Chapter Twelve

161 5 0
                                    

Ian

"Totoo nga. Alex was just toying with her." Panimula ni Richard nung magkita kami sa may poolside ng resort.

"Inamin niya?" Tanong ko. Wala na talaga kasi akong matandaan sa nangyari kagabi. Sobrang lasing talaga ako.

"Yup. Pinakinggan ko ulit yung nangyari kagabi. Naedit ko na rin kaninang umaga yung part lang na sinabi niya." Sabi ni Richard at plinay yung voice clip.

"Si Gaea? Ha! Kayang-kaya kong humanap ng katulad niya, heck! Kaya kobg humanap ng mas maganda, mas sexy, at mas inosente kesa sa kanya noh!"

"G@go." Nabulong ko nang marinig ko yung clip na yun. They both looked at me na para bang inoobserbahan nila ako.

"What?" Tanong ko. Tinititigan lang kasi nila ako. Natawa naman sila pareho. Hala?! Nababaliw na ata tong mga kaibigan ko ah!

"Huy! Ano bang problema niyo?! Nasisiraan na ba kayo?" Tanong ko sa kanila ulit. Di pa rin ako sinasagot eh.

"Alam mo, ikaw, umamin ka na rin. May gusto ka kay Gaea noh?" Tanong ni Marcus.

"G@go, wala!" Sagot ko agad. Hindi naman porket medyo close kami at komportable kami sa isa't isa ay may feelings na ako sa kanya.

"Ooowwwss! Eh huling-huli ka rin dito oh!" Sabi ni Richard sabay play sa isa pang voice clip.

"Syempre! Mahal na mahal ko yun noh! Ligaya pa! Siya na ata ang pinakakakaibang babaeng makikilala mo!" What the fvck?! Seryoso ba yan?! Sinabinko ba talaga yan?!

"OOOOOOHHHHH!!!!!!" Hiyaw nung dalawa sa akin. Ang sarap na nilang sapakin.

"Oh, ano pre? Mahal mo nga ba?" Tanong ulit ni Marcus. Napaisip naman ako dun.

"Mahal ko siya. Mahalaga siya sa akin. Pero hindi in a romantic way." Tipid kong sagot. Mukhang nacurious naman lalo yung dalawa.

"Parang kapatid?" Tanong ni Richard. Umiling ako.

"Eh anong klaseng pagmamahal yan?! Kung hindi parang kapatid, kung hindi romantically, eh ano?! Wala na atang ibang klaseng love?!!!" Reklamo ni Richard. Eh kung sa ganun ang nararamdaman ko eh! May reklamo?!

"Oh! Ayun siya oh! Grabeh! Alam mo, lung di lang kita mahal, baka pati yan si Gaea, nabiktima na ng kamandag ko." Sabi ni Marcus. Nakabikini na naman kasi si Ligaya. Ibang bikini naman ngayon. Yung totoo, ilan ang dala niya?

[See photo for her outfit]

Tinawag siya nila Marcus at nilapitan pa. Mukha namang madali niyang nakakausap yung nga loko. Bale, sabi nga niya dati, mas madaling kausap ang mga lalaki kesa babae.

Habang linoloko siya ni Marcus, out of the blue, bigla siyang tinulak ni Marcus sa pool bilang prank. Ptngna!

"Baliw! Hindi siya marunong lumangoy!" Galit kong sinigaw kay Marcus at tumalon agad sa pool. Nasagip ko naman siya agad bago pa siya malunod at pinahawak sa edge nung pool.

"Pre, sorry! Hindi ko naman alam! Kung alam ko lang, hindi ko naman gagawin yun. Gaea, sorry talaga!" Takot at sincere naman na sinabi ni Marcus.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Muntik na ako dun! Buti nandun si Ian. Hindi naman kasalanan ni Marcus eh. Hindi naman niya kasi alam. His intentions were only for fun.

"Need help?" Tanong ni Alex sa akin habang naglalagay na ako ng sunblock sa katawan ko after kong idry yung sarili ko. Mukha hindi kasi yun yung huling beses na magtatampisaw ako sa araw eh. Para hindi ako umitim diba?

"Uh, wag na. Kaya ko naman." Pagtanggi ko. Syempre kasi mahahawakan niya yung katawan ko diba? Hindi ko naman ata papayagan yun!

Mukhang nadismaya naman siya sa sagot ko. Ako naman concentrate lang sa paglalagay ng sunblock. Nairaos ko naman pati yung likod ko. Expert na ata ako sa paglalagay. Linolotionan ko din kasi minsan yung likod ko eh.

"Gaea!" Tawag ni tita Sol mula sa malayo. Lumapit ako sa kanya. Inabutan niya ako ng isa pang bote ng sunblock.

"Pakibigay nga kay Ian. Alam mo naman yun. Walang pake sa sarili. Kaya eto. Para di siya umitim." Bilin niya. Hinanap ko si Ian at ayun sila ng mga kaibigan niya sa pagkain. Wow! Kamayin ba naman yung beef.

"Ian, sabi ni tita Sol, magsunblock ka. Oh." Sabay abot ko sa kanya nung bote. Tiningnan niya ako na para bang may mali.

"Seryoso ka ba? Mukha bang makukuha ko yan?! Tingnan mo naman yung kamay ko oh! Ang mabuti pa, dun tayo!" Nguso niya sa may mga pool chairs. Naupo siya.

"Oh tapos?" Tanong ko sa kanya nang naupos siya. Anong gagawin naman namin dito?

"Anong 'oh tapos'?? Lagyan mo ako. Kita mong hindi ko magagamit yung kamay ko eh." Sabi niya. O-ok.

Sinimulan ko siyang lagyan sa likod. Ganda ng hubog kasi ng katawan! Nako! Kamanyakan ko! Jusko! Kababata ko linalandi ko na!

Tapos yung braso, then yung shoulders. Tapos samay dibdib pababa sa abs. Oh may!!! Parang gusto kong bawiin yung naisip ko kaninang umaga na hindi siya gwapo. Kasi ngayon.... Ang hot na niya!

Sadly, tapos ko na siyang lagyan. Pero ngayon ko lang napansin na titig na titig siya sa akin.

"M-may problema?" Tanong ko. Natauhan naman siya at ngumiti.

"Wala. Thanks." Sabi niya at tumayo na ulit at bumalik sa mga katropa niya. Ano ba?! Mali to! Hindi ko dapat nafifeel to?! Ughh! Pero parang, ugh! Yung tibok ng puso ko! Ang bilis! Tapos parang nanginginig yung kamay ko, nanlalamig yung katawan ko. Ewan ko?! Ok nga lang ba ako?!

"Kaya pala tinatanggihan mo ako." Someone spoke. Kilala ko naman kung sino. Si Alex. Nagtataka akong lumingon sa kanya.

"Tinatanggihan mo ako dahil kay Ian?" Pang-uusisa niyang tanong. Naupo naman siya sa tabi ko.

"H-hindi. Tsaka kababata ko siya. Natural na kaming close. Iba naman ang manliligaw sa kababata." I told him at umiwas ng tingin.

"Hmmm." Yun lang naisagot niya. He leaned in closer at halos mahalikan na yung leeg ko. Napalayo ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo?!" Naisigaw ko. Ang manyak ah!

"Come on, ang tagal na kitang liniligawan ah. Baka gusto mong magpatikim man lang." Sabi niya at balak akong halikan ulit sa may leeg. Tinulak ko siya, tumayo, at sinampal siya. Pervert!

"Tapos ka na. Layuan mo na ako." Matapang kong sinabi at naglakad nang palayo sa kanya. G@go siya. Tama nga si Ian. Babaero nga ang hayop. May gusto lang siyang makuha kaya niya ako linalapitan. Buti na lang I didn't trust him.

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon