"So?" she said.


"Listen, I'm sorry for all of these. Pasensya ka na sa Nanay ko. Sorry kung napilitan ka tuloy sumama sa akin sa Batangas."


"No, it's okay. Hindi naman ako napipilitan. Nahihiya lang ako kasi family gathering 'yun eh tapos biglang kasama mo ako."


"Well, it's just us. Nanay said she didn't invite any of our relatives so there. Ako nga ang nahihiya sa 'yo eh."


"Eh di quits na tayo. Pareho tayong nahihiya sa isa't isa."


"Pero di ba dapat uuwi ka sa inyo? Paano na 'yan?"


"Tatawagan ko na lang si Mama na hindi ako makakauwi. Meron din naman s'yang pinagkakaabalahan 'pag weekend so okay lang."


"Sure ka?"


"Yeah."



********



Kahit masakit ang likod ko at medyo inantok pa ay nagdrive ako pauwi sa amin. Dumaan na lang kami sa Starbucks along SLEX para bumili ng kapeng pampagising. Buti na lang din ay kasama ko si Ailee. She did her best to 'entertain' me para hindi ako antukin. I would have to say that she's the best navigator I've had so far.


And just like what I promised Nanay, I was at our home before 9 o'clock... with Ailee. Dumeretso kami sa patio sa likod ng bahay namin to look for Nanay or Tatay. And to my surprise ay nandun silang lahat - si Tatay, Nanay at mga kapatid ko. Hinihintay nila talaga ako para batiin ako. Pero katulad kong nasurprise ay nasurprise din sila, well except for Nanay, dahil may kasama ako.


"Hi hija! You must be Ailee. Welcome to our home," Nanay said as she gave Ailee a hug.


"Thank you po ma'am."


"Ano bang ma'am! Call me Tita Amy. S'ya naman ang daddy ni Iggy, you can call him Tito Carlos."


"Ah thank you po Tita Amy for inviting me over. You have a very beautiful home po. Good morning po Tito Carlos."


"Good morning din Ailee," Tatay replied.


"Grabe naman kayo, nakita n'yo lang si Ailee nakalimutan n'yo nang batiin ako. Birthday ko po ngayon. This is supposed to be my day."


"Pasensya na Iggy. Nagulat lang talaga siguro kami na may kasama ka. You didn't tell us that you were going to bring your girlfriend," sabi ni Tatay.


Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. I knew they would instantly think that she's my girlfriend. Nakakahiya talaga.


"Kuya, hindi mo ba kami ipapakilala sa girlfriend mo?" my sister asked.


"Den-Den, first of all hindi ko girlfriend si Ate Ailee mo. She's my friend. Friend namin siya ni Rafa."


"Ows! Kuya baka hindi mo pa girlfriend. Ang hina mo naman manligaw," ang sabat naman ni Anton.


"Ah, totoo ang sinasabi ng Kuya n'yo. We're just friends. I just got invited to his birthday dinner kaya kasama n'ya ako ngayon.


"Anyway, Ailee sila ang mga kapatid ko. Si Anton, si JM at si Den-Den," I said while pointing to each one of my siblings.


"Hello sa inyo," she sweetly greeted.


"O s'ya. Maupo na tayong lahat doon para makakain na tayo ng breakfast. Halika na Ailee. I'll show you to your place," sabi ni Nanay sabay kuha sa kamay ni Ailee.


Nagsimula na silang maglakad papunta sa dining table sa patio. Napansin kong naglalagay na ng pagkain ang mga kasambahay namin.


My dad walked beside me and said, "Iggy, where did you meet her? S'ya ba ang nagrerent nung condo?"


"Opo 'Tay. Kaibigan po s'ya nung girlfriend ni Rafa. Nakilala ko s'ya a few weeks back. Bagong magkaibigan pa lang po kami."


"Ganun ba? I like her. There's something about her that I find so endearing. Anak, I wouldn't mind at all kung s'ya ang magiging girlfriend mo."


"Tatay talaga. Magkaibigan lang po kami."


"Lahat ng bagay ay may pinagsisimulan," he said. He then patted my back and went to find his place.




Letters to Cleo #Wattys2016Where stories live. Discover now