K13

87.5K 1.9K 118
                                    

"Sigurado ka ba?" I asked my secretary.


"Y-yes ma'am. He had his f-flight early in the mo-morning po." He said.


Napataas ako ng kilay. I woke up early and syempre dinawit ko ang secretary ko para utusan siyang alamin kung ano ang ginagawa ni Luigi dito sa Hawaii which is nalaman kong may conferrence ito kasama ang isang British investor. The conferrence was held early in this morning at ngayon nga nalaman ko mula sa secretary ko na lumipad na pabalik ng Pilipinas si Fortalejo.


Mali naman pala ang inakala ko na pumunta siya dito para inisin ako.

Sayang! Kala ko pa naman chance ko ng magpakachics at habul-habulin ng gunggong na yun.


Anyway, mas mabuti na iyong bumalik na siya sa pinanggalingan niya, kung pwede nga lang pati sa tiyan ng nanay niya bumalik na siya para wala namang sumisira ng mood ko.


"Ah..eh ma'am, ano po ba-ba ka-kasi ang ginagawa ni-ni Mr. Fortalejo dito k-kagabi?" He asked.


And yes, dahil dakilang usisero at tsismoso ang secretary ko alam niyang nasa bahay si Luigi kagabi. I don't know kung anu-ano ang mga narinig niya o' nakita niya and I don't care. Kapag naman may nakaalam ng tungkol doon atleast alam kong iisa lang ang hahabulin ko.


"Sinasabi ko sayo, kapag merong ibang nakaalam na nandito si Luigi kagabi sa bahay alam mo na kung saan ka pupulutin. Abswelto ka na sa hindi mo paglalock ng pinto kagabi kapalit ng pananahimik mo." I warned him. Sunud-sunod na tango ang ginawa nito.


"Seryoso p-po ba yung i-ilog Pasig?" He asked. Gusto kong matawa dahil iyong madalas kong panakot kay Lucas ang ginamit ko sa kanya.

"Oo! Kaya madaan ka sa tingin. It's either you keep your silence or I'll throw you to Pasig River. Nagkakaintindihan ba tayo?"


Tumango ulit ito.


"Now I wonder....sino kayang nagsabi sa Fortalejo na yun na nandito ako sa Hawaii at may kasamang mga bata?" I didn't intend to address my question to Mr. Stutter.


Pero nakita ko kung paano ito mapaiwas ng tingin at mapalunok. Bigla rin itong pinagpawisan at tila namutla. Di masyadong halata na guilty.  Alam ko namang siya lang ang pwedeng magsabi niyon dahil siya ang nag-iisang may alam na may mga anak ako, at siya ang pinag-asikaso ko ng mga tickets namin ng mga anak ko.


"Kilala mo ba kung sino Mr. Stutter?" I asked him. Mukhang mas lalo itong kinabahan. Aasarin ko pa sana lalo kaya lang biglang tumunog ang phone nito.


"E-excuse me po ma'am, sagutin k-ko lang po." Paalam nito.


"K." I said.


Umakyat na ako sa kwarto ko para gisingin na sina Vaughny at Chloe. Inayos ko na rin ang mga gamit nila dahil ngayon namin balak magpunta ng beach at magswimming kasama si Landon.


Napangiti ako habang tinitignan ang mga anak kong magkayakap pa habang natutulog. Halos magkapalit ang mga mukha nito sa sobrang dikit nilang matulog.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon