Chapter Seventeen

117 5 0
                                    

Gaea

"Ligaya, Ligaya, giseng." Nakaramdam ako ng tumatapik sa kamay ko. Pagmulat ko, argh! Kainis! Maga yung mata ko! Di ko maimulat ng maayos.

"Lumabas ka na diyan, kumain na tayo." Kalmadong sinasabi ni Ian. Tama ba tong naririnig at nakikita ko? Si Ian? Biglang bait?

Lumabas na ako sa closet ko. Sinara ko yung pinto ng closet, bumaba at kumain na parang walang nangyari. Pero di ko pa rin kinakausap si Ian. He just kept on looking at me na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.

Pagkatapos naming kumain, nagligpit agad ako at naghugas ng pinggan. Kung ayaw niyang kausapin ko siya sa school, ba't di namin ipush! Wag na lang din kami mag-usap dito, o kahit saan, ever!

"Tulungan na kita." Kukunin niya sana yung pinggan na hawak ko pero iniwas ko.

"Wag na. Ako na. Umuwi ka na lang." Malamig kong sinabi sa kanya. Baka nga infatuation lang yung nararamdaman ko sa kanya and nothing more. Mawawala din siguro to.

"S-sige. Bye." Paalam niya. Hindi na ako sumagot at umalis na siya ng bahay. Haaaaayyyyy. Nakahinga rin ako ng maayos. Sa aming dalawa, siya yung may pinakamalaking pagbabagong naganap.

Sa sobrang pagbabago, di ko na kayang makipag-keep up. Di na pala kami talaga pwedeng maging magkaibigan. Ibang mundo na yung iniikutan niya. Iba din yung akin.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

She seems distant. Parang sinisimulan na niya ako iwasan. Hindi naman sa ayoko sa kanya, na nahihiya akong may makaalam ng tungkol sa amin sa school, hindi ganun. Ayoko lang na nadadamay siya sa kabulastugan ko, sa mga pambababae ko, sa mga gulong pinapasok ko.

Unlike her, wala pang dereksyon ang buhay ko. Di ko pa alam kung ano talaga ang gusto ko. Sa ngayon, kung hahayaan kong maging magkaibigan kami kahit sa school, sigurado akong mabubully siya ng mga babaeng pumapatasya sa akin. Ayoko naman nun.

I guess madaming paraan para hindi na ako maging burden sa kanya. Kinuha ko yung phone ko at may hinanap na pangalan sa phonebook ko. Eto na ang simula ng pagtatama sa buhay ko.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Umiiwas na ako. Seryoso na to ah! Umiiwas na talaga ako sa kanilang lahat. Ayoko nang mainvolve p sa kahit anong mess. Ian was enough mess.

Uwian na at plano kong magpalate na lang ng uwi. Kung maaga kasi akong uuwi, baka makasabay ko pa sila Ian.

Naglakad lakad na lang ako sa campus. Since maaga pa naman, may mga high school students pang naglilinger. Mga gumagawa ng assignments, projects, at yung iba tumatambay lang.

"B1tch!" May sumigaw galing sa likod ko. Paglingon ko pa lang, may napakalakas na force na lumapat sa kanang pisngi ko.

"N-nicole?!" Nagulat ako sa ginawa niya. Ba't niya ako sinampal?!

"You whore! Akala ko kaibigan kita! Yun pala mang-aagaw ka na! Ngayon, pakiexplain sa akin kung pano mo na-agaw si Ian?! You slept with him noh?! You b1tch?!" Galit na galit niyang pang-aakusa. What the fvck?! Anong pinagsasasabi niya?! I can't believe it. Pati siya, pag-iisipan niya ako ng ganun.

Hinampas-hampas niya ako, tinulak, sinabunutan, minura. Pero kahit ano pang gawin niya, di ko mapigilang maluha. Anong ginawa mo Ian?!

"Nicole?! Ano ba! Tama na!" Harang ni Ian at inilayo niya ako kay Nicole.

"Yan ba Ian?! Yan bang pinalit ko sa akin?! Eh mas masahol pa yan sa basura eh!" Galit na galit nang sinabi ni Nicole. Basura. Siguro nga basura ako. I've caused this much trouble, so bakit hindi?

"Nicole, inexplain ko na sayo diba?! Walang kinalaman si Ligaya sa break up natin!!" Galit nang isinigaw ni Ian sa kanya at plano niya akong dalin somewhere else. Pinigilan ko siya.

"Ligaya? Ligaya tara na." Hihigitin niya ulit ako pero pinigilan ko ulit siya.

"Ligaya?! May problema ka ba?! Kasi kung meron--" pinutol ko na yung sasabihin niya.

"Oo, Ian! Meron! At ikaw yun! Problema kita! Alam mo ba kung gaano kasakit ang maging parte ng buhay mo?!" Pasimula ko. Hindi ko na kasi kayang itago sa kanya yung totoo kong nararamdaman eh.

"Ligaya..." Nabulong niya.

"Sobrang sakit. Kasi tanga ako. I'm too naive, Ian. Nainlove ako sayo, tapos pinagtulakan kita sa isang babae. Pero alam ko sa sarili ko na sana ako na lang pala yun. Tanga ko diba?..... You know what? Tama lang din pala yun. Kasi di tayo talo. Magkaibang-magkaiba yung mundo natin. I can't keep up with you. Ikaw kahit anong mangyari, kaya mo. Ako? Fvck, etong nalipat nga lang ako ng section, parang gumuho na yung mundo ko. Kaya please, Ian, layuan mo na ako, we can never go back to just being friends. Kaya layuan mo na ako." Paki-usap ko sa kanya.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Umalis na siya at naiwan ako. Nasa gitna kami ng nadaming tao kaya for sure, nadaming nakarinig. Kahit si Nicole narinig niya. Mukha namang nalinawan siya sa nangyari at kumalma na.

Para akong masisiraan ng ulo sa nga nalaman ko. May parte sa aking masaya, pero meron ding lungkot. Hindi ko na maintindihan si Ligaya.

Hinabol ko siya kaso, di ko na siya naabutan. Nakauwi na siya. For sure, ayaw na niya ako makita pa kahit sa bahay nila.

Umakyat na agad ako sa kwarto ko at nagpahinga. Pano kung kumatok kaya ako? Tanga ka rin noh Ian?! As if naman na kakatok din siya?!

Naupo ako sa study table ko at natulala sa dingding. Pero pano nga kung kumatok nga siya? Triny kong kumatok........ Wag na pala. Sure naman ako na hindi niya na ako kakatukin..... Kahit kailan.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Pagkauwi ko. Wala akong ginawa kundi humiga sa madilim kong kwarto at mag-isip. Pano kung ganun din ang nararamdaman niya para sa akin? Posible nga ba? Baka tinago lang niya kasi magkaiba kami ng status sa school? Pero kung ganun, ba't niya shinota sa Nicole?!

Ba't ganun niya ako tratuhin?! Pero..... Arrgghhh!!! Ayoko na! Tama na ang kahihiyan na nadulot ko sa sarili ko!

Ok. Ganito na lang. Kung magpapakita siya sa akin, kakatok, tatawag sa walky-talky, I'll take that as a sign. Sign sa kung anu man! Kung hindi niya ako kayang mawala sa buhay niya, kung kailangan niya ako, o kung ayaw man niya sa akin, I don't care. Basta its a sign. Sa ganun, hindi na ako aasa pa na magkakaroon ako ng pagkakataon maging malapit sa kanya.

LigayaWhere stories live. Discover now