Chapter Two

272 6 0
                                    

Ian

Tamo to! Kakain-kain tapos matutulog lang pagkatapos?! Tapos ano?! Magrereklamo siya na tumataba na siya?! Try niya din kasing kumilos?!

Tapos kung makahiga pa, kala mo wala ako dito diba? Inutusan ba naman kasi akong maghugas ng pinggan, tapos tutulugan ako.

Tanaw na tanaw ang panty at onti na lang, lalabas na yung dibdib niya! Grabeh siya! Buti talaga hindi ako manyak! Well, sa kanya hindi, pero kung ibang babae yan! Nakaw! Patay tayo diyan!

I carried her to her room. Kinumutan ko at binuksan ko yung aircon niya. Alam ko naman na kapag hinayaan ko siyang matulog Nang ganyan, bubungangaan niya ako paggising niya.

"Ano ba?! Pinatulog mo ako ng walang aircon?! Alam mo bang lagkit na lagkit ako sa pawis?!" Exact words niya yun! Ang naughty pakinggan pero wala eh! Ligaya yan eh! Ewan ko, pero natural na sa kanya yung may nasasabi siyang something naughty ng di sinasadya.

Pagbalik ko, nandun pa mga katropa ko. At mukhang may iniisip na malisya! Sabi ngang walang namamagitan sa amin eh!

"Shut up! Ayokong ungkatin pa ang hindi naman totoo. Maglaro na lang tayo." Pagbabanta ko sa kanila.

They just laughed it of at naglaro na lang kami.

Apat kaming magkakaibigan. Si Richard, Marcus, at Alex. Si Marcus ang pinaka malakas ang trip sa aming apat, sumunod naman sa kanya si Richard. Si Alex naman, matagal nang type si Ligaya. Grade 7 pa lang. Torpe kaya ayun! Di mafeel ni Ligaya. Manhid din kasi yun kapag di ka nagpapakita ng kahit anong interest sa kanya eh.

"Uh, Ian, anak. Nagplano kasi kami ng tita Mi mo na magboboracay tayo next week. One week tayo dun, and kung gusto ng friends mo, pwede silang sumama. Libre yun wag silang mag-alala." Sabi ni mama nung lapitan niya ako. She said it loud enough for everyone to hear.

She's the coolest mom in the world. Yun lang ang masasabi ko. Kahit na minsan nadidisappoint siya sa performance ko sa school, lagi niya pa rin ako ineecourage. Pareho sila ni papa.

"Tara!! Sama!!" Sigaw ni Marcus. Diba?! May trip talaga siya sa buhay niya eh! Di pa nga nakakapagpaalam sa magulang niya ganyan na!

"Kasama din si Ligaya? May kasama din ba siyang mga kaibigan niya?" Tanong ko. Kasi nga kasama namin sila tita Mi, na mommy ni Ligaya diba?

"Oo kasama. Nasabihan ko na siya. Mukha ngang malungkot eh. Sabi niya kasi sasabihan na lang niya ako kung may makakasama sa mga kaibigan niya eh." She honestly told me. Pero ngayon, mas mahina na. Yung kaming dalawa lang nakakarinig.

Hay nako! Conservative kasi masyado mga kaibigan nun. Lagi kasing cream section ang babaeng yun kaya pati mga kaibigan niya, mga anghel. Kung ikukumpara mo nga, hindi ka maniniwala na kaibigan niya yun. Masyado siyang liberated para sa kanila.

Pero ewan ko. Who am I to judge. Tsaka opposites attract, kahit siguro sa kaibigan. Tsaka mukhang tanggap naman siya ng mga kaibigan niya eh. Tawa nga sila ng tawa sa tuwing nakikita ko sila sa school eh.

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Gaea

Nagempake na ako ng mga outfits para sa boracay. Syempre kailang maganda pa rin akong tingnan dun. Kahit naman na wala akong kakilala dun. Malay mo, makita ko na ang the one ko? Charot! Wala pa akong planong lumandi noh!

Pero may kulang ako eh..... Aha! Alam ko na! Kaso wala akong ganun! Wait! Pwede naman akong makiheram kay Ian nun! Mukha naman sigurong flannel yung checkered polo niya na di naman din niya ginagamit.

I made my way to his house. Madilim na pala. Late na kasi ako nagising. Tapos paggising ko, sakto naman na kinausap ako ni tita Sol tungkol sa boracay vacation namin.

Mukhang nakauwi na rin pala sila Richard. Mabuti naman. Dumeretso na ako sa kwarto niya.

"WHAT THE FVCK?!!" Naisigaw ni Ian sabay sara sa laptop niya. O_O t-teka... Ano yun?!!!!

"Oh my gosh! Ian! Don't tell me!!! Nanonood ka noh!" Pang-aakusa ko sa kanya. Di ko na rin napigilang matawa. Ahahahahahaha!!! Swerte! May pang blackmail na ako! Huling huli eh!

"Pwede ba?! Shut up ka na lang ha! Alis! Tsupe!" He pushed me out of his room. Pinigilan ko naman siya.

"Ano ba! May hihiramin lang ako eh! Tabi!" Tinulak ko siya patabi at pumunta sa closet niya. Hinalungkat ko yung makalat niyang closet at nahanap ko rin yung polo niya! Yes!

"Oh, ngayon nakuha mo na yung hinahanap mo, pwede ka na bang umalis?" Iritado niyang tanong. Sinungitan ko lang siya at lumabas na ng kwarto niya.

Sakto naman na nakita ako ni tita Sol.

"Oh! Gaea, dito ka na pala magdinner. Magluluto pa lang naman ako eh. Tsaka sabi din ni Mi, dito ka na rin daw matulog." Sabi ni tita Sol. Tumango na lang ako at sumabay sa kanya sa pagbaba.

"Maupo ka na lang diyan sa sofa at manuod ng TV. Tatawagin ko na lang kayo ni Ian kapag luto na ok?" I nodded at her. Ang bait talaga ni tita! Ibang iba kay Ian!

Maya-maya pa ay may biglang dumating. Si tito Jym lang pala.

"Good evening tito Jym!" I greeted him. He greeted me back and went upstairs para magbihis. Mukhang maganda ang mood. Lagi kasing pagod yan kapag galing trabaho eh.

Maya maya, may umuwi ulit, di ko naman inaasahan na uuwi siya! Si kuya Fabio! Oo! May kuya si Ian! At di hamak na mas mabait naman ang kuya niya kesa sa kanya!

"Kuya Fabio?! Ay! Oo nga pala! Friday ngayon!" Naisigaw ko as I hugged him! Every week kasi siya umuuwi. Every Friday.

"Ahahahaha! Good to see you to!" Natatawa niyang sinabi. Alam niya kasing makakalimutin ako at walang sense of time kapag bakasyon. Bakasyon nga kasi eh! Edi bakasyon din ang utak ko! Ahahahahahaha!!

Nagkwentuhan lang kami ni kuya Fabio habang naghihintay ng dinner. Maya maya pa ay pinatawag na ni tita Sol si Ian. Si kuya Fabio na ang tumawag at naupo na kaming lahat sa dining table.

Ang ingay. Definition ng dinner kila Ian. Kasi tawanan at asaran sila lagi eh.

"So, Gaea, wala ba talagang balak tong si Ian sayo? I mean, maganda ka naman! Sexy, mabait! Ba't ba hindi ka nagugustuhan neto?!" Naweweirdan na tanong ni kuya Fabio kay Ian. Awkward!

LigayaWhere stories live. Discover now