan ko dapat ulit siya ng pinto kaya lang sinalo niya yung pinto at tinulak yun pabukas. Pagkapasok niya ng pinto, tsaka niya isinara ulit yun at linock pa. What a jerk!

"Oh? Ano? Care to share?" Sarcastic kong tanong sa kanya at naupo sa kama.

"Just promise me to tell everything that I want to know..." Hindi yun tanong o paki-usap. It was bribery. Kung may gusto akong malaman, ganun din siya. So para sabihin niya sa akin lahat ng nalalaman ko, dapat ako muna ang magkukwento.

"Wag mo akong subukan Ian. Ag kailangan ko lang malaman ay kung anong nangyari kay Damion at sayo a while ago." Paglilinaw ko. Yun lang naman, papalakihin pa niya.

"Wag mo rin akong subukan. Ligaya, siguro naman may karapatan akong malaman ang gusto kong malaman dahil kahit papano, naging parte pa rin ako ng buhay mo. I have the right to know what happened for the past seven years." Matatag niyang sinabi. Yung tipong wala nang bawian, wala nang ligtas. Kailangan sundin ko siya kundi, patay!

This is going to take a while. Mukhang uumagahin kami sa pagkukwento ko pa lang ah!

LigayaWhere stories live. Discover now