Chapter Fourteen

145 4 0
                                    

Gaea

Okay?!! Sige! Binuhat niya ako papuntang cottage house. No big deal. Di naman kailangan bahiran ng malisya yun.

Pero eto ding kasing dress na binili ni Mama eh! Sino ba kasing nagimbento nito at itetape ko yung legs niya! Hindi ka makakalakad ng maayos kasi masyadong constricting yung skirt eh!

"Magbibihis na ako. Baka gusto mo na ding magbihis?" Tanong niya nung nag-aayos ako ng gamit ko. Sabay kasi kami magbihis. Oh! Wag kayong masyadong ano ha! Sa CR ako nagbibihis tapos siya dito lang. Mas nauuna kasi siyang matapos kesa sa akin.

"Bumili ka na ba ng souvenirs?" Tanong niya nang makalabas na ako ng CR.

"Uh, oo. Nabilan ko na rin yung nga friends ko." Sagot ko sa kanya. Nag-aayos na rin siya ng gamit. Aalis na kasi kami bukas. First thing in the morning.

Pareho kaming nagprepare nang matulog at nahiga na. Ewan ko, pero di ako makatulog.

It felt like forever pero hindi pa rin ako makatulog! Arrrggghhh!! Kainis! I turned to the side of the wall. Kainis naman oh! Ba't ba kasi ganito?!

Bigla na lang akong may naramdaman na bumalot sa waist ko. Si-si Ian? Tulog na kaya to? Pero yung pagyakap niya, it felt warm, cozy. It felt like home. Hindi ko maexplain yung feeling eh. Basta ganun. Nakatulog din ako pagkatapos ng nahabang oras ng pagiging uneasy.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Nang makarating na kami sa Manila, kila tita Mi pala talaga yung van na ginamit namin sa Boracay kaya imbis na plane, roro gamit namin.

Medyo mahaba tuloy yung biyahe namin kasi nang makarating na kami sa Batangas, long drive bago makarating ng Manila. Pero at least nairaos din.

Naka-uwi na kaming lahat. Haaaayyy!!! Sa wakas!! Kwarto ko! Ang sarap sa feeling na nandito na ulit ako sa kwarto ko!

Nakarinig ako ng katok sa dingding sa may study table ko. Yung study table ko at study table kasi ni Ligaya, magkatapat lang. Mukhang nandun siya.

Naupo ako sa may study table ko at kumatok sa kanya. May walky-talky din kami. Yung katok kasi ay sign kung gising ba yung isa or kung gusto bang makipag-usap ganun.

"Saka ko na lang ibabalik yung shirt mo. Pagnalabhan na." Sabi niya.

"Sige." I replied. Natapos dun yung usapan? Usually, humahaba pa eh.

"Good night." Biglang tumunog ulit yung walky-talky nung papunta na akong kama ko ulit. Hindi ko na sinagot. Iba na kasi to. Hindi na to yung normal na relasyon namin ni Ligaya. Jusme! Ano ba tong pinapasok ko?!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Hulaan niyo kung pano natapos ang summer namin? Ganito lang naman kasi yan. Iwasan, walang usapan na malalim. Ganun! Halatang iniiwasan na rin niya ako. Kapag iaapproach ko siya, siya na mismo lumalayo.

Ewan ko. Hindi naman dapat ako affected. Hindi naman dapat ako nakakafeel ng slight emotional pain. Hhuuuggghhhh! Kainis! Di ko na maintindihan yung sarili ko!

So first day na naman ulit. Hindi na bago pero, naeexcite pa rin ako. OA diba? Eh last year ko na sa junior high eh! Syempre nakakaexcite! Kami na ang titingalain ng lahat!

"Gaea!" Tawag sa akin nila Ria. Mga kaibigan ko. Si Ria, Francine, at Layla. Ever since nung mapunta ako sa cream noong grade 8, sila na ang nandyan para sa akin. Para na kaming magkakapatid.

"Uy! Nakita niyo na yung list?" Tanong ko. Yung list na tinutukoy ko ay yung list of sections.

"Hindi pa, malamang! Hinihintay ka namin eh!" Ria exclaimed. Sabay-sabay na naming tiningnan yung list. Sanay akong nahuhuli kaya pinauna ko na silang tingnan. Sabay-sabay naman silang lumingon sa akin. Biglang nag-iba yung expression nung mukha nila.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Kinabahan naman ako nang tumingin ulit sila sa list kaya tiningnan ko na......

Wala na ako sa cream. Napunta ako sa section B. Sabi na nga ba eh. Last year kasi, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko kinakaya yung workload kaya nasestress ako masyado at nagfefail sa mga subjects ko.

"Gaea!" Malungkot na sinabi ni Francine. I just gave them a smile. Hindi naman end of the world to! Etong mga to talaga!

"Kayo naman! Section lang naman to! Magkikita pa rin tayo tuwing umaga, break, lunch, at uwian! Isang taon lang naman! OA niyo ah!" Pagcocomfort ko sa kanila.

Tiningnan ko ulit yung list at nakita kong kaklase ko si Ian. Well, at least may kilala ako. Napansin ko din na kaklase ko ang ultimate crush ko dati nung grade 7 ako.... Paul ang pangalan niya. Ultimate crush na nagfail din. May girlfriend kasi siya nun. Hanggang ngayon ata? Ewan ko. Di ko na alam. Wala na akong paki sa kanya eh. Di ko na kasi siya crush. Pero who cares!

Nakita ko din yung mga naging kaibigan ko nung grade school ako. Buti na lang, kahit papano, madami akong kakilala sa section na to. Di naman ako gaano kawawa.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Kasama ko si Richard sa section na to tapos sa ibang section naman sila Alex at Marcus. Pinaghiwalay pa kami! Badtrip!

May nakita akong babaeng natutulog sa isang tabi at may dalawang bakanteng upuan sa tabi niya. Wala nang ibang bakante kaya dun na kami umupo ni Richard.

"Good morning class." Pasok nung teacher at tumayo kaming lahat para batiin siya. Di naman bago yung teacher kaya kilala namin siya. Tumayo din yung katabi ko pero di ko na siya napansin.

Pag-upo naman namin, chineck na agad nung teacher yung attendance namin. Ilang pangalan na ang natatawag. Yung iba, mga kaklase ko last year. Yung iba naman, kilala ko na talaga. Mga naging kaklase ko na in the previous years at nung grade school din. Wala namang bago sa amin kaya walang dapat kilalanin.

"Lazaro, Ligaya Hermila." Tawag nung teacher. What the fvck?! Si Ligaya?! Nagtaas ng kamay yung katabi ko. Napalingon ako. Fvck?! Si Ligaya nga!

"Anong ginagawa mo dito?" Pabulong kong tanong agad sa kanya. Napalingon naman siya sa akin. Mukhang di rin niya alam na magkatabi pala kami.

"Eh kung dito ako napunta eh!" Pabulong niyang sinigaw sa akin. Ugh! Iniwasan ko na nga siya eh! Magkaklase pa kami ngayon?! Aba magaling!!!

"Humilde, Fabian Lou." Nagtaas na lang ako ng kamay at humalukipkip na lang. Badtrip naman oh! Di na ako nakatakas!

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon