K20

95.5K 2K 161
                                    

Tahimik ang naging byahe namin pauwi. Si Lucas ang tahimik na nagdadrive, katabi nito ang secretary kong taksil. Ako naman ay nasa likod kasama ang mga bata. Si Chloe ay nakatulog na sa kandungan ko, habang si Vaughny ay nagdodrawing.

Tignan mo nga naman ang trip ng anak ko oh, ang tiyaga magdrawing kahit hindi niya maitapat sa papel ang hawak niyang lapis at crayola dahil nga gumagalaw ang sasakyan! Duda na akong sa akin nagmana yan!

I can't help but frown.

Naalala ko na naman kung paano kami nagkausap ni Luigi kanina. Minsan napapagod na rin ako. Yun bang lagi kang maghahanda ng punchline para lang barahin siya. Ang sakit kaya sa bangs kahit wala akong bangs!

Ang sarap ding tuktukan minsan sa kakapalan ng mukha. He even had the guts to threaten me about my children's custody. Aaminin ko medyo nabother ako sa sinabi niya, knowing that jerk, gagawa at gagawa ng paraan iyon.

Ano ba kasing ginawa ko sa kanya at muhing-muhi siya sa akin? Baka naagawan ko kasi ng lollipop noon di ko lang maalala. And again, I frown.

"Hey. Gusto mo plantsahin ko na yang mukha mo?Lukut na lukot na eh. Stop frowning" Nagulat ako nang mukha na ni Lucas ang nasa harapan ko.

"Ha?" I asked habang nililinga ko ang paligid. Nakahinto na pala ang sasakyan. Wala narin ang mga bata sa tabi ko.

"Kanina pa ba tayo nandito?" I asked.

"Mga isa't kalahating oras na." He answered. Inalalayan ako nitong makalabas ng sasakyan.

"Weh?!" Sagot ko. Chura nito! One and half an hour?

"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala? Para sa ikatatahimik mo, 10 minutes palang naman." He said. Napakagentleman talaga sumagot nitong ungas na ito. Kanina lang kung makasilent treatment kala mo guguho na mundo, tapos ngayon makaasar wagas.

"Hindi ka papasok sa loob? Uuwi ka ba sa condo mo or kayla Ate Ada?" Tanong ko. Nakasandal lang kasi ito sa sasakyan.

"I'm going somewhere else." He simply said. Tatango sana ako nang bigla kong maisip kung saan siya posibleng pupunta.

"Pupunta ka doon? It's unhelathy for you. Dumito ka nalang kaya muna--"

He cut me off.

"Tell me what you were thinking."he said.

"Alin? I mean ang dami kong iniisip alin doon?" I asked.

"What you were thinking while frowning. Is it about Luigi?" He asked.

I rolled my eyes.

"We are seriously not gonna talk about him. Alam mo, bahala ka na kung gusto mong pumunta sa dati niyong bahay pero ako may ibibigti pa akong secretary. "I said. As much as I wanted to talk to him, I chose not to. I turn my back only to be stopped by what he said next.

"You know..seeing like that reminds me of myself. Just imagine how he felt earlier. He's not recognized by his children--"

"Saan pupunta ang usapan na to? I'm tired of this. Same topic na kailangan ko pa bang idiscuss kay dad, sa secretary ko at ngayon naman sayo? Si kuya nalang ba ang nakakaramdam sa akin dito?" I said.

Dad once initiated me to stop making things difficult between me and Luigi. Noong binibili ko ang Brgy. Tomasino, ay nasermunan na niya ako lalo na't nalaman nito na dahil sa Fortalejo na iyon kaya ko binibili ang lupa. He's not agreeing with my actions, though I have kuya Ashton by my side. Ayaw lang daw nito na magaya ang mga anak ko sa akin na nalayo sa ama noon.

I get his point, but they're not on my shoes to know my feelings. At ang hindi ko parin kasi maintindihan ay kung ano ang ibig nilang sabihin sa "stop making things difficult between me and Luigi" dahil honestly, ano ba ang nasa pagitan namin? I really don't get it.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon