Chapter Seven

221 4 0
                                    

Gaea

"Ligaya. Uy! Ligaya! Gising na! Kakain na uy!" Gising sa akin ni Ian. Uugggghhhh!!! Wala pang limang minuto yung tulog ko eh!!!

"Five minutes." Groggy kong sinabi. Ayoko pang gumising!

"Ayan kasi! Puyat pa more ha!" Sermon niya sa akin.

"Five minutes pala ha!" Sabi niya sabay hawak sa akin at buhat. Napadilat ako ng wala sa oras. Badtrip!! Kama!!! Kama!!! Mamimiss kita!!!

"Ian!!!!!!!!" Yun na lang naisigaw ko at nararamdaman ko na ibinababa niya ako ng hagdan.

"Ma! Eto na ang prinsesa!" Tawag niya kay tita sabay dala sa akin sa dining area. Inupo niya agad ako sa upuan ko at naupo na rin agad sa upuan niya.

Mukhang napilitan lang akong pababain neto para makakain na siya ah! Lumalamon na kasi ang hayop.

"Gaea, ba't naman kasi nagpuyat ka kagabi? Ayan, di ka tuloy makagising ngayon. Anyway, yung bilin ko sa inyo ah! Ian." Paalala ni tita Sol sa amin ni Ian. Tumango lang siya at ako ang sumagot ng maayos.

Mukhang gutom na gutom nga sila ni tito Jym. Kaya pala nagmadaling ibaba ako. Ayaw kasi ni tita Sol na kakain kami ng di kumpleto eh. Yung tipong, kahit bisita ka lang, required ka pa ring makisalo.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Malapit lang yung mall dito sa amin kaya walang problema ang paggogrocery. Hinahayaan na rin ako ni Papa na gamitin yung kotse na inilaan niya para sa 18th birthday ko kaya yun ang ginamit namin.

Hanggang sa makarating kami sa mall, nakikipagtalo pa rin ako sa kanya. Ang gusto kasi niyang mangyari, manood muna ng movie. Eh ayoko.

"Aaauuuuhhhhhhhhh!! Sige na Ian!" Pilit niya sa akin nung makababa na kami ng kotse.

"Kaya mo ba ako pinagdamit ng parang malayo ang pupuntahan para lang diyan sa plano mo?!" Pang-uusisa ko. Siya kasi pumili ng susuotin ko. Bwisit nga eh. Pinili pa niya yung pangpick up ko ng babae eh!

[See photo para sa damit nilang dalawa ;)]

"Eeehhh!!! Sige na!! Ian naman eh!" Nagmamakaawa na talaga siya. Ginagamit na kasi niya yung puppy dog eyes at pouty face niya eh.

"Fine! Kung ayaw mo kong samahan, hahanap ako ng makakasama ko!" Sabi niya at balik ulit sa normal.

Sabay kaming pumasok ng mall. Akala ko naman nagjojoke siya sa sinabi niya pero bigla siyang lumihis ng daan. Pinigilan ko muna siya. Pano ako uuwi kung ganyan siya?!!

"San ka pupunta?" Masungit kong tanong sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at sinungitan na naman ako.

"Tinawagan ko si Alex. Nandito din daw siya. He's into it kaya sasamahan niya ako. Kahit maggrocery ka na at iwan mo na ako. Kaya ko namang umuwi mag-isa eh." Masungit niyang sinabi na para bang walang pakelamanan ng trip.

Si Alex lang naman pala. Kala ko naman kung sino na. Well, kung siya lang naman pala, edi sige! Go lang!

Humiwalay na siya sa akin at dumeretso na ako sa grocery. Nakaisang oras din ako sa grocery. Ang hirap ng wala si Ligaya! Badtrip! Sobrang dami kasi ng pinabili ni mama eh. Siyam kasi kaming pupunta sa Boracay, kaya napakadaming pagkain ata ang lulutuin ni mama at mga snacks din para sa biyahe and whenever we want to eat.

Nung naisakay ko na sa sasakyan lahat ng pinamili namin. Hidni ko maiwasang isipin kung isasabay ko ba si Ligaya o papabayaan ko na ba siya kay Alex.

Sabi naman niya kaya na niyang umuwi mag-isa.... Fine! Makauwi na nga.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

P

ag-uwi ko, tinulungan ko lang si mama sa pinamili ko at nang tanungin niya kung nasan si Ligaya, sinabi ko na lang na may nakita siyang mga kaibigan niya kaya hinayaan ko siyang manood ng movie kasama sila.

Natapos na namin ni mama iligpit lahat ng pinamili namin nang makarinig kami ng motor sa labas ng bahay.

Lumabas ako para tingnan, sila Ligaya at Alex lang pala. Tiningnan ko na lang sila sa malayo. Si Alex, mukhang ok na. Si Ligaya naman, awkward at bakas sa mukha ang pag-aalinlangan.

They bid goodbye to each other. Pumasok na rin si Ligaya, sa wakas!

"Kamusta naman?" Tanong ko habang papasok na siya at sinara ko na rin yung pinto.

"Ok naman." Blanko niyang sagot at umakyat na agad. Ayan na naman siya?!! Ano na namang nangyari?!

Pero the way Alex looked a while ago. Hindi yun yung seryosong Alex na kilala ko. Iba yung tingin na yun eh. Eh! Nevermind! Tsaka ba't pa ako mag-aalala! Si Alex yun! Ilang taon din niyang gustong pormahan si Ligaya! Ba't naman siya gagawa ng masama diba?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

He's definitely different. Hindi siya yung tipo ng lalaking gusto ko. Well, hindi naman sa hindi gusto. Feeling ko kasi, ang mga katulad niya, yun yung mga hindi ako maiintindihan.

Masyadong clingy na sweet na ewan. Kung sa ibang babae, dream guy nila yung ganun, pwes ako hindi! Mas gusto ko yung cold! Mas kita mo kasi yung totoong emotions nila kesa sa sweet. Malay mo kasi, sweet sila kapag kaharap ka, pero sa loob-looban nila, may binabalak na palang masama.

"Iiihhhhh!!! Ligaya!!!" Pasok ni Ian sa kwarto ko. Ang bakla ah! Tsaka di man lang kumatok!? Malay mo! Nagbibihis pala ako!

"Ano?!" Naiirita kong tanong sa kanya. Nakahiga kasi ako sa kama. Nagpapahinga lang, tapos guguluhin niya ako!!!

"Anyareh na sa inyo ni Alex? Kwentuhan mo naman akooooo." Parang tsismosang kaibigang babae. Ang bakla talaga niya pagdating sa ganitong usapan!

Kinuwento ko naman sa kanya lahat. Pati nga yung attempt ni Alex na hawakan yung kamay ko at akbayan ako eh. Pero syempre, attempt fail siya. Hindi ako papayag na sa nagsisimula pa nga lang siya, papayagan ko na agad siyang hawakan ako. Huh! Swerte naman niya kung ganun!

"Ayan! Good girl!" Puri ni Ian. Sabay pet sa ulo ko. ano ako? Aso?! Hmp!

"Aarrgghh!!! Hindi ako aso! Baliw! Tsaka hindi ba normal naman maging ganun!" I pointed out.

"Haaaaayyyy. Tsk, tsk, tsk. Ligaya, Ligaya, Ligaya. Buti hindi ka nakikisabay sa pagbabago ng henerasyon ngayon. Ang mga babae kasi ngayon, basta gwapo at mukhang mabait, tapos medyp sweet at gentleman pa, papatusin na. Buti hindi ka ganun!" Puri niya na medyo sarcastic. Wow ah! Alam na alam niya!

"Pano mo naman-- teka! Isa ka dun sa mga ganung lalaki noh!" Panghihinala ko. He just chuckled and denied it right away. Baliw talaga to! Kitang kita naman eh! Itsura pa lang. Imposibleng hindi siya ganun. Hindi lang kasi ako yung tipo ng babaeng magugustuhan niya kaya never ko pang nakita yung side na yun.

LigayaWhere stories live. Discover now