Chapter Ten

163 5 0
                                    

Gaea

Ang sakit ng ulo ko!!! Oh fvck! Masarap ngang uminom kaso eto naman ang consequence nun eh! Hangover sa umaga.

"Good morning." Bati ni Ian pero medyo groggy pa. Mukhang kakagising lang din.

"Hm." Yun lang ang naisagot ko sa sakit ng ulo ko. Buti pala nandito si Papa. Alam niya kung anong dapat ipanggamot dito.

Nagbreakfast lang kami ng magkakasabay. Pinainom rin ako ni Papa nung pangtanggal hangover niya.

"Alam mo ba kung pano ka nakauwi?" Tanong ni Mama.

"Uhmm....." Patay. Oo nga! Sobrang lasing ko kagabi! Ewan ko na kung anong kahihiyan ginawa ko! Juice Colored!

"Si Ian. Buti nandun din." Tinuloy ni Papa. Hala! Weh! Matapos ko siyang sabihan na iwan na ako, binalikan pa rin niya ako at inuwi ng ligtas at maayos.. Ka-guilty tuloy!!!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Apat na araw na kami dito sa Boracay. Medyo masaya pa rin kaso wala nang bagong matatry. Napagod na rin kami sa tatlong araw na sunod-sunod na party.

Nagdecide kami na wag muna nga yong gabi. Pansin ko din na mukhang walang plano si Ligaya since nakahiga lang din siya sa kama at 10 pm na.

"Ian." Tawag niya habang nagsoscroll siya sa phone niya. ako naman naglalaptop lang dun sa table at couch na provided sa room namin.

"Bili mo akong ice cream. Sige na!" Pagmamakaawa niya sabay lapit sa akin. Ang hilig niyang magpacute kapag humihingi ng favor kasi alam niyang hindi ako makakatanggi eh!! Badtrip eh!!

Pumunta ako sa isang convinience store at bumili ng isang ice cream. Gabing gabi na kung kelan matutulog na dapat lahat ng tao, tsaka niya gusto ng ice cream. Ibang klase.

Habang naglalakad pabalik, may napansin ako sa isang side ng isang cottage. May tao. It seems like may kababalaghang nangyayari. Make-out ba to?

Si Alex?! Tama bang nakikita ko? May kamake-out na babae?! What the fvck?! Aaminin ko! Uminit ang dugo ko.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko at bumalik agad sa cottage house. Inabot ko kay Ligaya yung ice cream at nanahimik na lang sa harap ng laptop ko.

Tngnang g@gong yun! Akala ko pa naman seryoso siya kay Ligaya! Pinaniwala niya kaming lahat na seryoso siya!! Yun pala g@g@guhin lang naman pala niya!! Ang galing din niyang magpaikot!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Nanahimik lang si Ian habang kumakain ako ng ice cream. Weird. Parang nabadmood nung makabalik sa trip niya galing convinience store. Di kaya nainis sa akin?

Maya-maya pa ay humiga na siya sa tabi ko. Pansin niya siguro na nagreready na rin kasi akong matulog. Magreready pa lang. Di naman ibig sabihin nun ay inaantok na ako o kaya ko nang matulog.

Kabaligtaran nga eh. Hindi pa ako inaantok at di pa ako makatulog. Si Ian naman ang tahimik na nakatalikod sa akin.

"Ian... Ian." Tinapik ko siya. Umungol naman siya. Yun! Mukhang gising pa!

"Hindi ako makatulog." Sabi ko na para bang humihingi ako ng tulong.

"Pumikit ka at manahimik ka. Makakatulog ka rin." Malumanay niyang sinabi. Tinapik ko ulit siya.

"Eh hindi talaga ako makatulog eh." Humarap na ako sa kanya kahit na nakatalikod siya sa akin.

Bigla naman siyang humarap sa akin. Shet! Mali! Da't pala di ako humarap! Ang lapit na niya sa akin!

"Pumikit ka. Manahimik ka." Sinunod ko siya. Pumikit at nanahimik. Naramdaman ko naman na hinila niya ako for a hug. Nanatili lang kaming ganun. Sobrang comforting nung feeling. Hindi ko na napigilang makatulog.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Paggising ko, tumambad sa akin yung mukha ni Ligaya. Uy! Ba't ang lapit na neto sa akin?! Ahhh. Oo nga pala. Kagabi kasi, ang ingay ingay niya, nang-iistorbo. Pinag-iisipan ko pa naman kung pano ko mabibisto si Alex.

Hayaan mo, Ligaya. Malalaman mo rin yung totoo. With that, hinalikan ko yung kamay niya na malapit lang sa mukha ko.

"Hhmmmm." Gumalaw siya at parang magigising na. Nako! Patay! Teka! Pano ba to!

Pagdilat niya, katabi pa rin niya ako at malapit pa rin kami sa isa't isa. Nanlaki naman yung mga mata niya at sinipa ako. Haaayyyy. Badtrip! Nahulog na naman ako galing kama at wala na namang sumalo! Ang sakit ng katawan ko.

"Ay! Sorry! Ian, sorry!" Paulit-ulit na sinasabi ni Ligaya nang matauhan siya sa nangyari. Ang sakit! Kaya ayokong tinatabihan to eh!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Pang limang araw na namin ngayon at last na night na namin bukas. Napagdesisyunan namin ng tropa na ngayon at bukas ay magpaparty kami!

Kung magpaparty ulit, ba't hindi ko kaya imbestigahan si Alex? Why not diba?!

Buti na lang at ayaw na daw ni Ligaya magparty hanggang sa huling gabi. Matutulog na lang daw siya sa kwarto o kaya magmomovie marathon.

Nakontsaba ko sila Richard at Marcus tungkol sa operation bisto kay Alex. Mukhang pati sila nagdududa na rin daw eh.

Mukhang tanga yung plano ni Marcus. Lalasingin daw namin si Alex para umamin. Hindi kaya kami din? Malasing din kami?

"Kung malasing man tayo, we have this." Linabas ni Marcus yung phone niya. Uh?

"Kahit kami, Marcus, may phone din kami." Pag-iinform ni Richard na medyo blanko ang mukha. Minsan di mo din alam kung tanga o nagtatanga-tangahan tong si Marcus.

"Hindi kasi!! Gagamitin natin yung voice record or camera para makunan natin si Alex!" Pag-eexplain niya. Ooohhhh!! Nalinawan na kami ni Richard. Buti at inexplain niya!

We went on with the plan. Triny kong wag masyadong maglasing. Kaso, ewan ko. Napainom kaming lahat ng sobra sobra hanggang sa lahat na lang ay malabo. Parang nasa panaginip. Hindi ko maexplain eh.

Kahit ganito, dapat hindi ako makalimot sa purpose neto. Kailangan makunan namin on record si Alex na umamin. Bahala na kung anong pwede kong gawin sa kanya kapag nalaman ko yung totoo.

LigayaWhere stories live. Discover now