K6

88.7K 2.1K 133
                                    

Masakit ang ulo ko habang nasa byahe pauwi. Punung-puno na ako sa mga directors na iyon. Anong karapatan nilang magmeeting nang hindi nila pinapaalam sa akin?

Worst! Kasama pa nila ang Fortalejo na iyon. That jerk! How dare him approach me then ask what happened to my forehead na siya ang may kagagawan. May gana pa siyang magmukhang concern?

Ganoon na ba ako kastupid sa tingin niya at iniisip parin niya na mahuhulog ulit ako sa mga pautot niya!? I will not give him the satisfaction of hurting me again. Once is tolerable, twice is too much to bare. Sobrang martir ko na kung magawa pa niya akong gaguhin for the third time.

He wants to be closer? It's not a problem with me. Ako pa mismo ang lalapit sa kanya. Let's see kung sino ngayon ang mahuhulog.

"Ah..eh..Ma-Ma'am yu-yung da-damit ko po."

Napalingon ako sa secretary kong utal. Bakit hindi ko alam na nandito yan sa tabi ko? Bumaba ang tingin ko sa kanang kamay ko na halos punitin ang polo ng secretary ko.

Of course! Binitawan ko. Hindi ko alam na sa kakaisip ko sa Fortalejo na yun pinanggigilan ko na ang katabi ko.

"Hindi mo naman siguro ipapabayad sa akin yan?" Tanong ko. Halatang nagulat ito at sunud-sunod na umiling.

"Good. Mabuti ng nagkakalinawan." I said. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Wala kaso akong dalang cold cash. Puro credit cards. Wala akong mapambabayad.

Nang makarating kami sa bahay ay agad hinarang ng mga guards ang secretary ko.

"Bakit?" Tanong ko sa mga guards. Ngayon lang napansin na bago ang mga ito.

"Mukha kasing goons ma'am." Sagot sa akin ng isa. Tinitigan ko naman ng mabuti ang secretary ko. Payat. Matangkad. Maputi. Singkit.

Nasaan yung goons?

"Just let him go. Secretary ko yan." I said. Nauna na akong pumasok sa kanya. Isinama ko siya dito para maidiscuss ko yung mga details para sa party sa Sunday. I will ask him to coordinate with Precy para pulido na ang plano.

Nahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng malakas na music. Gusto ko ng matawa dahil ang music ay wanna be ng Spice Girls. I can hear Chloe's voice and believe it or not even Vaughny's voice.

"If you wanna be my lover..." I took a peak on what they're doing and I almost laugh out loud seeing Lucas dancing with them.

May wig pa itong kulay blonde at sinasabayan sa pagkanta si Chloe na seriously gustung-gusto ang pagkanta at sa kasamaang palad ayaw sa kanya ng kanta. Si Vaughny naman ay nakashades ay di ko maintindihan ang steps. Parang Michael Jackson dance na nakatip toe at nakahawak sa downthere.

Who the hell taught that to him?!

Maya-maya tawa na sila ng tawa. Si Chloe kasi nagsway ng katawan parang tuod. But I'm proud of them. Wala naman kasi akong talent maliban sa makipagbasag ulo sa kapitbahay noon. Now I wonder, kanino nila naman yan?

Hindi naman siguro kay Fortalejo? Damn! Pagtatawanan ko talaga siya pag nagkataon. I can't even imagine him doing what Vaughny's dancing earlier.

"Aaaaaaaaaaaah! Mama!!!" Nagulat nalang ako nang tumili ng malakas si Chloe at parang nagpapanic. Lumapit ito sa akin kaya napaluhod ako para makapantay siya.

"Mama! Mama! What happened to your head? Is it ouchy?! Did that bad guy at your back do that? Hey Vaughny!!! Attack the bad guy!!" Halos maiyak naman ang anak ko habang tinuturo ang noo kong may benda. Namumula na rin ang ilong nito tanda na paiyak na.

"A-Arayyy! " napalingon ako sa secretary ko na hinahabol ni Vaughny at tinutusok ng plastic sword.

"Vaughny stop that." I heard Lucas shouted na nang tignan ko ay kunot noo rim nakatingin sa akin.. Mabilis naman sumunod si Vaughn at lumapit sa akin. Mapula na rin ang ilong nito.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon