Chapter Thirteen

157 8 0
                                    

Ian

Mukhang nalaman na ni Ligaya yung purpose ni Alex ah. Nageskandalo kasi yung dalawa sa may poolside.

Well, mabuti na rin yun kesa sa magtiwala sa kanya si Ligaya o kaya naman madevelop pa sa kanya si Ligaya.

Pumunta ako sa kinauupuan ni Alex. Gusto ko siyang makausap.

"Alam mo, Alex, g@go ka. Gag@guhin mo pa si Ligaya eh alam mo namang kababata ko yun. Mahalaga sa akin yung babaeng yun kahit ganun yun." Mahinhin kong sinabi at inamin sa kanya.

"Alam ko. Kaya nga ginawa ko yung ginawa ko eh. Narealize ko kasi, kung seseryosohin ko siya, talo pa rin ako. Ikaw lang kasi yung lalaking ganun niya itrato eh." Sabi niya na para bang ang laki nung sinacrifice niya.

"Gusto ko talaga siya, Ian. Seryoso ako dun. Pero kung di naman niya ako kayang gustuhin, ba't ko pa pipilitin diba?" Kalmado lang niyang inamin. Mali pala ako  minsan lang pala g@go tong si Alex. Mabait naman talaga siya kung seryoso siya eh.

"Sorry. Najudge ka namin. Pero bakit? Ba't mo naman naisip na di ka niya magugustuhan?" Hindi ko naiwasang magtanong.

"Hindi mo ba pansin na naiinis siya kapag clingy ako? Tsaka pansin mo din ba na mas gusto niya ng cold shoulder mula sa lalaki? Kaya nga lagi siyang nagpapapansin sayo eh. Kapag ako naman kasi, lagi akong nagpapapansin sa kanya at naiinis ata siya sa ganun." Natawa siya nung sinabi niya yun. Bale, totoo naman. Lagi ngang KSP yun si Ligaya sa akin.

"Hindi niyo man aminin, pero mukhang meron nga talaga kayong kakaibang feelings para sa isa't isa na di niyo pa nadidiscover eh." Sabi niya. Muntik na ako mabulunan sa juice na iniinom ko.

"G@go! Anong feelings?!" Pagdedepensa ko. Tumawa lang siya at nanahimik na kaming dalawa. Buti na lang at nagkalinawan na kami. Pero yung sinabi niya...  Lalo tuloy akong napaisip. Tatlo na silang nagsasabing may special feelings ako para kay Ligaya. Pero meron nga ba?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Kinausap ako ni Ian at inexplain niya ang lahat ng tungkol kay Alex. I was wrong. Hindi naman pala siya gano kasama, pero bakit niya kailangang palabasin na masama siyang tao.

Pero ang paghinalaan din na may namamagitan sa amin ni Ian, thats just absurd. Kahibangan lang yung assumption na yun!

"So, ok ka na ba?" Tanong ni Ian. Tumango lang ako sa kanya. Ngumiti na rin ako.

"Ayan! At least kampante na ako na di ka hahagulgol mamayang gabi. Gusto ko pa namang matulog ng maayos sa huling gabi natin dito sa Boracay." Sabi niya na para bang burden ako.

"Kala ko ba magpaparty kayo ng mga katropa mo?" Tanong ko sa kanya. He just smiled.

"Hindi na. Tinatamad na ako eh. Matutulog na lang ako." Sabi niya. Haaayyyy. So sabay kaming matutulog? Oh sh1t! Ba't parang kinabahan naman ako bigla? Hindi naman to ang first time na magkatabi kaming matulog? Ba't ganito?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Medyo umayos na ang atmosphere naming lahat. Hindi na nag-iiwasan sila Alex at Ligaya. Magkatabi nga sila ngayon sa table eh.

"So, tomorrow, uuwi na tayong lahat." Panimula ni tita Mi habang sineset-up yung table. Naghiyawan naman yung mga kaibigan ko na parang malungkot.

"Oh boys! Isang linggo lang naman talaga tayo dito eh." Dagdag ni mama. Mga baliw talaga tong mga lokong to.

"Pero kamusta naman ang bakasyon na to para sa inyo?" Tanong ni papa na kasama naming naka-upo. Si tito Craig kasi yung nag-iihaw nung pagkain namin eh.

"Ok naman po." Sagot ni Alex.

"Well, mukha namang nag-enjoy kayong lahat. Ah! Gaea, may binili nga pala ang Mama mo para sayo." Sabi ni tito Craig. Naging curious naman yung expression naming lahat, lalo na si Ligaya.

"Oh! Buti pina-aalala mo Craig! Eto, come with me." Hila ni tita Mi kay Ligaya at nawala saglit. Whut?

"Ano naman yung binili ni tita?" Tanong ko sa kanila.

"Well, may nakita kasi kami ni Mi na dress. Di naman pwedeng kami ang magsuot kaya binili namin para kay Gaea." Explain ni Mama. Ano naman kaya itsura nung dress kay Ligaya?

After a while, malapit nang maluto ni tito Craig lahat ng kakainin namin.

"We're baaack!" Pakantang sinabi ni tita Mi. May dala silang ilaw dahil medyo madilim ang daan pabalik sa kabihasnan. Medyo malayo kasi yung place na napili nila para magdinner.

[See photo for her outfit]

Kasunod niya si Ligaya. White dress. Two-piece dress siya. Lace top at maxi skirt. Mukhang brinaid din ni tita yung buhok niya. Ang ganda. Bagay na bagay sa kanya.

"Ayan! Dalaga na nga ang anak ko!" Exclaim ni tito Craig. Napangiti na lang si Ligaya. Ayaw niya ng attention sa mga ganitong pagkakataon kaya tahimik lang siya at umupo na sa pwesto niya kanina.

Gusto ko sana siyang icompliment, kaso, ibibigay ko na lang yung chance na yun kay Alex. Pinaggigitnaan namin ni Alex si Ligaya kaya maririnig ko kung may sasabihin man sa kanya si Alex.

Matatapos na kaming kumain pero hindi pa rin cinocomplement ni Alex si Ligaya. What is he waiting for? Eto na nga yung chance niya eh.

Wala! Hanggang sa maglakad na kami pabalik, wala pa rin siyang sinabi. Aba! Nahiya ang loko! At hindi lang yun ah! Nauna talaga siyang maglakad!

Mukhang iniiwasan na nga niya talagang magkaroon sila ng chance ni Ligaya. Si Ligaya naman, hirap na hirap maglakad sa suot niya. Ang haba daw kasi.

"Edi sana di ka pumayag?" I told her. Tinutulungan ko siya ngayong lagpasan lahat ng hahakbangan niya. Mahirap din daw kasi.

"Ano namang magagawa ko? Alam mo naman si Mama, kapag may gusto, kailangan masunod." Reklamo niya. Ay jusme! Muntik na siyang matapilok. Buti nasalo ko.

"Alam mo, stand still." Utos ko sa kanya at binuhat ko na siya. Mas madali to kaysa sa mabagal niyang paglalakad. At least mas mabilis kaming makakabalik.

"Ian, Ian, ibaba mo ako. Ok naman na, kaya ko." Sabi niya. Pero ayokong paniwalaan yun. Di ka nga makalakad ng maayos kanina, now you expect me to believe you?

"Just shut up. Baka may makakita pa satin sa ingay mo." Sabi ko sa kanya ng pabulong at dumeretso na sa cottage house.

LigayaWhere stories live. Discover now