K21

85.4K 2K 164
                                    

It's raining. Obviously, umuulan nga dahil bukod sa nakikita kong umuulan ay two days ng suspended ang klase ng mga anak ko. Ako naman ay hindi pumasok ng trabaho. Nakapajama parin ako at nakahilata sa kama. It's already 10am at pakiramdam ko ay gabi na dahil sa dilim sa labas.

"Vaughny, bakit sabi ng classmate ko wag daw ako lalabas pag uulan, kasi dadami  ako, totoo ba yun?" I heard my daughter asked her brother, kanya-kanya kasi kami ng buhay dito sa kwarto ko, nagfefacebook ako, ang dalawa naman ay nasa ibaba ng kama at gumagawa ng domino.

"Mama! Totoo po ba yun?" Vaughny asked me. Malamang di niya alam isasagot sa kapatid kaya lifeline na naman ako.

Pumunta ako sa pwesto nila at dumapa ako sa kama para makaharap sila sa ibaba ng kama pero bago ako makapwesto sa kanila ay may nireject akong friend request.

Problema nun ni Fortalejo? Akala ko taga bundok tralala pa siya at himala na marunong siya magfacebook. At ako talaga iaadd niya? Kaya pala umuulan eh! Guguho na ata mundo dahil gumagawa siya ng normal na gawain ng tao.tss.

"Anak, sino nagsabi sayo na dadami ka?"

"Si Gian Nicholas po! " Chloe answered.

"Hindi mo naman classmate yun ah, classmate ko yun diba mama? Si Nicholas Sanreal po? Classmate ko po siya diba?" Vaughny said. Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ako sa mukha para matuon ang atensyon ko sa kanya.

Sanreal? Anak ni Gio?!

"Paano niyo magiging classmate yun e mas matanda sa inyo yun?" I asked them.

"Nagchicheat in daw po siya." Chloe said. Cheat in?

"Anak baka sit-in.." I told her. Hinawakan ko ang dulo ng buhok nito at kumuha ako ng pink na sanrio para ibraids ito.

Pambihira! Uso na ba sa primary students and sit-in?

"Schoolmate niyo lang siya mga babies, hindi niyo siya classmate..pag schoolmate ibig sabihin same kayo ng school. " paliwanag ko sa kanila.

"Tapos na! Tapos na ko Clawee!" Sabay sigaw ni Vaughny at angat ng kamay.

Sabay naming sinilip ni Chloe ang ginawa ni Vaughny. Nakagawa nga siya ng isang linya gamit ang mga dominos.

"Let's take it down na Vaughny!!" Chloe shrieked excitingly. Pumalakpak pa ito at nagtatalon.

"Wait! Let's take a picture of that tapos ipost natin sa facebook." I suggested. I asked them to sit beside the domino para maisama sila sa picture, pagkatapos ay naggroufie kami.

"Ma'am, kukunin ko po muna sila Chloe para kumain." Their nanny said.

"Babies, eat daw muna. Susunod nalang si mama." I kissed them both.

Nang makalabas na sila ay pasalampak akong bumalik sa kama at iniscan ang mga pictures namin at pinost sa facebook. Saglit kong iniwan ang cellphone ko para tignan sa laptop kung mayroon akong mga emails. After checking, I went back to my bed only to be surprised with flooded notifications on facebook.

Ang daming nagcomment, si Didi ang pinakanauna dahil namimiss na daw niya ang kambal. Precy commented too, well, kung gaano ka demure sa personal ganoon din sa facebook, she simply commented, miss you babies tapos may heart sign.

Marami pang nagcomment, ilan sa mga naging classmates ko sa Harvard at ang iba ay mga kakilala ko lang. Maya-maya ay pakiramdam ko gugunaw na ang mundo.

Luigi Miguel Fortalejo liked a photo you posted.

Luigi Miguel Fortalejo commented on the photo you posted.

Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon