Chapter Eleven

143 5 0
                                    

Gaea

Biglang bumukas yung pinto. Sa sobrang lakas, napabangon ako sa pagkakahiga ko. Patulog pa naman na ako eh!

Si Ian pala. Pero grabeh sa lasing ah! Sa aming dalawa, ako ang laging nalalasing dahil sa hilig ko ngang uminom, pero siya, never ko siyang nakitang malasing. Umiinom siya, pero onti lang.

Tsaka hindi rin naman kami laging nakakainom dahil minor nga kami. Kapag may consent lang nila mama at tita.

"Ian, anong nangyari?" Tanong ko. Bigla naman siyang naglean at nagpabigat sa akin. Ang bigat talaga! Syempre! Mas malaki ba naman kasi siya kaysa sa akin diba?!

"Ian, Ian, ano ba?! Ang bigat mo!" I tried to push him para tumayo siya ng maayos kasi ang bigat talagaa niya!

"Hmmm..." Yun lang yung nasabi niya. Oh sige! Maganda yan!

Bumaba siya at binuhat ako. Uy! Hala! Ano to?! Hiniga niya ako and he is on top of me. Inayos niya yung sarili niya and cuddled me.

"Oh my gosh." I murmured. Sinong hindi mapapaOMG sa nangyari. Kinabahan ako dun ah! Para kasing ano. Baka may balak siya ano. Ah basta! Minsan medyo GM at assuming din ako eh! Kala ko naman kasi, ano eh.

Mukhang tulog na si Ian. So yun pala ang motibo niya! Higaan ako at gawing unan. Kahit kapag lasing, ibang klase pa rin to eh! Napagdidiskitahan pa rin ako.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Paggising ko, I feel warm. Parang may kaakap ako. Actually, hindi parang, meron talaga. Parang naligaw ata ako ng kwarto? I got really wasted last night. Kaninong bae kaya ko nakatulog?

Pagmulat ko, okay! I take it back! Fvck! No! Mali! Fail! Si Ligaya! Erase! Maling mali yung naiisip ko!

Well, except dun sa bae part. Bakit ganun tong babaeng to! Ang ganda kapag umaga. Yung tipong bagong gising. Medyo baby face, tapos ang puti, tapos ang pula ng labi, tapos magang maga yung mukha, ugh!! Nakakabakla yung cuteness niya!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

I've only felt kisses sa panaginip ko. Yung mga panaginip na nakikita ko yung mga unidentified man sa buhay ko tapos ikikiss nila ako.

Pero this time, hindi ko sure kung panaginip o reality, but I feel it. Triny kong imulat yung mata ko. Si Ian. Nakapikit din, pero namulat din siya.

Humiwalay siya, at dun ko narealize na totoo to. Hindi to panaginip. Oh fvck! Nanlaki na lang yung mga mata ko at internally na akong sumisigaw.

"Uh, I'm sorry! Sorry sorry." He tried to comfort me. Nakakabaliw. Hindi ko alam kung ano dapat ang mafeel ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero nandun pa rin yung shock. Parang kinukuryente yung likod ko. Ughhhhh!!! Nakakabaliw.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Umiiyak siya. Seryoso, umiiyak siya. Nakaupo kami ngayon, magkatabi kami sa kama. Umiiyak talaga siya.

"Sorry talaga." I tried to comfort her. Ayaw niyang hawakan ko siya, ayaw niyang lapitan ko siya, at umiiyak lang siya. Hagulgol talaga eh.

"Kaseh naman!!! First kiss ko yun!! Tapos-tapos, w-wala pa akong kamalay-mmmalay na nangyari pala yuuuuuuunnn!!!" Utal-utal niyang sinabi habang umiiyak.

"I'm sorry. Talaga, sorry." Grabeh naman kasi! Ewan ko?! Hindi ko napigilan yung sarili ko. Pero ugh!! Pati ako naguguluhan sa sarili ko eh!! Ba't ko nga ba nagawa yun?!!

Pero ang mas mahalaga ngayon, pano ko siya papatigilin sa pag-iyak niya. Ano bang pwede kong sabihin o gawin?!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

May kinuha siya sa bag niya at sinuot sa arms niya. Naiiyak pa rin ako para itanong kung ano yun.

"Its a muscle toner. Electricity ang gamit neto. At ang highest level niya ay 99. Hanggang 40 lang ang kaya ko pero para lang hindi ka na umiyak, gagawin ko hanggang 99." Sabi niya at nakaupo siya ngayon sa lapag sa harap ko.

He started groaning. Parang masakit pero parang hindi din. Tapos yung arms at fingers niya nagcucurl.

"Hindi ko ginagawa to. My arms are doing it on purpose." Sabi niya habang tumatawa. Natatawa na rin ako sa itsura niya. Ang funny nung mukha niya tsaka itsura nung arms niya. Mukha akong tanga na umiiyak tsaka tumatawa at the same time.

He needs to stop. Baka masakit yung ginagawa niya. Sabi nga niya electricity yung nagpapatone nung muscles.

"T-tama naa!" I managed to say between laughs. Nakakatawa kasi talaga siya. He was also laughing with me.

"Stop!!" I shouted at him. Pero tumatawa pa rin kami pareho. Tinulungan ko na siyang tanggalin yung muscle toner niya. Umupo na siya sa tabi ko.

"Saan--saan mo naman gagamitin tong muscle toner na to dito?!" Natatawa pa rin ako eh.

"Wala. Naisipan ko lang dalin, in case na ma-bore ako." Natatawa pa din siya. Nakakatawa kasi! Whoo!

"Pero seryoso, sorry talaga. Hindi ko din alam kung anong nangyari. Akala ko kasi nasa kama ako ng ibang babae." Naging seryoso siya dun at nag-explain. Wow! Kama ng ibang babae. So may mga panahon pala na may nangyayaring ganun noh!

"Sa kama ng ibang babae? Wow! Grabeh!" Medyo nakakapang-init naman din ng ulo na makarinig ng ganun.

"Bakit? I told you, normal sa amin yun. Lalo na't ganito kagwapo yung kaharap mo. Swerte mo nga nahalikan kita eh." Pagdedepens niya. Sus! Gwapo?! Sang banda?!

"Hindi ko naman ginustong mahalikan!! At isa pa, you stole my first kiss!!" Sigaw ko sa kanya. Namula naman siya at di na nagsalita. Huh?

"Eherm!" Biglang pasok ni Marcus sa kwarto. Sh1t! Ang lakas ata masyado ng boses ko. Baka narinig niya yung nagyayari.

"Good morning sa inyo." Malisyoso niyang bati. Para bang pinanghihinalaan niya kami.

"Good morning." Kabado kong bati sa kanya. Medyo behave din kasi yung suot ko. Medyo exposed ang legs at likod.

"Anong ginagawa mo dito?" Dismayadong tanong sa kanya ni Ian. Ngumiti lang ng maloko si Marcus.

"Uh, Gaea, pwede bang maheram muna si Ian? May important matters lang siyang kailangang attendan." Paalam ni Marcus. Halatang nang-aasar ang loko!

"Uhm, sure. Hindi mo naman kailangan ipagpaalam sa akin eh." Medyo awkward kong sagot sa kanya. He nodded at hinila palabas ng kwarto si Ian.

"Kakausapin pa kita mamaya!" Sigaw ni Ian bago pa siya makalayo sa kwarto. Problema nun ni Marcus?!

LigayaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα