"Mama! Are you sick? " Vaughny asked.

"No baby. I am fine."

"Nagpapapansin lang mama mo!" Ashton Kier said. I automatically glared at him. Mamaya ka sa akin! Ipapatapin kita sa ilog pasig! Ay hindi! Sa Pacific Ocean!

"Eh kung hindi niyo kaya ako pinag-uusapan! At sinong nanligaw? Ako? Excuse me? Itsura kong to? Hello!" I exclaimed.

"That's enough Ash. I love your sister so even she denies giving me flowers or asking me to build a snowman, I'll accept it. As long as she's with me." Luigi said.

Nakakatouch! I wanna cry! Pero syempre di ko gagawin. Lalo na sa harap ng hinayupak na kapatid ko.

****

"Ma-ma'am, si-sigurado ka po ba na dito punta niyo?" Mr. Stutter asked me.

I arched my brow.

"Ay hindi! Doon! Doon tayo pupunta. Kaya nga tayo nandito, kasi doon pa tayo sa kabila pupunta." I answered sarcastically.

Pambihira! Mukha ba kaming naliligaw? Kutusan ko tong secretary ko eh! Kahit namiss ko to, hindi parin abswelto ang pagiging utal niya sa akin! Bat pag si Luigi kausap niya, ang ayos niya magsalita? Bakit pag ako ganyan siya? Unfair! Ako nagdurusa! Pinagtitiyagaan kong matapos ang bawat sentence niya!

Anyway, balik trabaho kami ni Luigi kaya kasama ko na ulit itong si Stutter. At dahil balik trabaho nga! Wala kami sa opisina. Naglagkwatsa kami.

Dito kami pumunta sa mall para bumili ng mga gamit pambata. Well this is not for Ylana. Dahil kung gamit lang, napuno na ni daddy ang bahay! Bumili ata ng mall para sa bunso namin, gayun din kay baby Caleb na anak ni Kuya Ashton.

"Babae ba o' lalaki?" I asked Kevin.

"Babae po."

Marami akong pinamili at naggrocery pa kaming dalawa. After mall, we went to our target.

"Dito na ba?" I asked Stutter when he suddenly stop infront of an apartment. This isn't an informal settler's but this place isn't the place I am expecting her to stay.

"Hindi po ma'am, doon pa po. Kaha nga po dito ako nagpark kasi doon pa po tayo." He answered. Sinamaan ko ito ng tingin. Gumaganti!

"Sa-sabi ko nga po di-dito na." He said.
Pagbaba ko ay nakita ko agad ang isanh babaeng nagwawalis na nakasuot pa ng shorts at sando. Magulo ang buhok nito na halos di na pantay ang kulay di gaya noon.

Bigla itong napalingon sa direksyon namin at nanlaki ang mga mata nito. Hindi ko naman alam ang gagawin kaya ngumiti nalang ako.

Lumapit ito sa mababang gate para salubungin kami.

"A-anong ginagawa niyo dito?" She asked. Napatingin ito sa likod ko kung nasaan si Stutter na ibinababa sa sasakyan ang mga pinamili namin.

"Pwede ka bang makausap?" I hesitantly asked.

Hindi ito sumagot pero binuksan nito ang gate. Nakasunod naman sa akin si Stutter. Well, I am really not expecting her to welcome us pero mukhang malaki na ang pinagbago ni Laureen. She looks tamed.

"Wala akong maiooffer na drinks. Paswnsya na. Maupo kayo." She motioned us to sit in a mono block.

Pinalibot ko ang paningin ko sa tinitirhan nito. Two-floored apartment. Kupas na ang pinta ng mga pader. Walang masyadong gamit bukod sa mga monoblocks at nag-iisang lamesa.

Saglit na umakyat si Laureen sa taas para siguro kunin ang anak nito dahil narinig namin itong umiiyak.

"This isn't what I'm actually expecting. Why didn't you mention me about her condition?" I whispered to my secretary.

Chasing The Bad GirlWhere stories live. Discover now