K19

84.6K 2.1K 139
                                    

I am busy. Siguro iyan lang ang talagang maidedescribe ko sa sarili ko ngayon. Matapos ang nangyaring event mas lalo pa ata akong naging abala. Minsan talaga sumasagi sa isip ko na ibalik nalang kay kuya ang D&C.

I sighed.

"Ma'am, ito na daw po yung mga pinapadala niyong documents. " my attention was caught by my other secretary. I mean the girl one. Na siyang ipinagtataka ko.

"Where's stutter?" I asked. Kanina ko pa kaso napapansing naglalaho yung isang iyon. May kasalanan pa iyon sa akin eh. Tapos ngayon missing in action naman.

"Po-po?" Tanong nito. Napansin kung nagblush ito.

"Hindi mo narinig yung tinanong ko?" I asked her again. Napayuko ito.

"Ano po kasi...nagpaalam siya u-umalis po. May emergency po kasi." She answered. Lalo namang kumunot ang noo ko.

"So sayo nagpaalam? Ikaw na boss ngayon. Palit na tayo? Odi sige halika dito. Tutal sayo na nagpapaalam ang secretary ko, palit na tayo." I said. Akmang tatayo na ako nang mabilis itong umiling.

"Naku ma'am di naman po sa ganun! Ano po kasi..May kausap daw po kasi kayo kanina sa phone kaya po hindi na niya kayo naistorbo." Dahan-dahan akong tumango. Hindi pa abswelto sa akin ang isang iyon, kung saan-saan na pumupunta, hindi pa nagpaalam.

Napansin kong hindi parin umaalis sa kinatatayuan ang girl secretary ko kaya naisip ko itong pagtripan tutal ay nabobored ako. Great idea!

"May kailangan ka pa? Medyo may kahabaan na ang exposure mo te." I said. Bigla naman itong parang nataranta.

"Ah eh..ma'am, matanong ko lang po, may..may girlfriend na po ba si Kevin?" Tanong nito. Aba matindi! Gawin talaga akong tanungan?! Sabagay, gwapo naman kasi talaga ang isang iyon. I should say. Kaya ko lang siyang purihin pag wala dito, mamaya lumaki pa ulo nun.

"Meron" I said. Ang alam ko naman talaga ay meron. Minsan kasi nakita kong may picture ng babae sa wallet niya. Don't get me wrong, hindi ko inusisa, aksidente ko lang nakita.

Napansin kong medyo nalungkot ang girl secretry ko.

"Baka. Baka may girlfriend, hindi ako sure." Pambawi ko. Baka mamaya maglupasay pa si girl kasi broken hearted, kasalanan ko pa.

"Ta-talaga po? Sa tingin niyo po meron siyang nililigawan dito sa building?" She asked again. Aba teka! Hindi ba parang namumuro na ata itong si girl?

Binitawan ko ang hawak kong papeles at daka ko siya tinapunan ng tingin. Pinaningkitan ko ito.

"Yung totoo? Magchichikahan nalang tayo dito?" I asked her. Nataranta ito bigla at sunud-sunod na yumuko.

"Sabi ko nga po ma'am, lalabas na ako." She said.

"Hindi, baka gusto mo pang makipagkwentuhan, nakakahiya naman. Maupo ka muna  " I said. Ngingiti-ngiti pa itong lumabas at kumayaw pa sa akin. I was about to go back to work when my girl secretary intruded me again.

"Ah eh..ma'am, inform niyo po ako pag may girlfriend na siya--sabi ko nga po eh, back to work." Natigilan ito sa sasabihin nang mapansin ang pagtaas ng kilay ko. Napailing nalang ako.

I really can't go back to work without knowing where my secretary is. Baka kasi mamaya ay ginagawa na naman itong kalokohan. Napakagat ako ng labi at kinuha ko ang phone ko para tawagan ito. Kumunot ang noo ko dahil ang tagal nitong sumagot. This is unlikely. Pag ako ang tatawag, two rings at sinasagot na niya.

"Ma-ma'am!" Bungad nito sa akin. I can hear him cursing silently.

"Where are you?" I asked. Saglit itong natigilan at bakit pakiramdam ko ay natataranta ito.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon