Chapter Six

186 5 0
                                    

Gaea

"Ano ba Ligaya?!! Sa lahat ng movies ba't horror pa?!" Reklamo ni Ian. Medyo duwag kasi tong hayop na to. Pagpasensyahan niyo na.

"Ian! Movies lang naman to eh!" I tried to assure him.

"Kahit na!! Ligaya naman eh!" Reklamo niya. Sineset up ko na kasi yung TV. Well, hindi "set up". Ang teknikal masyado nung term. Rephrase natin.

Sinasaksak ko pa lang naman yung USB ko sa TV niya at hinanap yung file ng mga horror movies eh. Una kong plinay ay yung Ouija.

"Ligaya! Istop mo na yan! Matulog ka na! Kung gusto mong manood, mag-isa ka!" Pagtataboy niya sa akin.

"Teka! Teka naman oh! Sige, pag sinamahan mo akong manood, pwede mo akong gawing unan, how's that sound?" Pag-ooffer ko sa kanya. Gustong gusto kasi niyang ginagawang unan ako. Malambot daw kasi tsaka mabango. Aba malamang! Alangan namang mabaho ako?!!

"Fine! Pero ikaw lang ang manonood. Magsoscroll na lang ako sa phone ko." Yes! Nahulog siya sa patibong ko!

Buong movie, nakaakap lang siya sa tiyan ko at nakapatong din yung ulo niya sa tiyan ko. Hindi siya makatulog. Bwahahahahahahaha!

After nung movie, tinanggal ko na yung USB ko at akmang lalabas na ng kwarto niya.

"San ka pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Ian. Mukhang takot na nga ang hayop. Takutin ko pa lalo! Ahahahahaha!

"Sa kwarto ko. Matutulog na. Good night!" Mapang-asar kong sinabi sa kanya at sumigaw naman siya.

"Hoy! Bumalik ka dito! Teka!" Ahahahahaha!! Nakakatawa siya kapag natatakot siya eh! Grabeh! Parang bata!

"Ligaya naman." Sinundan niya ako hanggang sa labas ng guest room.

"Ano ba Ian. Ang tanda mo na. Di mo pa rin ba kayang matulog mag-isa?" Tanong ko sa kanya. Seryosong tanong na yun ah!

"Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan! Eh ikaw ang may kasalanan kung ba't di ako makatulog mag-isa." Paninisi niya sa akin. Eh sorry na! Trip ko lang naman eh!

"Oh siya! Sige! Ano nang gusto mong mangyari?" Sarcastic kong tanong sa kanya. Alam ko naman ang gagawin ko kapag ganito eh.

"Uh, ano.... Patulugin mo muna ako." He blushed. Ganyan lang ang paraan para makatulog siya. Sasamahan ko lang siya hanggang sa makatulog siya.

Sumunod na ako sa kwarto niya at humiga na sa kama niya. One last trip para sa kanya.

"Anong itsura yan?" Iritado niyang tanong. Nginitian ko na lang siya ng mapang-asar.

"Come here baby boy!" Asar ko sa kanya. Inirapan lang niya ako at humiga na sa tabi ko. Sinandal niya yung ulo niya sa braso ko at pinatong yung braso niya sa tiyan ko.

Linaro laro ko na lang yung buhok niya para makatulong sa pagtulog niya. Sa ginagawa kong paglalaro sa buhok niya. Ako ang inaantok. Mannerism ko kasi sa sarili ko to eh! Paikutin yung buhok ko hanggang sa makatulog ako.

Kaya imbis na siya ang antukin, ako na ang inaantok. Pero mukhang effective din naman sa kanya kasi mukhang tulog na siya. Pero, from the looks of it, di na rin ako makakaalis dito.

Mukhang dito na rin ata ako matutulog ngayong gabi. Ok lang naman! At least! Last night ko naman na to dito sa kanila. Bukas kasi uuwi na sila mama at papa... Hopefully.

Naririnig ko kasi sa usapan nila ni tita Sol na baka magextend sila dun o kaya sa boracay na lang daw nila kami kikitain.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Paggising ko, pansin ko na ang higpit ng hawak ko kay Ligaya. Napabitaw naman na ako. Medyo weird na kasi na may nanliligaw na sa kanya pero ako pa rin ang kasama niyang matulog paminsan minsan.

Naligo na lang muna ako at nagbihis. Bumaba at hinintay si mama na matapos yung linuluto niyang breakfast. Habang nagluluto naman siya, kausap niya si tita Mi.

Mukhang sa Boracay na lang daw kami kikitain nila tita Mi kaya hanggang sa makarating kaming Boracay, dito muna matutulog si Ligaya.

Maya maya pa ay bumaba na si Ligaya at naupo na rin sa dining table. Mukhang antok pa yung mukha niya.

"Gaea, pwedeng maggrocery muna kayo ni Ian mamaya? Maglilinis pa kasi ako ng buong bahay kaya wala na akong oras mamili ng dadalin at ipeprepare ko kapag pumunta tayong Boracay." She asked the favor.

"Hhhaaaaawwww! Sige po tita." Sabi ni Ligaya habang humihikab. Aaaayyy!!! Ang cute!!!! Kapag umaga kasi maga yung buong mukha niya. Eh bilugan pa mukha niya kaya ang cuteee!!!! Nakakabakla!!!

Hindi ko na napigilang kurutin yung dalawang pisngi niya sa sobrang gigil! Ay grabeh! She just made that face.

"Iaaaannn!!! Tigilan mo nga ako! Ang aga aga eh!" Reklamo niya sabay salpak ng mukha sa table para matulog ulit.

"Huy! Giseng ka na! Nasa lamesa na natutulog pa rin?!" Ginulat siya ni papa. Effective naman kasi nagulat talaga siya. Natawa na lang tuloy kami ni papa.

"Uuggghhhh!!!" She exclaimed at umakyat ulit. Sa kwarto ko na siya duneretso kasi alam niyang malamig pa rin dun eh. Sa guest room kasi, hindi nga siya natulog dun kaya hindi rin bukas yung aircon.

"Ian, sa kwarto mo ba natutulog si Gaea?" Tanong ni papa. Nakaupo na siya sa dinibg table. Sinabi niya yun ng mahina para kami lang ang nakakarinig.

"Uh, oo." Honest kong sagot. Syempre! Honesto to! Mas cute nga lang ako.

"Wala ka namang ginagawang masama?" Pang-uusisa ni papa. Ako talaga eh noh! Well! Sabi nga nila, lalaki dapat ang nagbebehave, dahil kahit anong pang-aakit ng babae, kung behave ang lalaki, walang mangyayari.

"Wala 'Pa! Nung unang gabi kasi natakot siya sa kulog at kidlat... Tapos kagabi, ako naman." Nahiya tuloy akong umamin.

"Saan? Eh wala namang ulan kagabi." Nagtatakang tanong ni papa.

"Haaayyyy.. Pa, si Ligaya kasi. Nagyaya siyang manood ng movie. Di ko naman inaasahan na horror. Ayun! Di na ako makatulog kaya sinamahan niya ako hanggang sa makatulog ako. Ewan ko nga kung ba't dun na rin siya sa kwarto ko nakatulog eh." Kwento ko kay papa. Napangiti na lang siya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Malambing na tanong ni mama. Finally! Luto na ang breakfast!

"Wala naman!" Deny ni papa. Sabay kain na rin. Tinapik ni mama yung mga kamay namin ni papa.

"Hindi pa tayo kumpleto. Tawagin niyo na muna yung nag-iisa kong dalaga." Utos ni mama. Parang anak na rin kasi yung turing niya kay Ligaya eh. Kung ako may kapatid, si Ligaya wala. Only child. At babae pa. Eh kami, parehong lalaki. Eh gusto kasi ni mama dati ng babae, kaya natuwa siya nung babae yung naging anak ni tita Mi. At least daw may aalagaan siyang babae.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon