Chapter One

407 9 0
                                    

Gaea

"Ligaya! Giseng!!! Giseng!!!" He shook me. Parang bata ang hayop! Nakalimutan ko palang banggitin! Isip bata rin pala to minsan!! Badtrip!

"Ian! Ano ba! Natutulog yung tao eh!" Tinalukbungan ko siya pagkatapos kong sabihin yun.

"Natutulog yung tao eh! Ah! Basta! Gumising ka na!" Una, gagayahin mo ako! Pangalawa! Uutusan mo akong gumiseng!!! Aba!! Grabehan na to ah!

"Ba't mo ba ako ginigising ah?!!!" I whined as I opened my eyes to look-k-k...... Abs.... Teka!! Ughh!! Si Ian pa nga pa rin pala to! Ba't kasi sa lahat ng kilala kong may abs, siya lang ang nalalapitan ko eh!!!

"Ano! Tunaw ka noh! Hindi ko din naman alam. Basta ginising ako ni mama, tapos inutusan niya ako na gisingin ka rin daw. Wala daw kasi sila tito't tita. Dun ka daw sa amin magbebreakfast." Walang gana niyang sinabi.

"No, thank you! Babalik na lang ulit ako sa pagtulog!" Sabi ko sabay higa at talukbong ng kumot. Kung kelan summer na eh! Hindi ba pwedeng gumising sa oras na gugustuhin mo?

"Eh kung may choice lang din naman ako eh." Sabi niya na may kasabay na hikab. Mukhang napilitan lang din siyang gumising.

Tinulak niya ako sa isang side ng kama ko at sumiksik sa space na natira. Nakadikit sa wall yung kama ko kaya di ako mahuhulog.

Hindi ko na lang pinansin yung pagsiksik niya at paghiga sa tabi ko. Magkatalikod naman kami... Problema ko lang... ANG SIKIP!!!! Ang hirap matulog ng masikip!!

Tinulak ko siya sa pamamaraan ng pagusli ng pwet ko. Nahulog siya mula sa kama! Huh! Ayan! Higa pa kasi sa kama ng iba! May kama ka naman! Dun ka matulog! Hindi yung makikisiksik ka sa kama ng pang-isang tao!

"Aray! Masakit yun ah!" He slapped my buttcheek. Hindi na awkward sa amin yun. Para sa akin, para na siyang kapatid or baklang friend. Para sa kanya naman, lalaki ako.

"Matulog ka dun sa bahay mo! Wag dito!" I told him without looking.

"Tch! Sungit!" Bulong niya sabay alis ng kwarto. Assume ko na rin na umalis na rin siya ng bahay ko diba?

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Nagising na ako, mga 11:17??
Maglalunch na rin naman kaya tumingin-tingin na ako sa ref kung anong pwede kong lutuin. Nakita ko kasi yung note nila mama na hindi sila makakauwi hanggang sa makalawa. May kakausapin daw silang client sa may Davao daw. Aba! Dapat uwian nila ako ng durian dito! Ahahaha!

Now, ang pwede ko lang lutuin ay adobong manok... Pero may kulang eh... Ah! Alam ko na! Yung dahon ng laurel. Siguro naman meron sila tita nun!

Derederetso akong pumasok sa bahay nila tita at sumigaw na lang para magpaalam kesa hanapin ko pa si tita sa buong bahay. Sumigaw din naman siya.

Nung palabas na ako, napansin ko na yung mga tao sa living room nila. Paglingon ko..... HOMAYGAADDD!!!

Mga kaibigan ni Ian!! Mga naging kaklase ko na sila before bago ako mapunta sa cream kaya kilala nila ako at kilala ko sila, medyo close, pero ang makita nila ako nang ganito ang itsura at sa bahay pa ni Ian!!!! Ughh!!! Kahiya!!! Di man lang binanggit na may bisita siya kanina nung ginising ako!!!

Lalabas na sana ako nang tawagin ako ng isa sa mga kaibigan niya na si Richard.

"Gaea, teka lang! Ba't ngayon lang namin nalaman na close pala kayo netong si Ian?" Pang-uusisa niya.

"Hindi kami close, parents namin ang close. At nakihingi lang ako ng rekado sa linuluto ko, kaya balik na ako sa bahay ko." I awkwardly told them and left. Kaloka! Kahiya! Grabehan! Pumunta man din ako dun ng nakapambahay! Nakaskirt, walang panloob na shorts at panty lang! Black spaghetti straps na top at walang bra! Oh diba?! Bahay na bahay ang itsura ko!

♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨♨

Ayoko naaaaa!! Naparami yung luto ko!! Kasi naman! Pinangunahan ako nung kaba ko kanina sa mga kaibigan ni Ian eh!! Nakakaloka talaga yun!

"Knock, knock!" Sigaw ni Ian habang papasok siya ng bahay. Napalingon tuloy ako sa may pintuan namin.

"Ano namang ginagawa mo dito? Tatawanan mo ako?" Sarcastic kong tanong. Siya naman umiling lang at inagaw yung spoon na hawak ko sabay tikim nung adobo.

"Ang sarap! Ba't ganyan ka! Di ka man lang nagsasabi na nagluto ka!" Sinisisi niya ako?! Eh kaya lang naman di ko nasabi sa kanya kasi may bisita pala siya eh!

"Masarap? Hindi ba masyadong maalat para sa normal na tao?" Tanong ko. Hindi kasi normal ang panlasa ko. Mas maasim, maalat, maanghang, savory, mas ok sa akin. Si Ian lang ata ang kapareho ko ng panlasa eh. Tamo! Sarap na sarap! Mukhang uubusan pa ako!

"Tekaaaa! Tiran mo ako! Ako nagluto eh!" Nang sigawan ko siya, kumuha na siya ng isa pang plato at ipinaghain ang sarili niya ng kanin. Aba! Sa sarap ng kain, di na ako sinasagot ng hayop!

"Ba't di mo ako sinabihan na may bisita ka palang dadating kaninang umaga nung ginigising mo ako?! Nakakahiya tuloy itsura ko!" Badtrip kong tanong sa kanya. Natawa naman siya.

"Bakit? Pag sinabi ko ba sayo, may magbabago ba sa kapangitan mo?" Pang-aasar niya. Lalong uminit ulo ko!

"Makapangit ka! Tingnan mo muna kaya yang mukha mo?!!" Pasigaw kong sagot.

"Mukha ko? Gwapo!" Dagdag niya. I just growled at him. Alam kasi niyang asar talo ako.

"Pero sana kasi diba?! Nagbra at shorts man lang ako para hindi mukhang prosti itsura ko dun!" Back to the topic tayo.

"Ayaw mo nun! Para hot ka! Ahahahaha!" Sabi ko sa inyo eh! Diba bastos din tong hayop na to eh!

"Ha. Ha. Ha. Nakakatawa." Sarcastic kong inabi sa kanya. Natawa siya lalo.

Kapag sa bahay namin, ganya kami. Kala mo close. Pero ang katotohanan, wala talagang pansinan sa school. Di nga alam ng mga kaibigan niya na close kami dito sa bahay eh.

LigayaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora