Chapter Eight

170 4 0
                                    

Ian

Mamayang gabi na yung flight namin papuntang Boracay. Ayos naman na lahat ng papeles para sa airport, pati yung sa nga kaibigan ko.

Mukha ngang walang ininvite si Ligaya sa mga kaibigan niya para sumama. Pero mukhang ieenjoy din naman niya kahit mag-isa siya kasi ang bigat ng maleta niya!! Parang pang isang taon yung bigat!

"Yung totoo? Balak mo bang magpaiwan dun?!" Reklamo ko habang sinasakay yung maleta niya sa sasakyan. Si kuya ang maghahatid sundo sa amin. Kaya ginawang gabi yung flights namin para mapaglaanan ng oras ni kuya. May van naman kasi siya eh.

"Shut up! Malalaman mo din pag nandun na tayo kung ba't yan mabigat." Sabi niya sabay sakay na sa van.

Saharap nakaupo sila mama at papa. Kami naman ng mga kaibigan ko at si Ligaya, sa likod.

Medyo matagal yung biyahe papuntang airport, pero kahit papano naman, nakarating din.

We went through all the safety measures ng airport, naka sakay, at nakapagland ng walang problema.

"Sol! Jym!" Sigaw ni tita Mi mula sa labas ng airport. Napansin naman naming lahat sila. Yumakap naman agad si Ligaya sa Papa niya at si Tita Mi naman kay mama.

"Mi, pahinga muna pagdating sa cottage house ha! Medyo pagod din kasi kami at walang tulog eh." Sabi ni mama habang sinasakay namin ng mga kaibigan ko sa sasakyan  nila yung mga gamit namin.

"Syempre naman. Kahit kami rin eh. Kakarating lang din. Medyo pagod din sa biyahe." Sabi ni tita Mi.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Pagdating namin sa cottage house, sinamahan kami nung resort manager.

"Ma'm, sir, meron po tayong one room with three single beds, at meron din po tayong three rooms with double beds." Pagtutour nung resort manager. What the fvck?!

"Uh, hindi ba pwedeng palitan yung isang double bed ng dalawang single beds?" Tanong ko agad.

"Sorry ma'm pero fully booked po kasi ang resort at wala na rin po kaming extra beds na available sa sobra na pong dami naming guests." Pag-aapologize nung resort manager.

"Well, in that case, kayo na lang ni Ian ang magsama sa isang room, ok?" Pagpaplano ni Mama. Ok lang sana na magkasama kami sa iisang kwarto pero ang magkatabi ng isang linggo? Tapos nandito pa si Alex? Ang pangit naman atang tingnan nun! Pero ok na rin pala. At least kampante ako na hindi ako mamanyakin habang natutulog.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

"Ako dun sa may wall, please!" Pagmamaka-awa ko kay Ian. Para kasing yung kama ko at kama ni Ian sa bahay namin eh. Nakadikit sa wall. Mas gusto kong katabi yung wall kasi alam kong di ako mahuhulog ng kama.

"Fine. Pero wag mo akong ihuhulog!" Pagbabanta niya. Ehehehe! Mukhang di pa rin niya nakakalimutan yung ginawa ko sa kanya last week.

Nagbihis lang ako ng pangtulog. And by pangtulog..... Night dress, panty. Yun lang. Hindi naman maiksi yung dress. Di rin naman masyadong showy ng mga parteng hindi dapat. Pero manipis siya. Yun lang

Ok na yan! Si Ian lang naman makakakita at wala naman siyang pagnanasa sa akin kaya wala yan. Di na niya ako mapapansin.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Nagising ako mga 11 na ng hapon. Nakarating kasi kami dito sa Boracay mga 1 am na kagabi dahil gabi nga yung flight ba binook nila mama at tita Mi.

"Ligaya. Ligaya." Tinapik ko si Ligaya. Mukha siya din, antok pa. Kahit ako. Kaso sabi kasi nila tita na gumising daw kami by lunch para kumain at magligpit ng mga gamit na dala namin.

"Maya maya. Five minutes." Sabi ni Ligaya sabay ikot sa may ding ding. Hala! Hala! May bakas yung kama.

"Uy! Ligaya! Gising! May dalawa ka na!" Agad agad kong pinabangon si Ligaya at baka madagdagan pa yung stain sa bed sheet.

"Sh1t! Tawagin mo si Mama, o kaya si tita, basta kahit sinong babae!" Sigaw niya sabay kuha ng pamalit sa maleta niya tapos pasok sa CR.

"Da't kasi binibilang mo yung araw mo! Para prepared ka lagi!" Sermon ko. Siya lang kasi yung babaeng hindi alam kung delayed o maaga yung period niya. At hindi rin niya alam kung kelan siya magkakaron kasi di niya binibilang. Ayan! Ngayon pa tuloy! Buti di ako namantsahan.

Tinawag ko si tita Mi at isang employee para sa extra bed sheet. Pumasok naman si tita Mi sa kwarto namin pati yung employee. Pinapalitan na ng employee yung bed sheet. He looked at me like "ang bata mo pa para matulog kasama ng babae ah." Excuse me! Hindi ko siya babae! At never ko siyang matitipuhan!

"Gaea, anong kailangan mo?" Tanong ni tita Mi mula sa labas ng pinto.

"Uh, pads? Maxi pads tsaka ultrathin. Tapos kung may makita ka, Ma, na tampons, pabili na rin." Sabi ni Ligaya mula sa loob ng CR. Tampons? Whuuuut?

"Oh, sige. I'll be back. Ian, samahan mo muna si Gaea ha! Mabilis lang ako, promise!" Sabi ni tita Mi. Umalis rin siya after nun. Pati yung employee, umalis na rin na may pagtataka pa rin sa mukha.

Nasandal na lang ako dun sa pinto nung CR. What should I do?

"Uhh, ano yung tampons?" Tanong ko sa kanya.

"Ano, parang plug. Para makapagswimming ako." Sagot niya. Plug?!

"Eh?! Pano yun?! Hindi ka lalabasan? Hindi ba masama yun?!" Tanong ko ulit.

"Cotton kasi yun! Maaabsorb niya yung waste na linalabas ko. Relax! Di naman siya masama eh. Although may ibang babaeng hindi pwedeng magganun kasi magkakaroon sila nung syndrome chuchu. Buti wala akong ganun." Kwento niya. Buti! Kasi pepektusan talaga kita kapag meron tapos gagamit ka pa para lang makapagswimming ka!

"Buti naman."  Comment ko. Natahimik na kami pareho. Kahit ganun, hindi awkward.

"Ian. Pwedeng kwentuhan mo ako kung pano niya nakilala si Alex? Tsaka yung mga negative traits niya." She spoke. Negative traits talaga?

"Uh, ano. Nakilala namin siya nung transferee siya nung freshman days. Madali naman kaming nagkasundo kasi madami kaming similarities. Negative traist.... Syempre, tulad ko, mahilig sa babae. Magkaiba nga lang kami ng paraan kung pano makapamick-up ng babae." Kwento ko.

"Pano ba yung sayo at pano din yung kanya?" Curious niyang tanong. What?! Pati akin talaga gusto niyang malaman?!

LigayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon