Chapter Five

211 6 0
                                    

Gaea

"Wala! Ano bang dapat meron sa amin?" Natatawa ko pa ring sinabi kay Alex.

"Wala... Eh magkapitbahay kasi kayo, tapos magkaibigan pa parents niyo. Ngayon nga lang namin nalaman na kahit papano, nag-uusap pa rin kayo eh." He gave out his reasons.

"And so?" Anong point niya?

"And so... Wala ka bang nararamdaman para sa kanya? O kaya naman, may nararamdaman ba siya para sayo?" Nahihiya niyang tanong.

"Ano ba?! Wala nga! Ang kulit! Eto ang isa pang dahilan kung bakit hindi kami nag-uusap na ni Ian eh. Puro intriga at tsismis na lang kasi inaabot namin na kesyo kami or may isang may gusto dun sa isa. Ano ba naman?! Hindi ba pwedeng magkababata kaming dalawa?!" Reklamo ko! Yun kasi yung dahilan kung bakit naging malayo ang loob namin sa isa't isa.

"Chill! Ok! Gets ko na. Di na kita kukulitin tungkol dun.... Pero if that's the case..... Edi pwede akong manligaw?" Tanong niya. Napatigil naman ako sa paglalakad. Siya naman medyo nauna ng paglakad pero binalikan ulit ako.

Ligaw..... Tama ba yung narinig ko?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

"Ian, ba't mo naman hinayaan si Gaea. Baka mapano yun!" Sita ni mama.

"Ma, wag kang mag-alala, baka si Alex pa ang mapano lalo't kasama niya si Ligaya." I assured her.

"Hindi naman sa kaibigan mo! Syempre kapag pabalik na siya! Ang dami kayang manyak at tambay sa tabi tabi!" Paalala ni mama.

"Fine! Susundan ko na." Sabi ko at tumayo na. Kinuha ko yung slippers ko at lumabas na ng bahay.

Feeling ko naman kaya na ni Ligaya to. Hindi naman gaano kalayo yung bahay namin sa gate ng subdivision eh.

Habang naglalakad, nakakita ako ng familiar na anino. Si Ligaya na ata yun.

"Ang bilis mo ata?" Tanong ko. Hindi siya umimik at tiningnan lang ako. Tapos dumeretso na din siya ng lakad. Anong nangyari dun?

"Uy! Ok ka lang?" Tanong ko nung makahabol na ako sa kanya. Hindi pa rin niya ako iniimik. Para bang hindi niya ako naririnig.

"Ligaya! Ano?! Ok ka lang ba?!" I snapped her out of it. Mukhang nagulat naman siya at bumalik sa ulirat niya.

"Huh? Ah, oo. Ok lang ako. Masyado ka namang kabado eh!" She laughed me off at nagpatuloy sa paglalakad. May kakaiba sa kanya....

Nakapgdinner na at lahat-lahat, di pa rin siya madaldal. Weird talaga. Parang may malalim kasi siya iniisip eh. ano naman ang posibleng sasabihin sa kanya ni Alex para magkaganyan siya?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko yung tanong ni Alex. Alam kong dapat madali lang yung sagot dun, pero sa akin kasi hindi eh.

Bigla akong hinigit ni Ian papasok sa kwarto niya. Minsan ang sarap kasuhan netong lalaking to ng violence against women eh!

"Ano ba?!!" Iritado kong tanong sa kanya. Hinarangan niya yung pinto para di ako makalabas ng kwarto niya.

"Hindi ka lalabas dito hangga't di mo kinukwento sa akin kung anong nangyari nung hinatid mo si Alex." Pagbabanta niya sa akin. Ah ganun ah!

Tiningnan ko siya ng masama sabay tulak at triny kong makalabas. Unfortunately, di kinaya ng powers ko. Naharangan pa rin niya yung pinto at nahagis niya ako sa kama niya.

"Magkukwento ka o hindi?" Banta ulit niya. Wala na akong magagawa.

"Haaaaaaaaahhhhhh. Fine!" Wala na akong nagawa kundi pumayag. Kinuha niya yung upuan niya sa study table niya at iniharap sa akin.

"Kasi, diba, sabi mo ihatid ko siya? Eh alam ko naman na wala akong choice dun kasi kapag tumanggi ako, baka ipasakmal mo ako sa aso." Panimula ko. Tumango lang siya.

"Well, habang naglalakad nagkausap kami. Nung una, iniintriga niya ako tungkol sa kung anong namamagitan sa atin." Dagdag ko. Tumango lang siya ulit.

"Tapos nung nandun na kami... Since naconfirm niya na walang namamagitan sa atin.... Nagtanong siya." Napatigil na ako dun. Bigla namang nagbago yung expression ng mukha niya.

"Anong tinanong niya?" Tanong ni Ian.

"Kung, ano ba daw... Kung pwede daw ba siyang manligaw." Medyo di na ako mapakali sa thought pa nga lang nung nangyari, ang ikwento pa kaya! Nagulat naman si Ian tapos biglang tawa.

"Anong nakakatawa?!" Sinigawan ko siya. Nakakaoffend ah! Parang wala akong karapatan matanong ng ganun?! Kainis!

"Talaga?! Nagawa niya yun?! Iba talaga yun?!! Eh ano namang sagot mo?" Tanong niya pagkatapos tawanan yung ginawa ni Alex.

"W-wala. Binalik ko sa kanya yung tanong." Sabi ko kay Ian.

"Anong tanong naman yung binato mo?" Pang-uusisa niya.

"Na kung sasabihin ko bang 'ayoko pang magpaligaw' hindi ba siya manliligaw? Syempre kung gusto talaga niya ako, itutuloy niya kahit ayaw ko. Kaya wala sa akin yung desisyon dun." Honest kong ikinuwento kay Ian.

"Ooooooowwwww!!!! Eh kung ganun naman pala, ba't parang bothered na bothered ka?!" Nagtatakang tanong ni Ian sa akin.

"Eh kasi naman! Siya yung unang lalaking manliligaw sa akin?! As in ligaw na pormal na ligaw?! Tsaka, isa pa, kaibigan mo siya.... Hindi ko alam kung sincere ba siya o trip lang niya ako." Medyo kinabahan na naman tuloy ako. Yun kasi talaga yung iniisip ko kanina pa.

"Eh ano naman kung siya yung una? Hindi naman ibig sabihin nun, kailangan siya na rin yung first boyfriend mo eh. Tsaka pwede mo namang ichallenge kung seryoso talaga yun sayo eh. Maniwala ka sa akin! Kapag di yan seryoso, titigilan ka niyan after, siguro mahaba na yung dalawang linggo." Advice niya sa akin. Tumango na lang ako. He smiled at me at ginulo yung buhok ko.

"Thanks. Good night." Sabi ko sabay alis na ng kwarto niya.

"Night! Tandaan mo yung advice ko ah!" Paalala niya bago ko pa masara yung pinto niya. Sana nga tama ka Ian.

Nakauwi na si Kuya Fabio sa condo niya sa Makati. Dun kasi siya nagtatrabaho. Tapos tulog na rin sila tito at tita. Haaaayyyyt... Wala na ako sa sarili ko! Kailangan kong maglibang!

Alam ko na! Buti may mga bago akong dinownload na mga horror movies! Magulo nga si Ian.

Trinansfer ko sa USB ko yung mga horror movies ko tapos kumaripas ako papuntang kwarto ni Ian.

Hindi pa siya tulog at gamit niya pa laptop niya. May sarili naman siyang TV dito sa kwarto niya. Kaya lang naman mas gusto niya sa baba manood ng basketball kasi mas malaki yung TV dun. Pero ok na rin naman na yung TV sa kwarto niya.

"Ian! Nood tayong movies!" Yaya ko sa kanya. Napakunot naman siya ng noo. Pero alam naman niyang wala siyang kawala eh! Bwahahahahahaha!!

LigayaWhere stories live. Discover now