A/N

67.2K 1K 103
                                    

Disclaimer: I know redundant na kasi nga A/N na nakalagay tapos may disclaimer pa. Haha! This isn't an update.

I just want to tell you something,

This is not really an important one, pero gusto ko lang na maopen yung minds nating lahat. I want to know some opinions. Kapag may nagparticipate, then I'll promise may update ng Chasing on Friday. :)

Textbooks are reading materials. It is naturally what we use for education. Maybe some are using tablets, modules, pero let's imagine these materials are similar. These materials are what we use to study, to learn, more likely para talaga matuto.

Imagine these materials, yung textbook na binabasa mo, incomplete. Tapos involve dito formulas. You are so eager to know how to solve a certain math equation pero hindi mo magawa kasi nga wala yung kasunod na chapter.

You are reading a quote and then wala na yung kasunod, then where is the thought in there? Wala. So ang end game, sinong masisisi? The author of course! The writer.

Eh kung bigyan ko kayo ng rason, sabihin ko, "maghintay ka. Malalaman mo rin yung kasunod"

That reasoning is certainly absurd! You made a book which goal is to share lessons.To share knowledge. Pero kung hindi ko makita yung buong thought at aabot pa ng ilang buwan bago maipublish yung susunod na chapter, what do you think will happen? Mawawala yung sense.

Ang totoo nyan, ayokong magpasaring talaga. I am now saying this as a reader kasi sa ganoon naman talaga ako nagsimula.

Dapat hindi natin ineexpect yung readers na makita yung buong view sa isang obra na wala pa sa kalahati. Kung nakita mo na may bahay kubo na nakadrawing, iyon lang ang kaya ng mga nakakakita na idescribe, yun lang ang mabibigyan ng opinyon. Hindi naappreciate kasi hindi nakita kung ano ang nakita mo.

Ikaw na lumikha, iba yung nararamdaman mo sa gawa mo, iba ang nararamdaman ng mga nakakabasa. What they can read is what they can only comprehend.

Ako, hindi ko kayo masisisi kung bakit nagalit kayong lahat kay Luigi. Pero never akong nainis sa reader na halos isumpa si Luigi, bakit? Kasi inaacknowledge ko  na iba ang point of view niyo sa akin. Alam ko kasi yung totoo, kayo hinihintay niyo palang na isiwalat ko. So kung meron akong aral na gusto niyong matutunan sa story ko, hindi ko ieexpect na ora-orada alam niyo na agad. Kasi nga hindi pa tapos. Kasi nga hindi pa buo.

May karapatan ba kayong magsabi ng nararamdaman niyo tungkol sa nababasa niyo? Yes! Masakit lang yung magsasabing walang kwenta o' panget yung story, iba yon! Pero yung tipong nagsasabi lang ng opinyon na sana mawala si ganito..si ganyan..parang nakakadegrade naman ata kung pagbabawalan ka. Kung malalaman mo na iyong author pala ay sumasama ang loob. Diba?

Kung ikaw ba naman magbasa ka ng story na ang goal ay makita mo ang tunay na buhay, o aral sa reyalidad, tapos maghihintay ka ng tatlong linggo para sa susunod na chapter, makita mo kaya iyong aral doon? Agad-agad? Syempre hindi! Again, what you read is what you get. Kung natisod yung bumaril kay Jose Rizal at wala pa iyong kasunod na chapter, anong iisipin mo?

"Sh*t sana umabot tropa ni Andres Bonifacio at mailigtas si Jose Rizal"

After 3 weeks, next chapter. Patay na si Rizal.

"Ba yan! Bat namatay??! Wala tuloy silang forever ni Josephine! Ms. Author, kelan update? Hindi na ba talaga mabubuhay si Rizal? "

"Ay ang sakit! Nadeads siya..huhu, Ms. A, bakit hindi umabot si Andres? Bakit ang late niya kasi magplano?"

After 3 weeks, ang pinakahihintay na update ay wala parin. Nagkaroon na ng iba't ibang version ang mga readers na ginawa ng zombie si Rizal mabuhay lang, pero wala pading update. Naipasok na si Michael Jackson sa isip ng mga readers pero wala padin.

After 2 months, ayan may update!  With matching smile, tapos kakabog pa yung heart. Then nabasa mo, nagluluksa parin si Josephine. Hindi parin tapos magplano si Andres.

"Author isa pang update please!"

"Bitin po..paupdate naman.."

"Bat ganun, parati nalang umiiyak si Josephine..nawalan na ng anak, nawalan pa ng jowa."

Hanggang sa dumami na at tunog bash na yung mga comments. Pero gusto talaga kayong matuto ng author, pero hindi naman siya nag-aupdate agad. Tapos naiinis na siya dahil laging nasisisi si Andres.

Tapos kulang nalang magsabi si author.

Hi, ako ang author ng binabasa ninyo, at wala kayong pakealam kung ganito ang takbo ng storya ko, manahinik kayo dahil nakikibasa lang kayo. "

P.S gusto nga kasi niyang matutunan niyo na si Josephine ay makakamove on din at magiging matatag sa tamang panahon.

Dumating ang pinakahihintay na update nga after 3 weeks ulit. Naglukuksa parin si Josephine.

Medyo mag-iisip na kayo. Okay, nasaan na yung aral na sinasabi?  Tapos may nagwawala na sa galit, nagbanta, hindi na daw babasahin ang story.

Actually, bilang reader, gusto ko pang palakpakan iyong nagsabi nun. She is just being real. Sino ba namang reader na magtetreasure hunt ng hidden lesson na gustong iparating ni author diba? Lalo na kung ang nababasa mo rin naman ay puro sama ng loob. Yung tipong maaawa ka na sa character.

I always believe that readers want to escape hardships in life. Iyon bang gustong maentertain, mainspire, matuwa, kiligin, kasi iyon naman talaga ang gusto natin.

Reading is a hobby. Gusto mong magbasa kasi gusto mo magrelax. Gusto mong ngumiti despite of having a hopeless case of having a love life. Despite of stress due to studies. Pagod sa trabaho, pagod sa problema.

Hindi sapat na reason na gusto mong ipakita yung reyalidad. Na gusto mong ipakita yung aral, na sasabihin mo na hindi lang naman dapat puro kilig, puro hearts and roses, puro bed scenes, puro sex, and etc.

Indirectly parang sinabi mo na, lahat ng readers rated spg ang hanap sa buhay. It's not like that. Marami lang talagang nagmamahal sayo na readers kaya hindi nila mabitawan yung storya, they've been expecting a lot from you, kahit ako, and these words coming from you made me think na maybe iyon talaga ang tingin mo sa mga nagbabasa. Kilig lang ang hanap? You made it sound like we are pathetic for searching such sa story mo.

You can't compare readers's opinions from the author's. Kasi iba ang alam ng author sa reader. Again, what the readers can read, is what they can only absorb.

One more thing, bago matapos itong SONA ko,  Kapag po tayo magcocomment, huwag naman nating idawit iyong ibang writers.

I have read a comment doon sa story nga na binabasa ko kaya ako nagsosona ngayon, sinabi nung isang  reader na may sariling plot yung author, di daw gaya ng iba, na nagpapauto sa readers.

Seriously?! Gusto kong tanungin iyong nagcomment na iyon ni minsan ba, kahit isang beses, hindi siya nagrequest ng another update? Hindi ba siya humiling na sana ganito iyong nangyari..sana ganyan?

I got offended. Kasi I have a friend who is like that, sinusunod niya yung gustong mangyari ng majority ng mga readers niya and what do the readers get? Satisfaction. Masaya sila. Kasi yung author, hindi maramot. Sinasacrifice niya yung ideas, dahil alam niya na mas marami ang nagbabasa na gustong maentertain, kaysa lalong malungkot.

Let's all be responsible. Author man or reader. Iconsider natin yung nararamdaman ng bawat isa. Anyway, walang author kung wala namang readers, and wala namang babasahin kung walang authors. We better compensate each other's feelings, by trying to understand.  Respect opinions and accept consequences. Huwag na nating idawit iyong iba and please stop comparing :)

Love, MJ ( w/ pabebe wave)



Chasing The Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon