Chapter Nine

153 6 0
                                    

Gaea

"ano kasehh. Ako, madali lang kasi sa akin. Isang tingin ko pa lang, parang nahihypnotize ko na agad ang mga babae. Habang siya, gusto niyang paglaruan ng konti eh." Medyo nag-alangan si Ian na ikwento.

"Panong paglaruan?" Nacurious naman ako lalo.

"Alam mo yun! Yung liligawan ka, papakiligin, magiging sweet, yung tipikal na gusto ng mga babae. Tapos kapag nakuha na niya ang gusto niya, iiwanan na niya." Kwento niya. Natakot naman ako lalo.

"Pero wag kang mag-alala. Kilala ko yun si Alex. Freshman pa lang, type ka na nun eh. Seryoso naman siya sayo..... Siguro." Mahina lang yung pagkasabi niya sa siguro pero rinig ko pa rin. Siguro..... Kahit siya hindi rin pala niya alam.

"Gaea! Nandito na ako! Eto na oh!" Sabi ni Mama na bigla-biglang dumadating. Nagulat tuloy kami pareho ni Ian. Binuksan ko ng onti yung pinto at kinuha na yung plastic na may laman ng pinabili ko.

"Thanks Ma." Sabi ko at ginamit ko na syempre.

"Gaea, magpangswimming ka na ha!" Paalala ni Mama at lumabas na ng kwarto. Buti hindi ko pa nawawarat yung napkin. Kung ganun pala, tampons ang dapat gamitin ko.

"Uh, ano, Ian. Pwedeng paabot naman nung swimsuit ko sa maleta." Utos ko kay Ian.

"Tama ba? Black?" Tanong niya. Umoo na lang ako.

"Akin na!" Sigaw ko sa kanya para marinig niya. Lumapit siya at inabot yung swimsuit sa maliit na opening nung pinto.

"Sigurado ka ba na yan ang susuotin mo?" Tanong niya habang sinusuot ko na yung swimsuit.

"Bakit? May violent reaction ka?" Tanong ko at nakalabas na rin sa wakas sa CR.

"Uh...... W-wala naman." He stared at me. Himala! Nabighani siya ng ganda ko! Never nangyari yun.

"Ok! Tara?" Tanong ko nang makuha ko na yung shirt na hiniram ko sa kanya last time.

[See photo for her outfit]

Sabay na kaming lumabas ng kwarto at ng cottage house. Pinakadulo yung nakuha namin kaya pinakamalapit sa beach. Onting kembot lang, ayan ka na.

"Woaah!" Exclaim ni Marcus at sumipol pa si Richard. Mga nang-aasar lang. Mga baliw!

"You look so stunning." Bulong ni Alex sa akin. Hahawak sana siya sa bewang ko kaso umiwas ako. Nadikit tuloy ako kay Ian.

"Ih! Sorry." Bulong ko. Tumingin siya sa akin tapos kay Alex. Para bang nangingilatis.

Nang makalayo na silang lahat sa akin, naglabas lang ako ng phone tapos, syempre, ano pa bang pwede kong gawin kundi magphoto galore!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ian

Habang nagsiswimming kami, di ko pa rin maalis sa isipan ko nung nakita kong nakaganun si Ligaya. Iba pre eh! Grabeh! Parang... Parang ngayon ko lang nakita na ganun siya kasexy?!!!

Pero syempre, walang feelings yun. Narealize ko lang na ang hot nga niya. Dapat nga mas mag-ingat siya kay Alex. Nagdududa na rin kasi ako sa ikinikilos niya kay Ligaya eh. Hindi ganun ang seryosong Alex eh.

Naglunch na rin kami dun sa resort at nagpahinga. Nalaman namin kila tita Mi na dahil summer ngayon, madaming beach parties ang nagaganap dito at pinayagan nila kami.

Bumalik ako sa kwarto namin ni Ligaya para kunin yung phone ko. Pansin ko wala na si Ligaya. Paglabas ko, sakto nandun din ai tita Mi.

"Tita, si Ligaya po?" Tanong ko.

"Ah! Nauna na. Pakibantayan naman oh." She asked. Kilala talaga niya si Ligaya.

"Alam mo naman yun Ian." Paalalani tito Craig. Tatay ni Ligaya. Alam ko talaga yun! Buti nga sa bahay lang nila yun naglalasing eh.

Pagdating namin dun sa pinakamalapit na party area, hinanap ko agad si Ligaya. Lagot ako kapag may mangyari dun or malasing at di na makauwi.

"Hanapin ko lang si Ligaya." Sigaw ko sa mga kasama ko. Medyo maingay kasi dito eh.

Nahanap ko naman siya. Ayun. Nagsisimula nang maglasing. Ewan ko ba?! Ang hilig hilig niyang uminom. Kesyo masarap daw ang lasa. Pero grabeh siya eh! ang dami niyang naiinom! At di pa siya madaling malasing!

"Mojito lang." Sabi ko dun sa bartender nang lumapit siya sa amin. Pinigilan naman siya ni Ligaya.

"Hindi ka oorder nun! Pangweak lang yun! Dalawang long island." Inorder niya ako. Mas madami pa siyang alam sa alak kesa sa akin. Namana niya kay tito Craig kasi.

"Ligaya, wag ngayon, please. Gusto kong ienjoy yung gabi kesa bantayan ka dito, tapos pag nalasing ka, kelangan pa kitang iuwi." I warned her. Tumingin naman siya ng masama sa akin.

"Alam mo, kung gusto mong mag-enjoy, go ahead! Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi na ako bata noh!" Inis niya sinabi. Sakto dumating yung drinks namin. Pinigilan ko siya kaso kinuha naman niya yung isa pang baso at agad agad na ininom yung laman nun.

"Uh--"

"Teka lang po--"

Sabay naming nasabi nung bartender. Hindi dapat niya inumin ng ganu yung long island! Mukhang mapapauwi kami ng maaga ah.

"Ano ba?! Relax! Kaya ko! Mataas ang alcohol tolerance ko." Pang-aassure niya sa amin nung bartender. Amazed na amazed naman si kuyang bartender

"Haaayyyy, Ligaya, just take good care of yourself." Huling paalala ko. Winave na lang niya yung kamay niya kasi iniinom naman niya yung isa pang baso.

Iniwan ko na si Ligaya at nakipagparty na sa mga kaibigan ko. Medyo uminom at syempre, nakipagflirt na rin sa mga babae. Nagpaalam si Richard na kukuha lang ng mga drinks. Pagbalik naman niya, wala siyang dalang drinks at mukhang nagmamadali.

"Ian, kailangan mo na atang iuwi si Gaea." Sabi niya at nagmadali kaming pumunta sa may bar para tingnan kung ano nang nangyayari kay Ligaya.

"Nasan siya?" Tanong ko kay Richard. Wala naman kasi siya dun sa inuupan niya kanina eh.

"WOOOOHOOOO!!!" Napalingon kami ni Richard dun sa sumigaw. Si Ligaya. Nakatayo siya sa isang empty stage. Ugh! Nakakahiya ka!

Agad ko siyang pinuntahan at binaba. Lasing na nga.

"Ligaya, tara na!" Hindi ko na napigilang sigawan siya. Napatigil naman siya at nasuka. Buti hindi sa akin. Pero sa harap ko nga lang.

After niyang sumuka, makakatulog na sana siya, buti nasalo ko. Tinanguan ko na lang si Richard at binuhat na pauwi si Ligaya.

Hiniga ko muna sa kama namin si Ligaya tapos tinawag ko si tita Mi para bihisan na siya. After a while, pwede na daw akong pumasok.

Nakita kong tulog na tulog na si Ligaya. Maghintay kang babae! Tamo! Makakatikim ka sakin!

"Ian." Bigla niyang sinabi habang nagpapalit ng position ng pagtulog. Minsan di ko rin naman kayang hindi na lang matunaw sa kanya eh. Kahit naman na galit, naiinis at hiyang-hiya ako sa ginawa niya kanina, di ko pa rin mapigilang hayaan na lang siya.

LigayaWhere stories live. Discover now