Chapter Four

231 7 2
                                    

Ian

Maagang umuwi sila Richard at Marcus. May lakad daw kasi. Kami na lang tuloy ni Alex ang naglalaro dito.

"Alex, yung totoo. May gusto ka pa ba kay Ligaya?" Casual kong tanong habang naglalaro. Bigla naman siyang nagkamali ng move at namatay.

"Ay takte! Ano ba namang tanong yan Ian?!" Paninisi niya sa pagkamatay niya.

"Tamo, apektado ka pa oh!" Sabi ko sa kanya habang naglalaro pa rin. Maya maya pa ay namatay din ako kaya sinara ko na yung laptop ko.

"Ano na? Di mo na sinagot yung tanong ko. May gusto ka pa rin ba kay Ligaya?" Inulit ko yung tanong ko.

"Pano kung oo? May magagawa ba ako?" Pabalang niyang sagot. Sabi na nga ba eh! Yung mga tingin pa lang niya eh.

"Ligaya!!" Sigaw ko para tawagin si Ligaya. Nagpanic naman bigla si Alex at muntik pa akong sapakin kaso biglang bumaba si Ligaya.

"Ano?!" Reklamo ni Ligaya.

"Gawa mo kong juice! Gawin mo nang dalawa para kay Alex." Malambing kong utos. Pinaikutan lang ako ng mata ni Ligaya at pumunta nang kusina.

"Ano ba?! Nasisiraan ka na ba ng ulo?!" Mahinang tanong ni Alex sa akin.

"Ano?! Tinutulungan na nga kita eh! Pagkakataon mo na to oh!" Bulong ko ukit sa kanya. Sakto namang bumalik na si Ligaya at pinatong yung dalawang basong juice sa coffee table.

"Salamat." Imik ni Alex. Mukhang aakyat ulit si Ligaya. Hindi pwede.

"Uh, Ligaya, pwede dito ka muna? Maglilinis lang akong kwarto, ha!" Paalam ko at pinaupo ko si Ligaya.

"Aba! Kailan ka pa natutong maglinis ng kwarto?" Natatawa niyang sinabi habang sinundan ako ng tingin paakyat.

"Ngayon lang! Sige ha! Wag kang aalis diyan ah!" Sabi ko kay Ligaya, sabay kindat kay Alex. Kayanin sana ni Alex to!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ligaya

Ok? So biglang naglinis si Ian ng kwarto niya na never naman niyang ginawa... Tapos naglalambing nang parang bata ang hayop... Something's fishy....

Nevermind! Pinabayaan ko na ang hayop. Gusto niyang maglinis? Edi go! Maglinis siya! Nang magkaroon naman siya ng pagkakaabalahan na makabuluhan imbis na naglalaro lang.

"Uh, Gaea, kasama kayo ng family mo sa Boracay?" Imik ni Alex. Nakakagulat tong lalaking to ah! Hindi naman kasi ako kinakausap neto eh. Never. Ewan ko nga eh. Akala ko dati, takot sa akin.

"Oo." Tipid kong sagot. Awkward. Kinuha ko na lang yung remote at binuksan yung TV.

OMG!!! Purefoods vs Brg. Ginebra!!! Buti pala binuksan ko eh! Hindi naman ako yung fan na OA na alam ko lahat ng game schedules nila eh. Kapag natsatsambahan ko lang na sila naglalaro, nanonood ako. Torn kasi ako! Purefoods o Ginebra?! Hindi ako pwede pumili!!!

"Alin ka?" Casual na tanong ni Alex. Wow! Ngayon ko lang nalaman na mahilig din to sa basketball. I heard kasi na he does taekwondo, at wala siyang hilig sa team sports.

"Both. I can't choose." Tipid ko ulit na sagot. Ohhhh!!! Ayan na sila!!!! Buti magsisimula pa lang!!!

"Pwede ba yun? Pano ba yan, sila magkalaban ngayon?" Tanong niya na parang di siya makapaniwala na pareho ang gusto ko.

"Pwede yun! Dati kasi akong makaginebra, pero dahil sa mga kaibigan ko, nagustuhan ko na din yung purefoods. Pero kapag magkalaban sila, may the best team wins na lang." Pag-eexplain ko. Tumango-tango na lang siya.

"Ikaw, alin ka?" I asked him. Para sa isang hindi basketball fan, ba't siya manonood ng laro na to?

"Wala. Hindi naman kasi ako mahilig sa basketball. Parang wala naman kasing sense yung paglalaro nila eh." He honestly told me. Maka walang sense naman to! Aray ko ah! Pero ok lang. At least honest.

"Tngna! Wala man lang tumawag sa akin!" Sigaw ni Ian habang pababa na ng hagdan. Luh!

"Kala ko ba maglilinis ka ng kwarto mo?!" Tanong ko agad sa kanya. Lumundag naman siya paupo sa sofa nila. Kaya nasisira yubg sofa nila eh! Nakakailang palit kaya sila within 5 years. Normally ang sofa, tumatagal ng 10 years kung alagang alaga.

"Maya na. Eto muna." Sabi niya sabay tutok sa laro. Kung ako torn, siya hindi. Ginebra siya. Actually, siya ang dahilan kung ba't ako nahilig sa basketball. Kaya nga ginebra ang first team na nagustuhan ko eh. Impluwensya niya kasi yun.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Badtrip naman oh! Sabi ko iiwanan ko silang dalawa para mag-usap eh! Kaso linipat bigla ni Ligaya yung TV sa basketball! Hindi ko na mapigilang manood! Ginebra pa man din! Kailangan ko talagang manood!

Fvck! Tambak ginebra! Last quarter na. Di na makakahabol to! Patay na!

"Yaaaayyyy!!!" Sigaw ni Ligaya at napatalon pa. Oo nga pala. Pareho nga pala ang gusto niya. Kahit alin manalo, panalo siya.

"Bente ko!" Bigla niyang sinigaw sabay lahad ng kamay niya. Kapag kasi natalo ako, magbabayad ako, ganun din siya. Eh sa case nito, wala siyang talo. Matic na yung bente, kahit anong mangayari, sa kanya mapupunta.

"Oh!" Sabay abot ko nung bente. Hindi ko kayang bitawan yung bente. Takte naman eh! Linipat pa! Triny niyang kunin yung bente pero di ko talaga kayang ibigay! Paubos na pera ko eh! Mahalaga ang bawat piso sa ngayon!

"Akin na!" Pinalupot niya yung kamay ko.

"Aaaahhhh!! Tngna! Oh ayan! Iyo na!" Amazona din kasi tong babaeng to eh! Hayop! Ang sakit nun!

"Kasi next time, bigay mo na agad! Hindi yung pabebe ka pa!" Banta niya sa akin sabay bulsa nung bente.

"Alex, dito ka na ba maghahapunan?" Tanong ni mama.

"Ah, hindi na po, tita. Aalis na rin po ako." Nakangiting sabi ni Alex kay mama. Plastic! Sa loob loob niyan. Kabado na nagseselos na yan sa amin ni Ligaya.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

"Uh, Ligaya, pwedeng ikaw na lang maghatid kay Alex palabas? Naudlot kasi yung paglilinis ko eh. Itutuloy ko lang." Malambing na tanong ni Ian. Kapag ganyan, wala nang ayawan diyan. Hindi niya kasi ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag.

"Nako, hindi na. Gabi na rin kasi. Kaya ko naman." Pagtanggi ni Alex. Hinigit ko na siya palabas ng bahay nila Ian.

"Alam mo, wag ka nang tumanggi. Ipapahamak mo lang ako kay Ian niyan eh!" I told him at nauna nang lumakad.

"Teka lang!" Habol niya sa akin.

"Ano ba talagang meron sa inyo ni Ian?" Tanong niya sa akin. Natawa naman ako sa tanong na yun. Grabeh ah!

LigayaWhere stories live. Discover now