SC-1

93.6K 1.3K 33
                                    

Luigi

"Luigi!" Dad shouted at me. His face turned red bursting to anger and I will never regret what I just said.

"Kung ikaw madali mong nakalimutan si mommy ako hindi! So dad, I'm telling you, papasukin niyo ang babae mo dito sa bahay at ang bastardong anak niya, I'll make sure, I'll give them hell! Mamili ka dad, it's me or them!" I shouted back.

Nanatiling nakakuyom ang mga palad ni dad sa kuwelyo ko. I stared at him with the same intense madness.

"You are unbelievable. Iniwan na tayo ng mommy mo."

Kumawala ako sa pagkakakuwelyo nito sa akin. I gave him a daggering look.

"No." I said before leaving him.

Even with what happened between me and dad, I wasn't able to convince him. Hindi na ako nagulat na makita ang babae niya at ang anak nito sa bahay.

I tried ignoring their presence but the lady is irritating. Masyadong mapapel. I know she's just after my dad's money.

"Iho. Hindi ka ba sasabay sa pagkain?" The witch invited me.

"Sigurado kang gusto mo kong makasabay?"

"Of course! You are my stepson--"

"And I don't like you to be my stepmom. Eating with you makes me wanna puke, so if you'll excuse me. " I said. Nakita kong kumuyom ang mga palad ni dad sa ibabaw ng mesa bago ako tuluyang umakyat sa kwarto.

I have been like that since they came. So I have decided to take additional units to school and masteral class just to make me preoccupied with other things.

Ako ang namamahala sa Summerwest University. Mahalaga sa akin ang eskwelahang ito dahil ang mommy ang nagpaggawa nito noon.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang lawyer ni daddy na papasok ng bahay namin. Kababalik ko lang galing Globals.

"What is this all about?" I asked. Katabi ni daddy si Priscilla habang ang anak nitong si Skyler ay nakatayo lang at masama ang tingin sa akin.

"Attorney, siguruhin mong mapapabilis ang pagiging Fortalejo ni Sky--"

"Wait--What?!"

"You heard it right Luigi, ang anak kong si Skyler ay magiging Fortalejo na rin, which means anumang meron ka, magiging kahati mo siya--"

I stilled then laughed sarcastically.

"You are out of your mind dad. Seryoso ba to? The last time I checked sa akin na nakapangalan lahat, nag-iisang anak ako and now.." I felt amazed, betrayed, mad all at the same time.

"Hindi na ngayon. Nandito na kami sa poder niyo. Ayoko namang bastardo nalang ang tingin ng iba kay Skyler. Kilala sa lipunan ang daddy mo kaya kahit hindi kami kasal, I wanted him to just legally adopt Skyler." Priscilla said.

"That's bullshit! Bastardo naman talaga siya! You are a mistress! Ano pa bang gusto mong tingin ng tao sa inyo?! "

"Luigi! Huwag kang bastos!" Dad shouted.

"Ako? Ako pa ang bastos?! Ni hindi mo hinanap si mommy! Nag-uwi ka ng kerida mo dito na may kasama pang bastardo-"

I wasn't able to finish my words when a fist landed on my face.

"Wala kang karapatang bastusin ang mommy ko. Kung ayaw mo sa amin, wala kang magagawa. Accept it. " Skyker said.

Tumayo ako at binigyan siya ng matalim na tingin. I walked out. That day I didn't come home. Nagdrive ako kung saan-saan, hanggang sa mapadpad ako sa tapat ng isang eskwelahan. A public school.

I don't know what I am actually doing here. I just felt something from this place could ease what I'm feeling. Maybe I just want to see children with their mother.

Tumunog na ang bell hudyat na dismissal na ng mga bata. Medyo malayo ang park na ito sa eskwelahan, but children would come running here to play on the playground.

Just as I thought I am wasting my time, I stood up and my attention was caught by this girl who's carrying a liitle kid. The kid must have been 3-4 years old, maybe.

Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae pero maputi ito at may kahabaan ang buhok. Ang buhat nitong bata ay tawa ng tawa.

"Ate! Lalaro kami ni Kuya Toto basketball maya!" Dinig kong sabi ng bata.

"Gawin mo muna yung assignment mo Chuno! Ikaw ah susumbong kita kay nanay, laro ka ng laro." I heard the girl answered.

Hearing her voice feels weird. Parang mas gusto kong makita ang mukha nito.

I shook my head. After Laureen, wala na akong ibang babaeng sineryoso. My mother and Laureen left me. I had this thought na ganoon lang rin ang gagawin ng ibang babae, so I just go and play around.

I saw the little kid's face dahil nakatalikod ang ate nito habang buhat siya. Bigla itong napatingin sa direksyon ko. His head turned to his ate's ears maya-maya ay nakita kong palingon sa direksyon ko ang ate nito but my phone suddenly rang that I have to turn my back just to answer it.

"Elly, glad you called back. Nareceive mo yung proposal ko?" I asked. Elliot is a friend of mine. Isa itong engineer at kailangan ko ang serbisyo nito para maging substitute prof.

"Wala ka sa bahay niyo, galing ako doon. Let's meet up. Kararating ko lang din from Batangas." He said. I agreed.

Bago ako umalis sa park ay lumingon ulit ako sa tinititigan ko kanina. I felt disappointed nang hindi ko na nakita ang bata at iyong ate nito. Hindi ko man lang nakita ang mukha ng babae.

Damn! Bakit ko ba iniisip iyon? Well, atleast, that girl got me preoccupied.

As soon as I entered my car, I sighed. I'll be back to my life. Back to a miserable life.

Hindi pa ako nakalalagpas sa vicinity ng eskwelahan ay nakita ko na naman ang batang lalaki at ang kasama nitong babae, I slowed down my car. Nasa likuran ako nito, medyo masikip kasi ang daan dahil sa dami ng naglalakad kaya hindi ko rin maayos ang pagmamaneho.

Magkahawak-kamay na naglalakad ang dalawa habang may hawak na ice cream ang batang lalaki at ang babae ay, uh..what do you call that pink stuff? Looks like a cloud or what.

I unconciously bit my lower lip. Darn! I want to see her face. Hindi ko alam kung bakit at para saan but I felt like I wouldn't be able to sleep kapag hindi ko nakita.

Mabilis ang paglalakad nila habang ako naman ay lalong bumabagal dahil sa dami ng tumatawid.

I got irritated dahil parang nananadya pa ang ilan na tumawid. As soon as the people got out of my sight, medyo binilisan ko na ang pagmamaneho para abutan ang bata at ang kasama nito.

Come on!

Ayan na naman ang mga nagdadagsaang estudyante at mga taong dumadaan. I got no choice.

Dalawang beses akong bumusina ng malakas at agad napatingin sa sasakyan ko ang mga tao, well, they can't see me, tinted ang sasakyan ko.

I was about to start moving again when I realized kung bakit nga pala ako bumusina, and there I saw, that little boy licking his ice cream and this beautiful girl eating a..uh..pink stuff.

Nakatingin lang sa sasakyan ko ang babae kaya bigla akong nakaramdam ng hiya. She might think I'm an arrogant person for doing that, kaya naisipan kong umalis na. My car is moving but my eyes are stuck on her through my car mirrors.

Darn! Siguro naman makakatulog na ako, or not.

------------------------------------

A/N

Flashback po ito :)

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon