A/N (2)

69.1K 1.3K 147
                                    

Hindi ko po talaga gawain ang magnote ng nasa kalagitnaan ng story pero I found the urge to do so. Since last week ay nag-iisip po ako kung paanong yung mga gusto lang ng update at yung mga gusto pang tapusin ang story ang makakabasa lang ng updates.

I thought of making the next chapters private and exclusive for followers. Hindi po ako nagpaparami ng followers. Never ko pong naging goal iyon, I only want to share stories. That's just it.

Naisip ko rin po na iemail nalang po sa mga magrerequest ng story yung draft if ever na hindi siya follower. Ganoon ko po kagustong iispoil yung mga talagang gustong magbasa ng stories ko.

Bakit? Kasi hindi maiiwasan na meron na pong magsasabi kung gaano na sila kadisappointed sa story. Ilang beses na rin naman po kasing nangyari and honestly, nasasaktan narin po kasi ako.

Alam niyo po ba kung ano ang nararanasan ko araw-araw? 12 hours po akong nagrereview. That will be 1pm to 1am or 3am. Every Saturday and Sunday may review class ako to Manila, ng 7am-6:30pm tapos babyahe na naman ng almost 2 hours. Pagdating ng bahay sobrang dyahe at drain na.

Guess what! Paano ko nasisingit yung update? Yung oras po na sana natutulog ako..nag-iisip po ako ng update. Yung oras na ipipikit ko nalang, nag-iisip pa ako ng eksena. Bakit ko parin tinutuloy? Kasi po yun po yung paraan ko para magrelax. Hindi po ako nanonood ng tv, dahil pakiramdam ko may sarili akong teleserye through my stories which made it my relaxation.

Isa pang relaxation ko ay ang makichika kay Ate belle (belle0807) tuwing gabi. Yun lang po.

I know you may not be interested on my routines pero gusto ko lang pong marealize niyo na tao din po ako at napapagod, naiinis, nasasaktan, ganern!

Hindi po ako expert. Bago lang po ako sa pagsusulat. Parati ko po yang pinapapaalala. Sobrang tuwa ko na nga noong may nagbasa 50 katao sa first story ko eh, ganun kababaw yung happiness ko pagdating sa pagsusulat. Yung tipong, isa lang yung magcomment abot tenga na ngiti ko kasi finally may nakakaappreciate.

Isipin niyo nalang kung anong mararamdaman ko kung may magsasabi ng hindi maganda diba? Knowing all my efforts just to update. Kahit iisa lang yun, masakit yun sa part ko. Tagos yun sa akin. Nawawala yung momentum. Yung sanang eksena na gagawin mo next ud, mawawalan na ng kulay hanggang sa wala na..

That I don't like to happen.

Reader din po ako. Alam ko po ang pakiramdam na nabibitin sa storya. Alam ko rin po yung feeling na nadadala sa characters. Yung naeexcite sa bawat update. Pero alam ko kung ano ang limitations ko bilang reader at nagbabasa lang ng libre. Kahit gaano ako kainis dahil sa bagal ng update o' dahil sa boring yung update, hindi po ako nagcocomment. Iniisip ko po lagi yung effort, puyat  at yung kalyo sa daliri nung author kakapindot ng keyboard.

Sana ganun din po tayo. Well, di ko ineexpect na lahat diba..pero sana kapag magbabasa po tayo nandoon yung consideration. Kahit pa bored na bored ka na sa story, parati po tayong may choices. Kung ayaw na, then drop it. Huwag ng pagtiyagaan. Kung idadrop na, wag naman na po tayong mag-iwan ng masakit na salita sa author.

Let's all be considerate.

Gaya ngayon, nag author's note ako. Yung iba di ito babasahin kasi sentimyento ko lang naman ito. Okay lang namam ;) Gusto ko lang talagang iinform kayo sa possible changes.

Concern kasi ako sa mga ayaw ng panget na updates. Baka kasi ayaw nilang tanggalin sa lib nila at umaasa pa ng magandang updates kaya para maiwasan nalang, isesend ko nalang sa may gusto OR! Maglalagay ako ng disclaimer sa bawat chapters.

Disclaimer: This chapter is not suitable for those who are looking for the best update.

Ganyan! Tignan natin kung magkulang pa ako sa paalala niyan. Hahaha!

Anyway, salamat parin sa mga gusto paring magbasa ng mga kalokohan ko. Sa mga nagtityaga nalang, eh..may mga choices po tayo..Deal or no deal lang ang peg natin.

Till here. Inform ko nalang po kayo if ever na may mga pagbabago like irereboot ko yung story, iiemail ko sa mga gusto, or irerevise or idedelete, para di kayo nabibigla.

Seryoso kasi naiiyak ako ngayon. Dinadaan ko lang sa biro. Hoo. Ayun lang po. Few reminders lang naman po iyan na sana iconsider din po natin kung reader tayo ng iba pang mga authors.

Thank you.

-MJ

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon