Chapter Three

240 5 1
                                    

Ian

"Kuya?! Ano ba?! Eh sa hindi ko naman siya type eh!" Pagdedepensa ko sa sarili ko. Natawa naman sila mama at papa, pati na rin si Kuya. Si Ligaya. Wala. Naawawkwardan sa isang tabi. Awkward naman kasi talaga!

"Oh come on! Ikaw nga lang tumatawag sa kanya ng Ligaya eh! Wala bang meaning yun?" Pang-iintriga lalo ni kuya. Naiinis na ako.

"Bakit? Hindi ba pwedeng nakasanayan ko na kasi kaya hanggang ngayon yun pa rin tawag ko?" Naiinis kong sinagot si kuya. Natahimik naman na siya. Kahit ganyan yang tukmol na yan, marunong naman yang makiramdam.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

After dinner, usap usap lang tapos kanya kanya nang pasok sa mga kwarto. Sa guest room ako matutulog. Bigla namang umulan ng malakas.

Oh sige!!! Maganda yan!! Umulan ng malakas tapos may kasama pang kuloh at kidlat!! Ptngna! Magpapiyesta tayo ha! Maganda kasi tong nangyayari eh!!

*BBRRRROOOSSSHHHH!!!*

AHHHHHH!!!! Ayoko na po!!!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Badtrip! Kaya ayoko kapag umuulan eh! Laging bumabagal ang net! Tngna namin kasi tong ulan na to eh! Summer na summer, uulan! Ano na bang nangyayari sa klima?!

Buti nagpapaantok na lang naman ako para matutulog na ako. Sinara ko na yung laptop ko at hinubad na yung shirt ko. Mas sanay kasi akong natutulog na topless eh.

May bilga namang kumatok. Pinagbuksan ko naman. Si Ligaya.

"A-ano..... K-kasi." Mangiyak-ngiyak na trinybsabihin ni Ligaya kaso biglang kumulog ng malakas. Oo nga pala. Takot nga pala siya sa kulog at kidlat. Natrauma kasi siya dati eh. Nakakita kasi siya ng aso na tinamaan ng kidlat at namatay. Simula nun, natakot na siya. Feeling niya kasi tatamaan siya ng kidlat. Lalo na kapag malakas ang kaakibat na kulog nun.

"Tara, dito ka na." I let her in my room. Humiga naman na siya sa kama ko at tumalikod. Gaya ng kama niya, nakadikit din yung one side ng kama ko sa wall. Pero mas malaki naman yung akin. Sinle lang yung kanya eh. Akin double.

Pero kahit na malaki ang space sa aming dalawa, nag-alangan pa rin akong humiga.
Kung dati nung mas bata pa kami, ok lang. Bata pa kami nun eh. Tsaka mas close kami nun kesa ngayon.

Ngayon kasi, natuli na ako, nireregla na siya't lahat lahat, mukha bang makakapagtabi pa rin kami?! Ang tatanda na namin eh!

Pero wala naman kasi akong balak na masama sa kanya eh! Tsaka tandaan niyo! Hindi babae tong si Ligaya! Ibang nilalang to!

Tinuloy ko na! Nahiga na ako sa tabi niya at pinatay na yung lamp. Mukhang tulog na rin naman siya. Mukhang yung kulog lang yung gumising sa kanya.

Maya maya pa'y kumulog ulit ng malakas. Mukhang nagising ulit siya. Para siyang namimilipit na ewan. She was holding hed head na para bang gusto niyang tanggalin lahat ng buhok niya sa ulo niya. Malala talaga to pag natakot.

Tinanggal ko yung mga kamay niya sa ulo niya at hinawakan lang. Yinakap ko na lang siya. Pero nakatalikod kasi siya sa akin kaya nacross ko yung mga kamay niya. Mas ok na to. Kesa naman nakakapagcause siya ng physical pain sa sarili niya dahil sa takot.

Naks! Pwede na akong magpsychology! Ahahahaha! Pero seryoso naman eh.

"I-ian, t-teka--" Natigilan naman siya nang kumulog ulit. She tried to hold her head again. Pinigilan ko na.

"Matulog ka na. Di ka naman tatamaan nun hangga't nandito ako eh." Seryoso, inaantok na ako kaya sinabi ko yun. Gusto ko na kasing matulog. Kung hi di lang kasi siya natatakot sa kulog at hindi na nagpakita dito, tamo! Kanina pa ako parang sebo dito! Tulog na tulog na dapat ako eh!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Paggising ko, wala na si Ian sa tabi ko. Baliw talaga yun. Pero ok lang. At least hindi niya ako binalewala kagabi. Alam naman niya kasi kung ano ang takot ko sa kulog at kidlat eh.

Papunta na sana ako ng CR ng makita ko si kuya Fabio, nakasandal sa doorframe ng CR at may pinapanood. Nakita ko si Ian sa loob.

"Anong meron?" Natanong ko kay kuya Fabio na natatawa kay Ian.

"Eto kasing si Ian. Ayun! Binata na, nananaginip pa rin ng kung ano ano!" Natatawang sabi ni kuya Fabio. Habang si Ian naman, may nilalabhan sa lababo.

Gets ko naman yung sinasabi ni kuya Fabio at kung ano yung linalabhan ni Ian sa lababo eh. No worries. Naiintindihan ko naman. Parte siya ng pagbibinata.

"So sino ang maswerteng babae?" Curious kong tanong sa kanilang dalawa. Natawa naman si kuya Fabio.

"Sino, Ian? Megan Fox?" Unang tanong ni kuya Fabio. Walang reaction.

"Christine Reyes?" Pangalawang tanong ni kuya. Wala pa ring reaction. Mukhang di pa rin yun.

"O baka naman si Gaea na pala yan ah!" Malokong tanong ni kuya Fabio. Ano ba naman to! Pati ako nadamay!

"Alam mo kuya, labas! Di ka naman nakakatulong eh!" Sabi ni Ian sabay sara ng pinto.

"Ahahahahahaha! Alam mo Gaea, ikaw talaga yun! Sorry ah!" Natatawang sabi ni kuya Fabio. Ano ba naman! Bakit ba pati sa ganun, ako pa rin ang pinagpipilitan ni kuya Fabio?!

Ang malala naman kasi, wet dream pa! Ibig sabihin, may anong nangyayari.

Eeeerrrrhhhh!!! Kadiri naman! Kung ako napanaginipan niya ng ganun tapos aaarrrgghhh!!! Basta! Ew! No!!

Kinatok ko na lang siya.

"Ian, bilis! Naiihi na ako!" I shouted from the outside. Kakatok sana ulit ako kasi parang di niya ako pinansin eh. Pero bigla naman niyang binuksan na yung pinto.

"Wag mong papansinin yung tukmol na yun ah! Oh! Tapos na ako." Paalala niya sabay labas ng CR. Tch! Sungit! Alam ko namang di totoo yun eh! Imposible naman kasing ako ang mapanaginipan niya sa ganun!

May kumatok na naman sa pinto.

"Uh, ano... Pupunta nga pala ulit dito sila Marcus, kaya maligo ka na at magdamit ka. Ayan ah! Pinapaalalahanan na kita!" Paalala niya sa labas ng pinto.

Buti naman! Hindi yung wala akong kaalam-alam at mukha akong prosti dito!

Naligo na rin ako at nagbihis ng maayos na pambahay. Buti may TV sa kwarto ni Ian kaya dito muna ako habang naglalaro sila sa baba. Kanya kanya kasi silang dala ng laptop tapos makikiconnect ng wifi tapos maglalaro ng online game na matripan nila.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon