Chapter Twenty-Four

149 6 0
                                    

Ian

She slapped me.

Hindi ko ineexpect na ganun ang magiging reaction niya sa akin. Nagrespond siya eh! Nagrespond siya sa halik ko?!! Pero ba't niya ako biglang sinampal?!

"Ligaya, sandali. Ligaya!" I tried to stop her. After niya kasi akong sampalin, nagwalk-out na siya.

"Ano ba?! Ano bang kailangan mo?!" Nagsimula na siyang maluha. Tngna?! May ginawa ba akong masama?

"Ligaya, what's wrong with you? Wala naman akong ginagawang masama ah?!" Hindi ko napigilang tanungin siya.

"Walang kang ginagawang masama?! Oh, Ian! Wag ka ngang mag maang-maangan! Alam ko kung pano ka mambabae! Alam ko kasi kilalang-kilala kita. Yung ginawa mo kanina, tactics mo yun eh!" Sinigaw niya sa akin at nagwalk-out ulit. What the fvck?! Pambababae ko? Kung alam lang niya na tinigilan ko na yun simula nung marealize kong mahal ko siya.

"Ganito ba ako sa mga babae ko?" Tanong ko sa kanya nang mahawakan ko siya.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

He leaned in and kissed me again. He was more passionate and full of sincere emotions. Alam ko naman na hindi niya ako ginagawang koleksyon niya ng mga babae. Alam kong hindi niya ako linoloko.

Pero ako. Kung papayag ako sa gusto niya, siya ang linoloko ko. May mga bagay na hindi pa niya nalalaman. Mga bagay na di ko alam kung matatanggap niya o hindi. At di pa ito ang oras para malaman niya (at ninyong mga readers) ang totoo.

After the kiss. Hindi na ako umimik. Hinila na niya ako papunta sa sasakyan at inuwi na ako.

Wala pa ring imikan. Hanggang sa matutulog na kami. Magkatalikod kami. For some reason, my insomnia is kicking in again. Hindi na naman ako makatulog. After a while, naramdaman ko siyang lumapit sa akin.

I wish I could just tell you.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

The week ended fast. Ayoko pa sanang bumalik ng Manila pero kailangan. Magsastart na kasi akong magtrabaho sa kompanyang pinag-applyan ko pagkagraduate ko.

"Are you sure di ka namin mapipilit ngayon na?" Tanong ni ate Rica kay Ligaya. Pinipilit niya kasing magbakasyon naman sa Manila si Ligaya.

"Grabeh naman ate Rica, now na talaga! Don't worry, magkakaroon din ako ng time para bumisita." Assurance niya.

"And that won't be long. Siguro mga next next week right?" Dagdag ni tito Craig. Tumango at ngumiti si Ligaya. Next next week?

"That means, uuwi ka sa bahay niyo noh?" Hindi ko na napigilang magtanong. Napatingin siya sa akin at tumango din. Nawala naman yung ngiti niya.

Great! May chance ako! Maganda toh! My work can wait. Actually, ako lang naman ang hinahabol nila kaya pwede akong magpaimportante. Sila naman ang mawawalan kung di nila ako aasikasuhin eh. Pinag-aagawan kaya ako ng nga kompanya!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Nang makadating na kami sa Manila normal naman na ulit. Pero ang hindi ko kayang pigilan ay ang pag-aanticipate sa pagdating ni Ligaya.

Two weeks was hell! Grabeh ang tagal! Buti at nakaraos din! Gumising talaga ako ng maaga para lang masalubong si Ligaya. I heard a car pass by at tumigil sa bahay nila Ligaya. That must be her.

Paglabas ko ng pinto, I saw her getting out of the passenger side at may kasamang lalaki. He doesn't look familiar. Hindi ko siya nakita na nakipag-usap man lang kay Ligaya nung nasa Baguio kami. Who is he? At anong ginagawa niya kasama si Ligaya?

Hindi na ako lumapit at nagpakita. Inobserbahan ko na lang sila from my doorstep. Kinuha niya yung mga gamit ni Ligaya at pumasok sa bahay nila. Sino ba talaga siya?!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

"Nako! Wag na po, ayos lang ho ako." Paalam ni Damion. Damion's my doctor and my friend. Nakilala ko siya sa Baguio nung dun siya nag-apply for internship. Ngayon at nakapagtapos na siya at certified doctor na siya, siya na ang kumakamusta sa kundisyon ko. That's the reason why I'm back here in Manila.

"Sige na, Damion. You've been a big help sa anak namin kaya stay until dinner na. Please." Paki-usap ni mama. Dumaan lang kasi talaga ako sa kanya para sa check-up ko. Tapos nagvolunteer siyang ihatid na rin ako dito sa bahay.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

After dinner, sunod naman na prinoblema ni Mama kung paano uuwi si Damion. Ang drinive kasi niya kanina ay yung kotse ko. Ang kulit kasi! Sabi kong kaya ko na eh!

"I know! Ipapahatid na lang kita sa inaanak ko. Sandali lang ah!" Sabi ni Mama at dali-daling lumabas ng bahay. Inaanak.... Ptngna! Wag mong sabihin sa aking si Ian?! What if he finds out?! What if magtanong yun?! What if saktan niya si Damion?!

"Hindi! Ako na! Ako nang maghahatid sayo!" I suggested bago pa makalabas si Mama. Napatingin naman siya sa akin.

"Anak! You should just rest. Kakagaling mo lang sa mahabang biyahe!" Sabi ni Mama. Wala na akong magagawa dun. Alam ko namang kapag pumalag pa ako, baka masapak lang ako ng nanay kong yan!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Humingi ng favor si tita Mi na ihatid ko daw yung lalaking yun sa kung san man niya kailangang makarating. Here's my chance! Swerte ko talaga!

Pinakilala kami ni tita Mi sa isa't isa. So he's a doctor?!

"Damion." He offered his hand. I took it and told him my name.

"Ian. So san kita ipagdadrive?" I asked right away para makaalis na agad.

"Uhm, sa st. Lukes pa ako eh. Kahit hanggang station na lang." Sabi niya. By station, he meant, MRT o LRT station.

"Hindi! Sige na. Hahatid na kita hanggang dun sa st. Lukes." I need more time to fish out information from him.

"O-ok sige. Thanks." Medyo naawkwardan niyang sinabi at sumakay na sa sasakyan. Bago naman akong umikot papuntang driver's seat, tumingin muna ako sa window sa kwarto ni Ligaya. Nakasilip nga siya. I know now na may tinatago siya sa akin. Kilala ko na siya. Alam ko kung may ayaw niyang malaman ko.

Itinataga ko sa bato, bago man makababa yang Damion na yan, malalaman ko din kung ano man ang kaugnayan niya sayo, at kung anong tinatago mo sa akin.

LigayaOn viuen les histories. Descobreix ara