K17

84.5K 2.2K 130
                                    

I look at myself in the mirror. I wore a glamorous light make up. I had my hair curled like waves. I wore a simple sleeveless cut black dress. Simple yet glamorous. I never thought days will really run this fast. Parang kailan lang ay pinipilit ko pa ang mga anak ko para sa event tonight, ngayon hayan at hinahabol ng nanny nila sa likuran ko.

Paano ba naman si Chloe nakadiapers pa, ayaw isuot ang pink dress niya. Nakadoll shoes na rin ito at nakaayos na ang kulot na buhok nito. Si Vaughn naman ay nakaslacks na, ayaw lang magsuot ng top.

"Boni! Halika bata ka! Baba ka na dito be! " dinig kong sigaw ng nanny nila. Si Vaughn kasi umakyat sa kama ko at nagtatalon. Si Chloe naman ay pumasok sa loob ng closet ko.

Disaster na naman ang buong kwarto ko. Nagkalat ang mga unan at sapatos, ganon din ang mga towels. Napaface palm nalang ako sa mga kalokohan ng mga anak ko.

I stared at my wrist watch. One hour. We only have an hour to prepare and go to the venue. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at ako na mismo ang kumuha kay Chloe sa loob ng closet ko. Agad itong tumili nang buhatin ko. Well, I don't really mind kung magusot ang damit ko.

"Mamaaaa!"

"Hep! Enough na. Sobra na Chloe ha. Magagalit na si mama. And you little boy, bihis na." I said while pointing at Vaughny. I heard him giggled.

"Mama! Dala ka po milk ha. Baka magutom po ako doon." Chloe said. I brush my nose on hers. She giggled.

"Yes po. Basta behave doon ha." Tumango ito at nagtaka naman ako kung anong tinititigan nito sa daliri. Parang may pilit itong inaangat sa mga daliri na hindi magawa dahil malulusog ang maliliit na daliri nito.

"Ganito pinky swear Clawee!" Biglang singit ni Vaughny at idinemo kung paano magpinky swear.

Maya-maya ay natapos na sila pareehong magbihis. Inayos ko nalang ang buhok ni Chloe dahil kamot ito ng kamot kanina. Pinanggigilan ko ang mga pisngi nito at pinupog ng halik.

"Ang ganda tsaka gwapo ng mga batang ito. Kanino ba kayo anak ha?" I said while tickling them both. Natawa sila pareho.

Nasa ganoong posisyon kami nang mapansin kong nakatitig sa amin si Lucas habang nakasandal sa pader.

"Papa!" Vaughny said. Agad itong nanakbo kay ungas at nagpabuhat. Si Chloe naman ay nagsumiksik sa akin. Ayan na po ang attitude ng anak kong may katamaran gumayak.

"Hey chubs! Bakit nakasimangot ka?" Sabi ni Lucas kay Chloe sabay kurot nito sa ilong. Tinampal ko ang kamay ni Lucas dahil baka mamula ang ilong ng dalaga ko.

"Hi babe. Ang ganda natin ah. " he said. He kissed me on my hair.

"Kailan ka pa nakabalik?" I asked. Galing kasi ito sa isang business trip at hindi ko inasahan na ngayon ang uwi niya.

"Ngayon lang. Diba obvious?" He answered. Inirapan ko lang ito.

"Papa! Punta kami sa event ni mama! Dami daw po cars doon." Kwento ni Vaughn. Lucas stared at me as if saying something. As if asking me if I'm ready for this.Gumanti ako ng ngiti dito.

"Let's go?" He asked. Nagulat ako sa pag-aaya nito.

"Sasama ka?" Tanong ko.

"Of course. I won't miss this chance of seeing how doom Luigi will be seeing your treasures. I just hope everything will be fine after." He said. I sighed.

"Of course it will. "I answered.


****

We were late for almost 10 minutes. Huling papasok si Lucas at si Chloe dahil si Chloe ay nag-ayang bumili ng icecream. Kasama ko naman si Vaughn na hawak-hawak ko sa kabilang kamay. Dalawang kamay naman nito ang nakahawak sa akin.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon