Chapter Twenty-One

167 4 0
                                    

Gaea

Di nga naiintimidate yung banda na nagpeplay, pero ako naman ang naiintimidate.

Yung tingin kasi niya eh. Hindi basta tingin lang eh. Titig talaga. Sa peripheral view ko lang naman napansin. Pero halata pa rin! Kaya nga tutok na lang ako sa banda eh.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

After nung recording session nung banda, pinaubaya ko na sa isa kong employee at kay Layla ang studio.

Mas ok nang samahan ko na tong hayop na to kaysa yung ginugulo niya ako.

"Uh, may sasakyan ka din?" Tanong niya habang palabas na kami ng studio. Ano nga ba ulit ang dala ko ngayon?

"Wait." Sabi ko habang hinahanap sa bag ko ang susi. Susi sa kung ano mang dala ko. Nakuha ko na! At..... Motor pala dala ko ngayon.

"Motor pala ako ngayon." Sabi ko sa kanya at pinakita yung keys ko.

"So paano ako?" Pacute niyang tanong. Parang dati lang.

"Edi sasakay ka sa akin!" Duh?! Wait. Sasakay siya sa motor ko.... Kasama ako.... Whuuuuuutt?!

Wala nang bawian. Tsaka isa pa, di naman siya makakauwi kung di siya sasabay sa akin diba?!

I revved up my motor at sinuot na yung helmet ko. Buti lagi akong may dalang isa pang helmet. Minsan kasi, sumasabay sa akin si Layla. Umangkas na rin siya.

Eh kung pakitaan ko kaya siya ng mad skills ko?! Ahahahahaha!!!

Pinaandar ko na yung motor ko. Mas mabilis kaysa sa usual ko. Ayoko kasi sa iniisip ng mga tao eh! Stereotype na kasi na kapag babae, mabagal at maingat masyado sa pagdadrive! Hindi ba pwedeng kasing galing namin ang mga lalaking magmaniobra?!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Akala ko mamamatay na ako. Seryoso ako dun! Grabeh! Ang bilis at derederetso. Parang wala siyang planong huminto para sa ibang mga sasakyan.

I can drive, pero di tulad niya. Sobrang cautious ko pa naman sa kalye. Grabeh! Iba talaga si Ligaya.

Nang makauwi na kami sa resthouse ay sinalubong kami nila ate Rica at kuya sa receiving area. Medyo wrong timing ata kami ng balik. They were, you know, almost making love.

"Sorry." Sabi ko at hinatak na agad si Gaea sa kwarto namin. Baka kung ano pang makita namin at kung ano pang itanong din nila sa amin. Wala na sila mama't papa pati sila tito't tita kasi eh.

"Sorry dun sa kanina." I apologized as soon as makapasok kami sa kwarto.

"O-ok lang. Normal lang naman sa mag-asawa yun eh." Utal niyang sinabi. Mukhang gulat at flustered siya sa nakita niya. She's even blushing.

"What can we do?" Tanong ko habang naghahanap ng magagawa namin. Parang awkward kasi na lumabas kami ng kwarto eh. Baka kasi tinuloy na nila kuya yung kung ano mang ginagawa nila eh.

"May airhockey ka pa rin ba?" Tanong ni Gaea na medyo mahina. Natatandaan pa rin niya yun?! Dati kasi nung high school, we used to play airhockey sa phone ko. Minsan mahabang oras pa ginugugol namin sa paglalaro nun.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Naglaro ng airhockey, nagkwentuhan, at kulitan. Ang sarap sa pakiramdam. Parang wala lang nangyari. Parang sa isang iglap, naging close na ulit kami.

"Gusto mong sumama sa bar mamaya?" Tanong ko sa kanya. Baka magustuhan lang niya. Habang nagtatrabaho ako, he can enjoy his time there.

"Sa workplace mo?" Tanong niya at nagnod na lang ako.

"Pwede. Anong klaseng bar ba yun?" Curious na tanong niya.

"Club? Yeah. Club." Di rin ako sure eh. Di siya yung club na super wild yung mga tao. Pwede rin siyang restobar. Pwede ring yung mga bar na may entertainment na mga kumakanta.

"Pwede naman. As long as ako ang magdadrive." He said with authority. Mukhang natakot ko ata kanina. XD

"Fine!" Pumayag na lang ako.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

So ako ang nasunod. Ako ang nagdrive. Buti! Mamamatay talaga ako kapag siya ang nagdrive!

Medyo malaki yung place. Maganda at halatang nakikipagkeep up sa uso. Medyo madami na ring tao. Dumeretso naman agad si Ligaya sa likod ng counter ng bar. Nagsimula na agad siyang magtrabaho. Kaya pala nagpalit muna siya kanina ng damit bago umalis. I guess looking pretty for costumers help.

[See photo for her outfit]

Tinanggal niya bigla yung jacket na suot niya kanina. Woah! Hindi ko nakita kanina yung suot talaga niya eh. Nakajacket na kasi siya paglabas niya ng kwarto. Di ko naman ineexpect na ganyan na rin siya manamit. Yung swimsuit dati, given nang ok lang. Beach eh. Tapos yung pinasuot sa kanya ng mama. Ok lang din naman. Ayaw nga niya kasing isuot. Pero ngayon, siya na mismo ang nagsuot niyan.

"Hindi ko alam na mahilig ka na palang maging daring ah." Panunukso ko sa kanya. Natawa lang siya.

"People change Ian. Tsaka wala pa to!" Pagpapaalam niya. What does she mean na wala pa yun?! May ikalalala pa yun?!

She gave me a drink. Maya maya pa ay nagtake na rin siya ng orders from other costumers. Nakikipag-usap, nagmimix ng cocktails. Marunong na rin palang makipagflirt si Ligaya.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

I guess, nakakagulat nga naman na sa dating kilala niya, bigla na lang nagbago ako ng ganito. Ewan ko ba. Simula kasi nung napunta ako dito, pakiramdam ko nun, kinailangan kong magbago. Magbago para hindi na ulit mangyari yung nangyari sa akin dati kay Ian. Ayoko nang maging kaibigan lang. Ayoko na ng hindi nanonotice. Gusto kong nakikita ko ang sarili ko na maganda.

Medyo matagal na ring nandito si Ian. Nawala na nga eh. Mukhang nandun na at nakikipagmingle sa mga babae. Siya ang di pa rin nagbabago. Babaero pa rin.

Maya maya pa ay biglang may sumalpak sa counter.

"Ian?! Anong nangyari sayo?!" I exclaimed. Lasing na ata to ah?! He just giggled. Napatingin naman ako sa kasama kong bartender. Kailangan ko nang umuwi agad eh. Nagnod lang siya.

Inalalayan ko na si Ian at kinuha ko na rin yung mga gamit ko. Dinala ko siya sa sasakyan at inuwi na.

Unlike before, mas alcohol tolerant na siya. Pero that doesn't change the fact na lasing siya.

"Ligaya!" Sigaw niya nung kukuha lang ako ng pamunas para sa kanya. Baliw nga kapag lasing! A lot has changed but some things haven't.

LigayaWhere stories live. Discover now