Chapter Nineteen

128 5 0
                                    

Ian

"Oh sige! Pero bilan mo ako ah!" Nagpapabili kasi si Mama ng juice. Magjojogging lang ako eh! Pero fine! Mahal ko naman siya!

Jogging has been my thing ever since nung... Umalis siya. Para kasing eto lang yung outlet ko eh. Nakakapag-isip ako at napapagod at the same time.

Seven years ago, nawala na lang siya sa buhay ko. Kapitbahay pa rin namin sila tita Mi, hanggang ngayon. Its just she's not here anymore. Natanggap siya sa UP. Pero instead sa diliman o manila branch, pinili talaga niya sa Baguio.

She left me heartbroken. Walang niisang salita akong narinig sa kanya. Isang araw na lang, paggising ko, sinabi na lang ni Mama na umalis na si Ligaya papuntang Baguio. Dun na daw siya mag-aaral at magtatapos. Pero its been a year since yung graduation ko, knowing her, di siya kukuha ng more than four years na course, kaya dapat nakagraduate na siya ngayon. Pero hindi pa rin siya bumabalik? Bakit kaya?

Nakauwi na ako, nabigay yung juice kay Mama at nagshower. Maya-maya pa ay dumating na si Kuya. He was with his wife. Yeah, may asawa na rin siya. May pamangkin na rin ako. Isang baby girl.

"Oh! Napauwi kayo dito? Bakit?" Bungad ko. Di naman na kasi sila dito nakatira eh. May sarili na silang bahay. Hindi rin naman weekends ngayon kaya hindi pa dapat sila bibisita dito.

"Uh, hindi ba sinabi sayo ni Mama?" Nagtataka niyang tanong. Dumating naman si Mama mulang kusina.

"Sinabi ang ano?" Tanong ko kay Mama.

"Ano kasi, sasama tayo kila Mi at Craig papuntang Baguio, isn't that great?! Makikita ulit nating lahat si Gaea! Finally! Miss na miss ko na yung inaanak ko na yun eh!" Masayang sinabi ni Mama. Woah, woah, woah, woah, woah! After seven years?!

"Kailan tayo pupunta?" Tanong ko. Handa na ba talaga kaming magkita? Mag-usap? Nakalimutan na kaya niya lahat ng nangyari sa amin nung JHS? It was petty, alam kong napahiya ko siya nun, but I hope that she moved on from that.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

My life was absolutely perfect nang makarating ako sa Baguio. Buti nandito din si Layla kaya kahit papano, It still felt like home nung unang beses ko dito.

Ngayon, may sarili na akong business, isang rehearsal/recording studio, tapos kapag gabi, may part time job ako sa isang bar bilang manager and bartender.

Kaya lang naman ako nagpapart time job ay dahil ipinangako sa akin ng owner nung bar na once na mareach ko na yung level of trust and skill niya, ipapamana na niya sa akin yun. Matanda na kasi yung may-ari at nag-iisa na lang sa buhay niya. Siya si sir Jaime. Tinuring na niya akong parang anak and naging loyal naman ako kaya ayun! Naging ganun!

Akala ko nakatakas na ako sa buhay ko kay Ian, but I guess not. Namiss ko sila tita Sol, tito Jym, si Kuya Fabio, at syempre sila mama at papa. I also wan to meet kuya Fabio's wife and daughter. Pero si Ian, I'm not so sure. Nakamove on na ako, given na yun. Ang tagal na eh! Tsaka sobrang babaw nung reason namin para magkalimutan na talaga.

Pero ang sitwasyon kasi namin ay parang seeing each other, talking to each other for the first time. It'll be really awkward!

Sabi nila mama na sila na daw bahala makapunta dito sa Baguio. Hanggang kennon road nga lang. I told them I'll meet them there kaya itext nila ako kapag nakalabas na sila ng NLEX.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Ako tsaka si Kuya ang nagdrive papuntang Baguio. Sabi nila tito Craig, hanggang dun lang daw kami sa lion's head tapos imimeet daw kami ni Ligaya dun.

Si kuya naman ang huling nakatoka sa pagdadrive kaya makakapagpahinga ako bago kami makarating dun.

Tahimik lang buong biyahe tapos nung magpalit na kami ni kuya sa isang stopover, natulog muna ako.

Paggising ko, ayun! Nandun na kami sa lion's head. May CR daw dun kaya dun muna dumeretso silang lahat. Except for me, kuya, at yung wife niya. Si mama muna ang nagsama sa baby girl nila sa CR para umihi.

May kumalabit naman sa akin. Paglingon ko, si Ligaya. Oh what the fvck?! Hindi pa ako mentally at emotionally prepared para makita siya!! Sobrang ibang iba yung itsura niya. May tattoo na rin siya.

"Uhm, sila mama?" Tanong niya. Sinabi ko na lang na nasa CR. Bigla namang dumating si kuya at yung family niya.

"Kuya Fabio!" Sigaw niya at nagyakapan sila ni kuya! She was also dazzled with their daughter.

"Hi! Ako nga pala si Rica, at eto si Rio." Pakilala nung wife ni kuya.

"Hi, Ligaya, Gaea na lang. Rio.... Hmmmm... Rica plus Fabio? Tama?" Panghuhula niya. Yup! Ganun nila pinangalanan ang anak nila.

"Ehehe, tama." Sagot ni ate Rica.

"Hi baby!" Binuhat ni Ligaya si Rio. She's 3 years old kaya medyo mahiyain pa sa ibang tao. Pero kay Ligaya, surprisingly, walang reaction yung bata. Normally umiiyak agad yan eh.

"I see your good with kids." Compliment ni ate Rica. Good with kids.... Baka may anak na to ah! Kinabahan tuloy ako bigla. Sana wala.

"Uh, ewan. Hindi naman talaga ako mahilig sa bata eh. And besides, wala akong planong magkaanak." Sabi niya kay ate Rica. Walang plano magkaanak? But why?!

"Gaea!" Sigaw ni tita Mi sabay yakap sa kanya, ganun din si Mama. Sila tito Craig naman at papa, they are just happy to see her again.

"Shall we go now?" Tanong ni Ligaya. Lumayo siya sa amin, at dahil ako na ulit ang magdadrive....

"Hindi ka sa amin sasabay?" Tanong ko. Parang wala naman kasi siyang dalang sasakyan eh.

"Uh, may motor akong dala. Ikaw magdadrive?" Casual niyang tanong. Tinanguan ko na lang siya.

"Sundan mo na lang ako." Sabi niya at kinuha na yung helmet niya. Marunong na rin siyang magmotor. Dati, di nga siya marunong magbike eh.

I followed her. Ibang iba na nga talaga siya. Gumanda, sumexy, nagkatattoo, she's like a bad girl type now. Pagkarating namin sa city na mismo, ang daming pasikot-sikot. Kaya pala marunong siyang magmotor, kasi its a must. Mahirap kasing gumalaw kapag sasakyan. Masyadong madaming pasikot-sikot, at dahil sa dami ng tourists, medyo madami ring sasakyan.

I hope meeting her again means being on good terms with her again.

LigayaWhere stories live. Discover now