K22

87.1K 1.8K 57
                                    

My eyes are glued on the headline. This is something that I could really say a good news as of now. Kahit malakas ang ulan at hanggang ngayon ay tinatamad parin akong pumasok ay nagawa kong bumangon nang mabasa ko ang headline sa dyaryo.

Para kanino ka bumabangon? Sabi nga sa commercial ng isang kape. Marami akong dahilan para bumangon in a dramatic way pero ngayon ay literal akong bumangon.

The Mendrez Industries is currently facing a huge downfall with billions to pay on creditors which will held the company into bankcruptcy.

Sino nga bang hindi babangon sa ganda ng balita?

Ngayon nga ay tutungo kami sa Mendrez building dahil naimbitahan ako sa annual board meeting. Ngayon pag-uusapan kung sino ang hahalili kay Mr. John Mendrez bilang CEO at hindi na dapat pinag-iisipan pa kung sino, ako lang naman. Matagal ko ng napagplanuhan ang bagay na ito.

"Pasunod na ba sila?" I asked my secretary.

"Yes ma'am, malapit na daw po sila. Ah eh..ma-ma'am, sigurado ho ba ka-kayo sa gagawin niyo?" Stutter asked.

" I am only giving them what they deserved. Wala akong dapat gawin na hindi ko sigurado " I said. Nakita ko pa itong tumango.

After an hour of traffic ay nakarating din kami sa patutunguhan namin. I sighed. Masyadong nakikisimpatya sa mga Mendrez ang panahon, ang lakas parin ng ulan. Di bale uso naman wet look.

The moment I entered the building, I felt everyone's gaze on me. I can only hear my heels on the floor tila ba lahat ay natubalani at nakatingin lang sa direksyon namin.

I squint my eyes when I saw Mr. John Mendrez talking to a group of people. I guess some of the managers? I don't know.  Napalingon ito sa akin nang mapansin na wala na sa kanya ang atensyon ng mga kausap.

"You, what are you doing here lady?" He asked.

"Annual board meeting di ho ba?" I asked.

"And so what if it is? " he asked and I can't help but smile. Wala parin siyang kaide-ideya. Maya-maya lang ay napalingon ako sa mga bagong parating bago ko itinuon ang pansin ko sa kanila ay muli kong tinapunan ng tingin si Mr. Mendrez na ngayon ay parang kinakabahan..

"Ms. Alarcon.." bati ng isa sa mga pulis.

"Officer Santiago, It's nice seeing you here. Tamang-tama ang dating mo." I said.

"Anong ibig sabihin nito?" I heard Mr.Mendrez asked.

"Mr. Mendrez, inaaresto po namin kayo. May warrant of arrest po kami laban sa inyo." Officer Santiago said.

"Warrant? Anong kalokohan ito?!" The old man shouted.

"Mas kalokohan ang panatilihin kang malaya Mr. John Mendrez" I said sarcastically. Lumapit na ang mga pulis dito at pilit na itong hinahawakan sa braso nang magpumiglas ito.

"This is not fair!! Bitawan niyo ko! You don't have any right to do this!" The man shouted.

"Mr.Mendrez, sumama na ho kayo sa amin ng matiwasay. Mayroon hong reklamo sa inyo tungkol sa ugnayan niyo sa mga drug dealers dito sa bansa. Maaari ho kayong kumuha ng abogado ninyo pero mas makakabuti po kung sumama nalang muna kayo sa amin para maintertogate ho namin kayo."

"Bitawan niyo ko! Sasama ako, hindi niyo na ako kailangan pang kaladkarin."
Mr. Mendrez said while glaring at me.

"Dad? Dad!" I rolled my eyes before turning my gaze to Laureen who's now approaching his father.

"Dad! What is happening? Bakit..bakit hinuhuli niyo ang daddy ko? Bitiwan niyo nga siya!" Laureen shrieked.

"Anak, ako ng bahala dito..umakyat ka na sa taas." Her dad said calmly. Sunud-sunod na umiling si Laureen at bigla nalang naligaw ang tingin sa akin.

Chasing The Bad GirlWhere stories live. Discover now